24

361 25 14
                                    

xxiv.

"She collapsed due to fatigue and hunger. I suggest na she should take some rest and take a break from her job." sabi ng doktor. "Is your father with you?" tanong niya sa akin.

Sakto naman na dumating si Tatay na tumatakbo at hinarap agad ang doktor, "D-Doc, ano pong nangyari sa asawa ko?" tanong niya.

Inexplain lahat ni Doc kay Tatay nguni't may isang bagay na ayaw niyang sabihin sa amin kaya lumayo sila ng kaunti.

"Thank you, Jay." sabi ko. "Hindi ko mahanap sa contacts ko ang pangalan ni Yeonjun at ni Jake, kaya ikaw ang natawagan ko-"

"It's fine. I mean, mabuti nga sa akin ka tumawag. Jake doesn't have any money right now, hiniram lahat sakaniya ng ate niya because she was renewing something..."  pagpapaliwanag niya.

Maraming mga bagay ang gumugulo sa isipan ko, pero hindi ako makapag focus dahil na rin sa sobrang pag aalala kay Nanay na hindi pa nagigising at sa sinabi ng doktor kay tatay.

Naupo si Tatay sa tabi ni Nanay saka hinawakan ang kamay nito. Kita kona rin ang mga pagod na mata ni Tatay kaya sumikip ang dibdib ko, seeing my parents like these turned me into pieces. Only my will to learn and get a job is the one I can give back to all of their sacrifices.

Umuwi na muna si Jay pagkatapos niya kaming dalhan ng dinner. Dito na rin kami kumain at hinabilin na kay Tito Allan ang bahay namin saglit, pilit akong pinapauwi ni Tatay dahil may pasok pa ako bukas pero hindi ako sumunod, pagod na rin siya at walang magbabantay kay Nanay kung sakaling magising ito habang tulog siya.

Inaantok na rin ako dahil late na, nakatanggap pa ako ng text from Jay saying he's already home. Nagpasalamat ulit ako sakaniya saka na tinawagan si Yeonjun para sabihin ang nangyari kay Nanay. And as expected, nag alala sila pati na rin sina Terry at Tita.

Bakas ang pagod sa katawan ni Tatay, mahimbing siyang natutulog sa may sofa. Kumuha ako ng isang kumot at ikinumot iyon sakaniya. Hinawakan ko rin ang kamay ni Nanay, sana maging maayos na silang dalawa.

Nagising ako nang naramdaman kong may humahaplos ng buhok ko, at si Nanay yon. Nanliliit parin ang mga mata nito dahil siguro ay kakagising lang niya.

"Bakit hindi ka umuwi?" tanong niya sa akin. Saka ko lang napansin ang papasikat na araw. "May pasok ka pa." aniya.

Umiling ako, "Hindi po ako papasok, nay. Babantayan ko muna po kayo ni Tatay." sambit ko saka napatingin kay tatay na natutulog sa may sofa ng silid.

Bumaba ako para umorder ng makakain, tutal ay na dito na rin naman si Tito Allan para magpabili ng lugaw sa ibaba para may almusal kami kasama ng mga dala niyang pandesal.

"Well, well, well. Talaga ngang napaka liiy ng mundo, Mommy. You can't expect to see some trash na pakalat kalat nalang sa kung saan."

Doon ko napansin ang nakaupong babae sa may lobby. Pamilyar ang mukha niya, pilit kong inaalala pero hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita.

Biglang may humarap na babae sa akin at doon ko naalala kung saan ko sila nakita. Ngumiti siyang pagkalaki-laki sa akin saka nag cross armed.

"Well, the world really wants us to meet. Hindi ba? I heard that your mother is admitted here in the hospital." aniya. "If you don't know, I am one of the chairman of this place." pagpapakilala niya. "My name is Rebecca Lambiano, mother of Chelsea Lambiano, the one of the greatest singer in town."

Hindi ako kumibo, hindi ko alam kung bakit sila nandito at bakit nila ako kinakausap. Bakit hindi nalang nila ako pabayaan, gusto ba nilang lumipat kami ng hospital?

"How rude of you na hindi mo batiin ang taong nanghahawak ng scholarship mo?" sambit noong Chelsea saka tumayo at lumapit sa akin. "My mother made you a scholar in Enhyfun, yet you still have no manners. Ganiyan ba talaga kapag mahirap at pinag scholar? Mga walang pasalamat? Matataas ang pride?"

"Hindi ko alam kung anong kailangan niyo sa akin." sagot ko.

Tumawa ng malakas iyong Rebecca, "Oh poor little girl, have a seat." aniya pero tumanggi ako. "Alright, here's the thing."

Iniabot niya sa akin ang isang envelope, naglalaman iyon ng mga pictures namin ni Jay doon sa rest house niya noong nilagnat ako. Mula sa kwarto na pinagbantayan niya, sa kusina kung saan ako pinagluto, at iba pa.

"I can pay for all of your expenses here in the hospital. Mabait na ako sa lagay na sasabihin ko sa iyo na ang kapalit ng lahat ng iyon ay ang paglayo mo kay Jay. You know that you can't pay all the expenses here, right?"

Hindi ako kumibo at nanatili lang ang mga mata ko sa mga litrato naming dalawa. "Jay is my friend. Walang anomang namamagitan sa amin if nagkakamali lang kayo ng akala na may something between us." sambit ko.

Tumawa si Chelsea, "Really?! Well, it's easy for you na iwasan pala siya? Gayong wala naman pala kayong something." aniya saka umangkla sa braso ko na agad ko namang inalis. "Ang arte nito! Baka nga magka skin disease ako sa pagdikit ko sa'yo ikaw pa maselan!"

"Hindi ko po lalayuan si Jay dahil lang nagkakamali kayo ng akala. Jay is my friend, he doesn't deserve to be avoided. "

Nauna na akong umalis sa harapan nila, narinig ko pang suminghap si Chelsea dahil sa sinabi ko at nagsumbong na parang bata sa mommy niya.

She's a singer? Hindi siya famous ah? Pumasok ako sa kwarto at pilit kong tinago ang pag aalala ko gamit ang ngiti. Nagsikain na kami saka ako nagwalis walis ng kaunti sa kwarto habang nagkukwentuhan ang tatlo.

Nagulat kami nang pumasok bigla si Jake at Benjamin na may dalang mga prutas at almusal. Nagmano silang dalawa sa magulang ko at kay Tito Allan.

"Hindi kayo pumasok?" tanong ko.

Tumawa si Benjamin, "Ano ka ba, batas kaya ako sa Enhyfun." sambit niya kaya natawa si Tito Allan.

"Ano ka ba naman." sinamaan ng tingin ni Jake si Benjie. "Meron kaya lang dahil kasama sa sportsfest itong si Benjamin na excuse niya ako." tawa nila. "Wala si Jay eh, tinawag ng Daddy niya kaya 'yon, umuwi siya."

Bigla namang dumating ang nurse saka tinignan ang mga blood pressure at temperature ni Nanay. Kasabay ng pagbigay ng isang papel kay Tatay, hindi ko alam bakit ako kinabahan. Lalo nalang akong napatakbo papunta kay Tatay nang makita ko siyang umiiyak.

Our bill was a hundred thousand pesos, and I now know why my father bursted into tears. At iyon ay dahil wala kaming maipambabayad.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon