Chapter 6

79.7K 2.8K 3.3K
                                    

TW: Sexual Harassment

"May anak ka pala? Hindi ko nabalitaan."

Nasorpresa ako nang pagdating ko sa bahay ay may mga tao sa sala. Tingin pa lang ni Tita, nanemermon na. Paano ba naman, ngayon pa nakisabay 'yung jeep na sinakyan ko, tumirik. Lumipat pa kami sa ibang jeep, puno halos lahat dahil uwian na nang ganitong oras kaya nahirapan akong makasakay ulit.

Tinignan ng babae ang kabuuan ko at kahit hindi niya sabihin, kita ko ang pandidiri niya. Nahihiya akong ngumiti at yumuko nang dumaan sa harapan nila. Patay ako mamaya kay Tita.

"Anak mo ba 'yon?"

"Hindi, anak ng pinsan ko. Dito nakatira sa 'min ngayon at hindi kayang itaguyod ng mga magulang niya."

Malinaw sa pandinig ko ang pag-uusap nila Tita at ng kaharap niyang babae. May nakahandang rekado sa kusina. Ito siguro ang naantalang pagluluto ni Tita. Ako na ang magtutuloy.

"Kayo ang nagpapa-aral? Napakabuti niyo talagang mag-asawa."

"Sino pa ba ang tutulong sa kadugo kung hindi pamilya, 'di ba?" si Tita.

Pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng kalabasa. Sa ingredients na nakahanda, mukhang kare-kare ang gustong lutuin ni Tita.

"Ang maganda niyan, may katulong ka rito sa bahay kahit papaano."

"Anong katulong?" tutol ni Tita sa sinabi ng babae. "Walang kinilos 'yan dito sa bahay, kailangan mo pang sabihan bago gumawa. Tignan mo nga, anong oras na umuwi? Ano pa gagawin niya kung tapos ko na lahat?"

"Gano'n? Bigat pala ang dala sa 'yo," halakhak ng babae.

"Wala man lang pakinabang dito. Hindi naman matalino, puro pagsali sa kung ano-anong contest ang inaatupag. Ayaw ko namang pauwiin at naku, sa palengke lang ang Mama niya."

"Kung ikaw ang nahihirapan, bakit hindi mo pa pauwiin? Problema na ng pamilya nila 'yon."

"Ewan ko nga ba sa mga magulang ng batang 'yan. Mag-aanak, hindi naman pala kayang buhayin." Si Tita.

"Hayaan mo na, kumare. Babalik din sa 'yo ang grasya pagdating ng panahon," sabi ng babae.

Humigpit ang taban ko sa kutsilyo. Ang sakit marinig ng mga salitang 'yon mula kay Tita. Kahit kailan, hindi niya iyon sinabi sa harap ko. Ilang taon na ako rito, akala ko ay ayos ang relasyon namin. Wala akong alam na gano'n ang tingin niya sa akin—na ganon ang tingin niya kila Mama.

Nagalit ako. Sa tindi ng galit ko, para akong maiiyak. Ayoko sa lahat ay pinag-uusapan ang pamilya ko, nagiging halimaw ako. Pero hindi ako puwede magpadalos-dalos. Sa bahay pa rin nila ako nakatira at tama siya, sila pa rin ang nagpapakain at kumukupkop sa akin.

Kinagat ko ang labi para kontrolin ang emosyon ko. Nagulat ako nang magsalita si Tito mula sa gilid.

"Tito," naiusal ko.

"Pagpasensiyahan mo na ang Tita mo, Sammantha," ani Tito. Hinawakan niya ang balikat ko at pinisil. "Hayaan mo at kakausapin ko mamaya pag-alis ng mga bisita."

"Huwag na, Tito, pag-awayan niyo pa. Okay lang ako, malayo sa bituka."

Pinagluto ko sila ng hapunan. Magalit man ako, wala rin mangyayari. Mga kaklase pala iyon ni Tita kaya gusto magpasikat. Naglinis pa nga siya ng bahay for the first time. Ang kapal ng mukha niyang sabihin na wala akong ginagawa sa bahay, samantalang gawa ko ang lahat. Aalis siya magang-maga para makipagsugal sa kabilang bahay, tapos hapon na babalik.

Kaya nga nag-aaway sila ni Tito. Sa tong-its at pagbi-BINGO niya inuubos ang allowance na dapat sana ay panggastos araw-araw. Nagtitiis na lang talaga ako rito para kila Mama at sa kapatid ko.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now