Chapter 15

95.6K 3.5K 2.6K
                                    

"Magkano po sa baboy?" tanong ko sa tindera. Abala siyang nag-aayos ng mga kasangkapan sa loob ng puwesto.

"280 lang per kilo suki, bili ka na," anang babae na busy pa rin sa paglilinis.

Ngumiti ako. "Sige po, kukuha ako."

"Ilang kilo ba, suki ko?"

"Sampung kilo," sagot ko. Nangisi si Noah sa likuran ko nang bigla ay nagtaas ng tingin ang tindera.

Nanlaki ang mga mata niya at sandaling natulala. I bit my lips to suppress a smile as I am trying hard not to laugh at her response. Nagsalisihan ang mata niya sa pagtingin sa amin ni Noah.

Natawa na akong tuluyan, maluha-luha. "Ma, starstruck ka na naman sa beauty ko. Ako lang 'to." Itinuro ko ang sarili.

Ngumiwi si Mama. Sa isang iglap ay nagbago ang mga linya sa mukha niya. She cried with no tears, nakakatawa 'yon para sa 'kin pero lamang ang pagkasabik ko sa kaniya.

"Diyos ko po, mahabagin! Samm!" Nataranta si Mama. Ibinabad niya sa tubig ang maduming kamay at winisik, dali-dali siyang lumabas ng puwesto at pumunta sa akin.

"Sammantha, ikaw ba talaga 'yan, nak?" Ayaw pa akong lapitan ni Mama. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan na niya ako ngayon.

I pouted, naiiyak ako kasi miss na miss ko siya. Ako na ang magmadaling lumapit at yumakap kay Mama, leaving Noah behind me. Hindi ko pinansin ang mga namamalengke at ibang tindera na nakatingin sa amin. Niyakap ko si Mama nang mahigpit.

Umiyak si Mama na parang bata habang hinahaplos ang likuran ko. Wala siyang magagawa, iyon lang ang abot ng height niya. Kinailangan ko pa ngang bumaba para mayakap siya nang maayos. She's so small.

Nang mangawit ay humiwalay ako kay Mama. Up to this second, she still don't want to believe this is happening. Hinawakan niya ang pisngi ko para suriin ang mukha. I chuckled.

"Ma, totoo ako. Mukha akong manika, pero si Samm 'to. Summer, your prettiest dowter," I said.

"Hindi kaya nananaginip lang ako?"

"Hinampas ko si Mama sa braso." Umaray siya. "Naniniwala ka na?"

Si Mama naman ang ngumuso this time, hindi ko maipaliwanag ang hitsura niya. Unggoy na inagawan ng saging.

"Anak ko," iyak ni Mama. "Salamat po, Diyos ko." She hugged me while crying. Nagpapadiyak pa si Mama. Kahit tuloy ako ay hindi na nakapagpigil ng luha. Walang sinabi ang lugar sa dramahan namin ni Mama.

Kalaunan ay bumitaw ng yakap si Mama. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Sinong kasama mong umuwi?"

Mabuti at tinanong niya. Kanina pa nakatayo si Noah sa likuran ko. Lumihis ako para makita niya si Noah. Si Noah na kanina pa pinagpipiyestahan ng titig ng mga taong dinaraanan kami. I held Noah's back as I guided him in front. "Si Noah, Ma."

Ngumiti si Noah at bumeso kay Mama. "Hello po," matamis na sabi ni Noah.

Ang nanay ko ay tinaas ang kamay dahil akala niya magmamano ang lalaki. Siniko ko si Noah, isinenyas ang kamay ni Mama.

Instead of placing it on his forehead, hinalikan ni Noah ang likod ng palad ni Mama. Hindi maipinta ang mukha ng Nanay ko. Kahit ako, 'di alam kung paano magre-react.

Kinuha ko ang kamay ni Mama at nagmano para sana ipakita kay Noah ang ibig kong sabihin pero hindi na niya nagawa dahil nagsalita na si Mama.

Nakipagsukatan ng tingin sa akin si Mama. Patingin-tingin siya kay Noah.

"Kaibigan ko, Ma. Noah, si Mama, alam mo naman sigurong Nanay ko siya? Mama nga," ani ko.

Pumamewang si Mama at pinasadahan ng tingin ang lalaki sa tabi ko. Noah seems to be nervous because of her stares.

After an End | Academy Series #3Où les histoires vivent. Découvrez maintenant