22

402 30 17
                                    

xxii.

"Ate may nagpapabigay po."

Napatigil ako sa pagbabasa ng libro sa may garden nang may lumapit sa aking isang grade school student at inabot ang isang kahon ng ferrero rocher.

Nagulat naman ako kaya ngumiti ako sa bata, "Naku! Baka nagkakamali ka lang, baka hindi talaga ako ang pagbibigyan niyan." sambit ko.

Wala naman kasi akong alam na magbibigay sa akin niyan? Lalo na wala naman akong gaanong friends sa school, lalo naman na wala akong manliligaw.

"Hindi po, sabi po kasi niya ibigay ko daw po kay Ate na nagbabasa ng libro."

Napatingin ako sa paligid, halos ako lang yata ang tao na nandito at nagbabasa pa ng libro. Dahan-dahan kong kinuha ang inaabot niya saka siya tinanong ulit,
"Pwede ko bang malaman sinong nagpabigay nito?"

"Hindi ko po kilala ate eh, tinawag nya lang po ako bigla. " aniya. "Sige po mauna na ako, may pasok pa po ako! Babye!" sabi niya skaa tumakbo palayo.

Nakakapagtakha lang na may magbibigay sa akin nito, dala dala ko ang chocolate kaya pinagtitinginan ako. Napapikit nalang ako saka pumasok sa classroom at itinago iyon sa bag. Napayuko nalang ako sa mesa saka ko napansin na may lumapit sa akin.

"Huli! Tawag ka ni Jay hyung, bakit daw hindi ka sumama sa amin na mag break? Ayaw mo ba ako makita?" nguso niya.

Umiling ako, "Nagbasa lang ako ng libro sa may garden." sagot ko.

May bigla siyang hinila sa likuran ko at napagtanto kong iyon ang box ng chocolates!

"Hmm...may nagbigay sa'yo nito?" Tanong niya.

Tumango ako, "Oo habang nagbabasa ako sa may garden inabot sa akin yan ng bata sabi pinapabigay daw sa akin akala ko nagkakamali lang."

Napaisip din siya saka isinara ang bag ko, "Tara na."

Pagdating doon ay patakbo siyang lumapit sa may tabi ni Jay at may sinabi siya rito saka tumawa. Naupo ako sa may tabi ni Benjamin na nakatingin sa nakalapag na cellphone nito kaya sumilip ako ng bahagya.

"Jowa mo?" tanong ko.

Nangingiti siyang tumango, tinukso naman siya ng mga kaibigan. Binigyan niya ako ng mansanas kaya nagpasalamat nalang ako sakaniya. Biglang tumayo si Jay at may kausap na sa telepono, nagkukwentuhan sila habang kumakain samantalang ako ay palibot libot nalang ang tingin. Marami akong naririnig about sakin, sa pagpuwesto ko kasama ng mga heartthrobs ng Enhyfun at iba pa.

"Karen?" napatalon ako sa kinauupuan nang magsalita si Benjamin sa tabi ko. "Anong nangyari kay Jay?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko, "Kayo ang kasama niya magmula kanina bakit mo sa akin tinatanong?"

Nang bumalik na ito ay agad siyang tumingin sa akin, napatago naman ako bigla sa may braso ni Benjamin kaya humalakhak ito.

"Scared?" Tawa niya. "Don't be scared, Karen. He's just being possessive niyan."

Possessive? Bakit naman? Sino ba siya? Ano ba niya ako? Wala naman ah.

Ilang minuto akong nagtago kay Benjamin bago tumayo para bumili ng maiinom. Umirap sa akin si Shaira saka ako tinulak, muntikan na akong bumagsak sa sahig nang masalo ako ni Jay at sinamaan niya ng tingin ang mga ito.

"Pwede ba? Tumigil kana sa pambu-bully mo, Shaira." malamig niyang sabi.

Hindi makapaniwalang ngumiti ito kay Jayz "Ano bang napakain sa'yo niyang hampas lupang iyan at panay ang pagtatanggol mo? Sa palagay mo ba siya siya ay isang lampang prinsesa at ikaw ang knight and shining armor? Hindi na uso ang mga disneys and fantasy stories, gumising kayo sa katotohanan!---Oh my gosh!"

Pati ako ay nagulat nang bumuhos sa ulo ni Shaira ang isa at kalahating litro ng tubig. Napatingin ako kay Jay na blangkong nakatingin sakaniya. Hawak hawak parin niya ang bote saka i-shoot ito sa may recycling zone.

"Ikaw ang gumising sa katotohanan, na sa oras na may gawin kapang masama kay Karen...kamay na bakal na ang matitikman mo." aniya.

Naglapag ng isang libo si Jay sa counter at kinuha ang isa pang 1.5 liters ng tubig at dalawang babasaging baso.

Pagbalik namin doon sa table ay dagli siyang yinakap ni Johnny para pakalmahin. Ganon din ang ginawa ng iba pa nitong kaibigan.

Pinagbalat ako ng mansanas ni Jake saka binigyan din si Ni-ki at Bejamin. Kumuha na din si Ethan ng mansanas habang nagtitipa sa kaniyang cellphone.

Natahimik ang buong cafeteria dahil sa nangyaring komusyon, nagsi alisan na din ang kalahati sa mga estudyante rito.

Natatakot akong bumalik sa classroom ko, dahil for sure ay dito ako gugulpihin ni Shaira at ng mga alipores niya. Pero nagulat ako nang makita si Jay na nasa tapat ng pinto at naghihintay. Nauna akong umalis sa cafeteria pero mas nauna pa siyang dumating sa classroom ko.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked.

Pinagbuksan niya lang ako ng pinto, and the next thing I knew ay nasa likuran ko na siya nakaupo.

Our next subject teacher explains na magiging classmate na namin sina Jay from on sa Arts subject. Ibig sabihin, I am still not free. Siguro ay minor subject lang nila 'to kaya naisipan na nilang pagsamahin ang mga both BS Accountancy. But for your information, mas advance silang one year sa akin. I am on my third year, and sila ay nasa fourth year na.

Gagawa kami ng ceramics ngayon sa subject na to at iyon ay by pair. Marami sa mga kaklase nina Jake at Jay ang inaaya silang maging partner pero lumapit sa tabi ko si Jay at umupo. Nag thumbs up sa amin si Jake at lumapit don sa isang babae na tila kinikilig pa.

Inorient naman kami ng prof about sa gagawin saka pinakita kung paano inuhulma ng mabuti ang mga clay.

"What do you like to do?" tanong ni Jay sa akin.

Napaisip din ako, may gusto nga ba akong gawing ceramics ngayon? Napanguso ako dahil wala akong maisip.

"Ikaw?" I asked.

Namula ang mukha ni Jay saka nag-iwas ng tingin, doon ko napansing mali pala ang tanong ko.

"I-I mean i-ikaw? A-Anong gusto mong gawin? Hehe." sambit ko.

He chuckled saka bumuntong hininga, "I know that no! Panget mo kabonding." sabi niya.

Natawa kami pareho, "Did you know that if you throw things on the ocean it will immediately sink?"

"Oo naman!" umirap ako. "Pwera sa plastic."

"Well, in my own perspective tinapon mo rin ako." aniya. "In the middle of the ocean and I am here drowning myself because my love is too heavy for you."

Ano daw? Hindi ko na gets kaya hindi ko siya pinansin. Magpatuloy ako sa paghuhulma ng clay kaya nakita kong ngumuso siya sa akin.

"What?" tanong ko.

"You didn't react. You didn't feel kilig?" he asked

Kumunot ang noo ko at tumingin sakaniya, "Bakit ako kililigin?"

"Ahh! You don't love me!" maingay niyang sabi kaya napatingin sakaniya ang lahat.

Agad ko siyang kinurot sa may tagiliran dahil nakakagaw na siya ng pansin, pinagpatuloy ko ang paghuhulma saka bumuo ng isang butas sa clay making it looks like a well.

"Well? You want well?" he asked habang iniinda ang kinurot ko sakaniya.

"Wala, ewan, napansin ko nalang na balon na pala ang ginagawa ko." sambit ko.

And when I turned to him, nakita ko ang mga nagniningning niyang mata at pigil ngiti.

"Maybe you're falling too, but not to deep. " Aniya. "Well, I'll let you fall for me deeper than the well, baby. You'll fall for me hard than you expect."

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon