Chapter 8

84.6K 2.9K 2.2K
                                    

"Noah, ayoko sabi. Umuwi na lang tayo." I acted like a kid, refusing to see the doctor.

Hinihila ako ni Noah. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hindi ko malaman kung may galit ba siya sa akin o ayaw niya lang akong makatakas.

"Stop being a kid, Samm. Madaming nakatingin, umayos ka," he pointed out. Ngumuso ako nang makita ang paligid ay nakatingin sa akin ang mga tao. Nakakahiya na sa dinami ng batang pasyente sa loob, dinaig ko pa sila sa takot.

Hindi ako takot sa doktor, takot ako sa gamot! Hindi ako marunong uminom ng gamot! If Noah can assure me that I don't have to swallow tablets, hindi naman ako aatras.

"Kawawa kaya si Kaye. Paghihintayin mo 'yung nililigawan mo sa kotse? Pagod na pagod na 'yung tao. Baka kagatin pa 'yon ni Aries."

"Look at your face, all beaten up."

I have this feeling na gusto niyang dagdagan ang mga sugat ko sa mukha, naaawa lang siya. Kung makapisil siya sa mukha ko, akala mo siopao ang mga pisngi ko.

"Mas bugbog-sarado kaya si Nami sa 'kin kanina. Sayang, hindi mo napanood. I almost took her hair out of her scalp. Kinaladkad ko lang naman siya sa damuhang may tae pa ng aso," pagmamayabang ko. Salisihan sa pagtaas ang kilay ko.

"Look who's proud of getting into a fight, but is afraid of seeing the doctor," sarkastiko niyang sabi. "Huwag ka magpabigat, bubuhatin kita."

"Ayaw ko nga kasi, Noah. Sino ba ang nagsabing takot ako sa doktor? Iba ang ayaw sa takot. Iniisip ko lang, maraming pasyente ang kailangan ng service nila, makikihati pa 'ko sa oras. Isipin mo 'yung ibang tao."

He grinned and pulled me as he walked. Binalaan niya na ako pero hindi ako sumunod. Nagpabigat ako sa kaniya dahilan para maputol ang litid ng pasensiya niya. Binuhat niya ako.

"Just say you're scared of medicine. Your excuses won't work on me."

"Alam mo naman pala, eh! Ibaba mo na 'ko. Ayaw ko nga, Noah. Pagtatawanan lang ako ng doktor," pagpupumiglas ko. I remembered this one experience of me.

"Ginusto mo 'yan," katwiran ni Noah sa akin.

Binuhat ako ni Noah hanggang sa doctor's office. I behaved like a tamed cat. Kaysa naman magpumiglas pa ako at magmukhang sisiw na takot sa doktor.

I was checked. Si Noah ang gumamot sa mga sugat ko habang ina-assist lang siya ng doktor. Nagpresinta siya. Alam niya naman 'to. It's not like it's the first time he did a first aid on my wounds. Pala-away na ako kahit noong kami pa.

Minor lang ang mga sugat na natamo ko. Pinalaki lang ni Noah ang problema. Ganito ata talaga kapag mayaman. Palibhasa, ni isang galis wala siya. May regular check-up ang buong pamilya niya kaya alagang-alaga mula ulo hanggang paa. The doctor who checked me is their family doctor since then. Kaya pamilyar na rin siya sa akin. Ewan ko lang kung naaalala niya pa ako.

"A-Ah. Dahan-dahan naman, Noah," reklamo ko. Ang diin ng pagkakadampi niya sa sugat ko. "Si Doc na lang kaya, may galit ka ata sa 'kin."

"You deserve this," malamig niyang sabi. "This is what you get for not listening."

"This is what you get nye, nye," I mocked him. "Deserve lang ni Nami 'yon. Bakit kasi niya sinaktan si Gen? Ang bait ng kaibigan ko, ginalaw niya-Ah! Masakit, Noah!" Hinampas ko ang braso niya. "Nanadya ka ba, ha?"

He shortly chuckled. "The war freak is crying because of betadine. How funny."

Inambaan ko siya ng suntok pero bigla akong nahiya kay Doc. She's widely smiling while watching us. Binaba ko ang kamao.

Tiniis ko ang hapdi. Noah seemed to enjoy hurting me. Ang tagal niyang ginagamot ang sugat ko. After a century, natapos niya rin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sugo ka ng sakit," I murmured.

After an End | Academy Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon