03

703 37 18
                                    

iii.

"You owe me for the fourth time."

I blinked several times just to process what he have said. Bahagya akong natawa at humalukipkip sa harap niya.

He raised his left eyebrow nang makita ang reaksyon ko, "What? I saved you." aniya.

"You saved me without asking me. I even tried to stop you pero ayaw mo, ngayon naman ibibilang mo na utang na loob iyon sa akin?" I asked him.

Hindi siya makasagot kaya nilampasan ko siya at pumasok na sa room, everyone staring at me na para akong isang napakaruming basura na hindi nabibilang sa napaka kintab na sahig. Umupo ako at sinimulang kumuha ng libro at magbasa.

I can hear some of them badmouthing me, pero hindi ko sila pinansin. Pinalibutan naman ako ng mga barkada ni Shaira saka ako sinamaan ng tingin.

"You think you're lucky just because Jay covered your stupidity? Pwes, sa amin hindi ka makakalusot!" aniya.

Hinila nila ang buhok ko ng ilang beses, mahapdi sa anit iyon kaya napapasigaw ako sa sakit!

"Aray!"

Tinatawanan lang ako ng mga kaklase ko, ni wala man silang balak na tulungan ako.

"Alam mo? There's something waiting for you!" sambit ni Shaira saka ako malakas na sinampal!

Namanhid ang kanang pisngi ko at napaawang ang bibig dahil sa gulat,

"Masyado kang papansin kay Jay ano? Little you didn't know that he's mine! At ang basurang katulad mo dito, hindi nababagay sa Enhyfun. Kaya kung ako sa'yo, umatras kana sa pagiging scholar baka maging impyerno ang buhay mo dito."

Gusto kong maiyak, is this how Enhyfun works? I thought it's a school for everyone? Why am I experiencing these kind of bullying?

Nanlalanta akong dumiretso sa may school field at pinanood ang mga naglalaro doon. Naroon din si Jake na nakangiting naglalaro at sumisipa sipa ng bola. I sighed as the wind blows, inayos ko ang buhok ko at nag bun nito.

Jake suddenly turns to me, our eyes met. Agad akong umiwas ng tingin at nagpanggap na hindi siya nakita. When I looked back at him again ay nasa may malapit na goal ito. I pouted as I looked at my nails, naiinip ako't wala ng magawa.

Tinabihan ako ni Jay at ng lalaking maputing matangkad, nasa may gitna nila akong dalawa at nagtatawanan.

"Jake is good, really good about sports." Ani ng matangkad na maputing lalaki.

"Ikaw din naman, Benjamin ah? You made into national team di ba?" Jay asked.

Para akong hangin na nasa gitna lang nila, they didn't even greeted me.

"Yeah, as of now I'm still training para sa Beijing Olympics next year."

Napatingin ako dito, he looks kinda sporty din. Anong sports siya kabilang sa national team?

"Hey, ikaw pala." pansin niya sa akin. "Sorry we're busy talking and we forgot there's someone sa gitna namin." aniya.

Yeah, they're tall, much taller than me. Kaya hindi ako magtatakha kung bakit hindi nila ako napansin. Hanggang leeg lang yata nila ako. They are indeed giants.

"So..."Ani ni Jay. "Wait, we are crossing our paths more often lately, what's your name?" he asked me.

Umirap ako, "Tanong mo sa pagong." sambit ko saka tumayo't pinagpagan ang sarili.

"Ohh?!" sigaw ni Benjamin kaya napatingin ako sakaniya.

He's still staring at me at bahagyang nakaturo sa likuran ko, hindi ko napansin si Jay na nakatayo na pala sa may gilid ko at pababa na ito.

"Later, Benj." aniya.

Pababa na rin ako nang bigla akong matisod sa isang bagay dahilan upang sumubsob ako sa lupa, mariing pagpikit ang ginawa ko. Isa nanaman bang kahihiyan ito?

But instead of a hard rock, bumagsak ako sa isang malambot na likod ng kung sino. When I looked at him, it's Jay.

Pinagpulungan kami ng lahat, ang iba'y umiiling sa akin at ang iba'y tinitignan ang kalagayan ni Jay.

I poked him, and he looked at me. He smiled and asked, "Are you okay?"

I slowly nodded at tumayo na, I apologized to him. Napatingin ako kay Benjamin na hinahayo ang kaniyang buhok habang nanlalaki ang mga mata sa amin saka bahagyang natawa.

Jay pulled me close saka tinignan ang noo ko, "Oh my gosh." dinig kong sambit ng isa.

Papalapit sa amin ang lalaking kasama ni Jake sa library, but he immediately closed his eyes when he saw us.

"Okay, rated PG. Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan, I'm going to pretend that I didn't see that." aniya saka unti-unting umatras at tumabi kay Benjamin.

"Hoy babae, tinatanong kita." napatingin ako sa napakalapit na mukha ni Jay.

His pointed nose makes him more handsome, his daring eyes, and perfect lips...nabalik ako sa sarili at kumalas upang lumayo sa kaniya.

"A-Ayos lang ako no! Wag mo akong alalahanin!" ani ko.

Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at agad na akong dumiretso sa may clinic nang maramdaman ang pagkirot ng may tuhod ko.

May malaking galos ito kaya inaabot ko ang betadine, medyo may kataasan ito nguni't nang abutin ko na ay may ibang nag abot.

"You said you're fine. So why did you went here?" he asked me.

Hindi ko siya sinagot, kinuha ko ang first aid kit sakaniya saka umupo sa may kama at sinimulang nilinis iyon.

"Tsk. Mali ang ginagawa mo." aniya saka nag squat sa harapan ko at kinuha ang panlinis ng sugat sa akin.

Nilinis niya muna ang maligid ng galos bago niya nilapat ang bulak sa mismong sugat.

I stared at him while doing that, doon ko napansin ang mga sugat din nito sa may braso at siko niya. Napapikit ako,

It must be hurting him, hindi siya ang tipo ng tao na nagkakasugat o galos sa katawan, baka isumpa ako ng mga ninuno nito kung maaari.

"Done." aniya matapos bigyan ng band aid ang sugat ko.

Tumayo ako at pilit siyang pinapaupo, " Ako naman." sambit ko.

Nagpumilit pa siya noong una at muntikan na akong tumigil sa pangungulit, this time is surely my fault. And he saved me once again.

"You're breathing heavily." aniya. "Is there something bothering you?"

Umiling ako, "Wala naman."

"Are you sure?" tumango ako at tinapos na ang paggamot sa sugat nito.

Iniwan ko na siya sa loob ng clinic without thanking him for saving me, maybe soon when I've got the chance to do so.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon