25

364 25 7
                                    

xxv.

"Teka bakit ganito kamahal? Wala naman po kaming ginamit o binili ng kung ano ah? Na admit lang po sya dito, impossible naman na umabot ng mahigit one hundred thousand ang dextrose?" tanong ko.

Kinuha sa akin ni Jake ang papel saka pinakita din iyon kay Benjamin, napapailing nalang ang dalawa saka dagling nag dial si Benjamin sa cellphone nito.

Umalis ang nurse na wala mang sinasabi sa amin, is it possible that they just tricked us para umalis ng hospital na 'to? Maybe ang mag inang iyon ang may pakana nito dahil 'sila' daw ang isa sa mga chairman ng hospital kuno na ito.

May tinawagan ang dalawa kaya nag usap sina Tatay at Nanay na sa bahay nalang sila magpapahinga dahil baka maragdagan pa ang bill namin, mas malaking bayarin.

"William will cover this." sambit ni Benjamin, napatingin kaming lahat sakaniya.

"Nako! Wag mona idamay si William, Benjie. Nakakahiya!" puna ko.

Baka akalain ng iba ay nakikipag kaibigan lang ako sakanila para may mapeperahan ako. I sighed as I pack and cleaned the room, uuwi nalang kami.

Dumating si William at nag bayad sya through a credit card. Doon niya rin tinarayan ang nasa cashier dahil sobrang laki daw ng ginastos namin, nakipag debate pa siya rito dahil isa nga daw siyang medical student at alam niya ang iilan sa mga presyo ng mga ginagamit ng mga pasyente. Inawat lang siya ni Benjamin dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Edi sana kung ayaw niyong mapagastos, sa bahay nalang kayo! Ang dami niyong reklamo kala niyo di kayo gumaling sa hospital na to?!" rebat ng nurse na nasa cashier.

Naikuyom ni William ang kamao niya, "Anong sabi mong bruha ha?! Lumabas ka jan at nang malaman mo!" aniya.

"Ay bakla?"

Pumagitna na si Jake nang mapansin siyang punong puno na si William, humingi ito ng pasensya saka agad na kaming hinatak papasok sa van niya.

"Impakta yung babaeng 'yon. Sinabihan ba naman akong bakla?" tanong niya saka pinaypayan ang sarili. Inabutan naman siya ni Benjamin ng tubig habang inaayos ang seatbelt nila ni Jake na driver namin.

"Babalikan ko iyon!" naiinis niyang sabi.

Inayos ko ang upuan ni Nanay, magkatabi sila ni Tatay sa may pinaka likuran ng van, habang ako kay katabi ko si William at nasa gitnang upuan kami. Si Tito Allan ay naka tricycle na kaya hindi siya nakasabay sa amin.

Nakita ko si Jay na nasa harapan ng bahay at may wheel chair na nasa gilid niya, pagbaba namin ay agad niyang inupo roon si Nanay at tinulak ang upuan papasok sa loob ng bahay.

Agad naman nagpahinga si Nanay pagkatapos niyang kumain sa mga dala nina Ni-ki at Ethan. Kinantahan naman ng hele ni Johnny si Nanay kaya mabilis itong nakatulog. Si Tatay naman ay lumipat saglit sa bakery para matulungan si Tito.

Umupo kami sa may sala saka ko sila pinagtimpla ng juice, naabutan ko nalang na pinag uusapan nila ang bill namin kanina.

"Umabot ng hundred thousand, sa isang araw? That's kinda suspicious." komento ni Ethan.

"Kuya, hindi kaya may kinalaman sina Chelsea dito?" tanong ni Johnny. So kilala niya rin ang mag ina na 'yon?

"Chelsea? Anong kinalaman nila dito?" tanong ni Jake.

"As you know Jake hyung, Chelsea and Tita Rebecca are obssessed with Jay hyung." paliwanag ni Johnny.

"Ah so this is like a fictional rich Jay story? Para ano? Para maikasal si Chelsea and Jay for convenience?" tawa ni Ethan.

"That's so baduy!" kumento ni William.

"Tama, akala yata ng mga iyon nasa wattpad world sila." si Benjamin.

Napabuntont hininga nalang ako, nagtatawanan na ang anim sa sala habang ako ay lumabas sa may garden ni Nanay. Pinunasan ko ang mga takas na luha sa mga mata ko.

"What makes you cry woman?" Jay suddenly asked.

Umiling ako, sabihin ko man sakaniya o hindi. Malaman man niya o hindi, wala siyang magagawa roon. Isa lang din siya sa victim or target, pero bakit nga ba ako umiiyak?

Maybe pagod na akong maging mahirap, pagod na akong maapi, pagod na akong maliitin ng tao. They knew kung hanggang saan lang kami kaya ginagamit nila iyon laban sa amin.

"Karen." Jay called me, nang lingunin ko siya ay tumama ang kanang pisngi ko sa mabango niyang leeg. He hugged me, and it feels so warm. Para akong nasa comfort zone ko at sobrang sarap sa pakiramdam ang makapag pahinga.

"If the world wants you down, you better stand up high, higher, highest. Because life is about being on the ground, or being up in the sky. I'll support you, so please cheer up."

Lalong naging mainit ang yakap niya sa akin, saka ko lang napansin na bibigay niya sa akin ang school blazer niya.

"Pumasok kana sa loob at magpahinga, camping is near." aniya.

Oh yeah right, iyong camping. But how will I able to go kung ganito ang sitwasyon nina nanay? Hindi naman pwedeng iwanan ko sila hindi ba?

Nakatulog ako sa may sofa dahil sa labis na pagod at walang pahinga. I just scented something na mabango kaya napatayo ako, suot suot parin ang blazer ni Jay ay nagpunta ako sa kusina at nakita ko siyang nagluluto doon, nang maramdaman niya ang presensya ko ay ngumiti ito sa akin.

"Did I wake you up?" tanong niya.

Masabaw ulit ang niluto nitong sinigang, my favorite. Pumunta ako sa kwarto nina Nanay at Tatay at nakita kong mahimbing silang natutulog, napatingin ako sa orasan, malapit na palang mag alas otso ng gabi. Ilang oras ba akong nakatulog?

Wait, napatingin ulit ako sa kusina. Ibig sabihin, hindi pa siya umuuw magmula kanina?

Ginising kona sina Nanay at Tatay para makapag dinner muna kaming apat. Dito na namin pinakain si Jay tutal ay siya naman ang nagluto ng mga ito.

Lumalakas naman si Nanay, kaunting pahinga nga lang ang kailangan niya. Mukhang kailangan kona rin bumalik sa bakery para mag part time, hindi na siguro ako papasindak kina Shaira.

Uuwi na sana si Jay nang pigilan siya ni Nanay, dito nalang daw siya sa bahay matulog but Jay insisted. Hinatid ko na siya sa labas ng bahay saka kinawayan pagka alis.

Pumasok ako sa school kinabukasan, I wanna thank the seven for taking care of us kahapon. But when I saw Ni-ki, iniwasan  niya ako. Hindi ba niya ako nakita?

Sunod kong nakita si William kaya agad ko siyang tinawag, pero hindi parin niya ako nilingon.

Nakakarinig nanaman ako ng mga bulong bulungan hanggang makarating ako ng room, "Poor Karen, nasa iyo parin talaga ang korona." Bungad ni Shaira. "Hindi pa parin nadala, totoo nga siguro ang chismis. Nakipag kaibigan ka lang sa pitong member ng Enhypen para magamit mo sila hindi ba? You gold digger!" sigaw niya.

Wait, what's happening????

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon