Chapter 21

83.4K 2.9K 3.2K
                                    

"Sana'y di magmaliw ang dati kong araw. Nang munti pang bata sa piling ni nanay. Nais kong maulit ang awit ni inang mahal. Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan."

Palagi kong naririnig sa kuwento ni Mama kung paano niya akong patulugin habang hinehele. Parati niya ring sinasabi kung gaano kasarap sa pakiramdam makita ang kapayapaan sa mukha ko habang natutulog.

"Sa aking pagtulog na labis ang himbing. Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin. Sa piling ni nanay, langit ay buhay. Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan."

Sinalat ng daliri ko ang malambot na pisngi ng sanggol. I rubbed her rosy, pink cheeks, her nose, and chin. Dinampian ko ng halik ang ilong niya habang hinehele sa pagitan ng mga braso.

She's so small, delicate, and beautiful. Matapos kong masaktan ng ilang beses, hindi ko inakalang magmamahal ulit ako ng sobra. Sa paraang hindi kayang ipaliwanag ng salita.

"Sana'y di magmaliw ang dati kong araw. Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal. Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan."

Ganito pala ang pakiramdam maabot ng sikat ng araw matapos mong magtiis sa kulungan ng lungkot. Wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko. Keeping her is the best thing I ever did.

Masaya maging ina, pero may kaakibat na hirap. Lalo pa at kami lang dalawa. Natatakot akong baka hindi ako maging mabuting ina. I had her unready, maybe too early.

I had mild post-partum depression after Isabelle's birth and I could only wish to have someone by my side pero wala. Sarili ko lang ang meron ako at ang pag-itindi sa lahat ng nangyari sa nakaraan ay unti-unting naging galit, iyong gustong gumanti. Dahil hanggang ngayon, hindi kayang lumimot ng puso ko. Kinabisado nito ang lahat ng pait at sakit na binigay ng taong mahal ko at ng pamilya niya.

Bakit hindi na ako binalikan at hinanap ni Noah? I cannot stop thinking about it. My mind won't let me rest and will find its answer to my questions. The only reason that I can think of is that I am not as important to him as I thought.

Totoo nga, nakabubulag ang sakit. Kahit anong pilit kong intindhin ang lahat ng nangyayari, I feel wronged and betrayed. More painful than being hurt.

Naintindihan ko siya noon, pero bakit napuno ako ng poot ngayon?

But I have Isabelle.

"Gagawin ni Mama ang lahat para sa 'yo, mahal ko," sabi ko habang marahang tinutulak ng paa ko ang duyan. "You will never feel incomplete. Mamahalin kita ng buo at kahit mahirapan si Mama, hindi tayo susuko."

Dumalaw ang mga kaibigan ko sa akin ilang buwan matapos kong manganak. Hindi nila maasikasong puntahan ako kaagad dahil busy sila sa mga requirements. Next year, graduating na ang karamihan sa kanila.

Nang mag-anim na buwan si Elle, bumalik ako sa pagja-janitor para kumita. Magastos ang magkaroon ng baby. Wala kasi akong gatas, kaya bumibili pa ako ng formula. Ilan sa mga damit niya, regalo nila Gen, stroller niya, laruan at kung ano-ano pa.

Dinadala ko siya sa trabaho dahil wala namang magbabantay sa bahay.

"Kawawa naman ng bata," anang babae sa asawa niya. Si Elle na nakakilik sa akin habang naglilinis ako ang tinutukoy nila. "Ang cute pa naman."

"Miss!" Tinawag ako ng asawa niya.

Sa tingin pa lang nila, nakakainsulto na. Mga ganitong mukha ang siguradong masama ang tabas ng bunganga. Ginamit ko ang itinabing respeto at lumapit sa kanila. "Sir?"

"Anak mo?"

"Yes, Sir. Anong problema niyo sa anak ko?" diretso kong tanong.

"Walang problema sa anak mo, pero sa 'yo meron. Eh, mukhang pagod na pagod 'yung bata, hindi ka ba nahihiya na naglalampaso ka riyan na kalong mo ang sanggol?" tanong niya.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now