12

448 27 1
                                    

xii.

"Happy birthday, anak!" bati ni Nanay saka ako hinalikan sa pisngi, sumunod sakaniya si tatay na hinalikan ako sa noo. "Happy birthday." ngiti nito.

Sinimulan na nila ang pagluluto at paglilinis ng bahay, maya-maya kasi pagtapos sa bakery ni Tito Allan ay lilipat na sila dito sa amin upang mananghalian at magmiryenda.

Panay ang tingin sa akin ni Nanay at Tatay kaya naman tinanong ko na sila, "Bakit po? May problema ba?" tanong ko.

"Ayaw mo bang pumasok muna sa eskwela anak? Baka mamaya mahuli ka sa lesson niyo lalo na't scholar ka doon." pag aalala niya.

Napaisip din ako, I am a scholar and sa totoo lang I have no rights para umabsent. In the end, naglakad na rin ako papasok. Good thing maaga akong nagising at mabilis na ring nakapag ayos.

Isang normal na araw na para sa akin ang pagtawanan ako sa classroom pagkarating, ano pa bang bago eh alagad na ni Shaira ang unang unang mang aasar sa akin.

"Balita ko may birthday ngayon sa classroom?" ngisi ni Shaira habang nakatingin sa akin. "I wonder anong handa niya?"

"Baka tinapay?" sambit ng isa niyang kasama saka sila nagtawanan.

Napairap nalang ako sa hangin at naupo, inilabas ko ang libro ko saka nalang nagbasa doon. People suddenly gossiping about Ethan and Yvette, they are seen together daw and even Jay na may dine-date na ito.

"What?! That girl na may bangs? And even a the main dancer of i-land girls? What?!" hysterical na reaction ni Shaira.

Napatingin ito sa akin, "Ikaw!" turo niya. "Utusan ka ni Jay, hindi ba? Totoo bang nag date sila noong isang araw?!" aniya.

Hindi ako sumagot, bahala na sila kung iisipin nila o hindi dahil ako? Hindi ko problema 'yon. Jay has the right to date anyone he likes, we can't stop him, no one can.

But I'm still wondering, paano nalaman ni Jay ang bahay ko? Hindi pa naman ako nagpahatid sakaniya ah? I only knew Jake was the one who knew our house, and Benjamin just know our street.

Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at ngumiti habang nag uunat-unat. Kaarawan ko ngayon, bakit ako magpapa stress sa maliliit na bagay?

Break time at bumili din ako ng miryenda, sobrang natuyo ang utak ko sa math kanina. At habang umiinom ako ay nakita ko si Jake na naglalaro ng soccer ball sa may tabi ng puno habang naka soccer uniform din ako. Linapitan ko siya at ginulat, "BOO!"

"OH MY GAUURRSH!" aniya.

Tumawa ako ng malakas at napaupo, he looks cute tho!

Agad akong umayos nang mapansing marami na palang nakatingin sa amin, baka akala nila nilalandi ko si Jake? Hindi no, friends kaya kami. Friends...

"Busy ka ba mamaya?" I asked habang nakahawak parin ito sa dibdib, "Uy Jake, ayos ka lang?"

Tumango siya at umupo sa tabi ko, ininom nya ang inuming dala ko kaya nagulat ako. I-Indirect ki-

"Ikaw ayos ka lang ba?" Nabalik ako sa ulirat nang tanungin niya ako, dahan-dahan naman akong tumango saka tumingin sa malayo. "You look different today." aniya, mistulang nagtatakha ang mukha niya.

"Sus, bolero." bulong ko.

Nagtaas siya ng kilay sa akin, "Do you have cellphone?" he suddenly asked.

"Ha? Bakit?"

"Wala lang, tanong ko lang. Bakit masama na ba magtanong?"

Inirapan ko siya saka nahihiyang nilabas ang cellphone ko. "Sira na ang screen ah, bakit hindi mo pa palitan?" he asked.

"Kaya nga ako nagt-trabaho para mapalitan eh, kaya lang bawal daw ang working student kahit na nakapag paalam naman ako." I pouted.

He handed me his phone saka tumayo, "Sa iyo na iyan. May load na iyan, may mga contacts na namin even my phone number naka save na jan. Also, may mga pictures na din ako jan for free. Bye, Karen!" Aniya saka tumakbo.

Wait...Hindi maiproseso ng utak ko ang sinabi niya. Did he just? HA?! He gave me his phone at hindi ko matatanggap to! Hinabol ko siya pero masyado syang mabilis tumakbo at hindi ko na naabutan pa. Maybe I'll give this to him after school gayong tumunog na rin ang bell.

Kanina pa ako naghihintay dito sa may gate ng school, but I haven't seen Jake. Malapit ng mag alas tres ng hapon at kailangan ko nang umuwi dahil magkakabisita na kami niyan, lilipat na sina Tito Allan sa bahay at kailangan ng mag aasikaso doon.

I waited for a half hour but still no Jake around. Maybe bukas ko nalang isasauli para makauwi na ako. Naglakad nanaman ako hanggang sa mapansin ang sunod-sunod na naggagandahang mga kotse sa bawat palibot ng bahay. Nagmadali akong pumasok sa loob upang makita kung anong nangyayari.

Ilang beses pa akong pumikit pikit para lang malaman kung nananaginip ba ako o hindi. Jake, Jay, Ethan, Benjamin, William, at may dalawa pa itong kasama ay naroon sa salas at nagtatawanang kumakain! Kasama pa nila sina Tatay at Tito Allan na nakikitawa sa mga ito.

Nang mapansin ako ni Benjamin ay kumanta ito bigla, "Happy Birthday Karen~
Happy birthday Karen~"

Doon na nila tuluyang napansin ang presensya ko, idinala sa akin ni Nanay ang isang malaking cake ang hawak nito! Hindi ko alam kung anong meron nguni't nakisama nalang ako sa bugso ng hangin. I blew the candle on the cake saka sila nagpalakpakan, nagsitayuan silang pito saka isa isang inabot sa akin ang regalo. Nauna na si William mag abot,

"Oh te, sana naman magbago kana. Say no to clumsyness anymore! Happy birthday!" bati niya.

Sunod ay si Benjamin, "Happy Birthday gift, galing sa gwapong si Benjamin." and he winked at me, napangiwi ako.

"Happy birthday, Riki nga pala. You can call me Ni-ki, bahala ka saan ka kumportable." he smiled.

"Happy birthday. " ani ng isang kasama pa nilang  lalaki. He has a cute dimple at ang cute niya! "Pleasw huwag mo naman akong gaano titigan." naiilang niyang sabi kaya nahiya din ako.

"Happy birthday, gurrrl." bati ni Jake, naalala ko tuloy bigla ang cellphone niya. Iaabot ko na sana nang senyasan akong huwag na. "Gift ko sa'yo yan, and this is my present. Magkaiba yarn." aniya.

Tumayo si Ethan saka lumapit sa akin, he patted my head saka bumating, "Happy birthday, Karen. Salamat sa suporta at mga advices mo, yung regalo ko si Jay na daw ang bahala."

"Huh?" baling ni Jay sa kaibigan.

"Happy birthday ulit!" aniya.

Ibinababa ko muna ang mga regalo nila dahil nangawit ako sa kakahintay kay Jay, but he seems like hindi niya ako bibigyan ng regalo kaya umalis na ako't nagbihis sa kwarto. In the middle ng pagbibihis ko ay may kumatok.

"Sandali!"

Pinagbuksan ko siya ng pinto, and his eyes wanders around our house. Nakakahiya naman, baka sanay siyang sa mansion nakatira.

"Bakit?" I asked.

He gave a box, and smiled. "Mamaya mo nalang iyan buksan." aniya  "For sure you'll use this one day. Then, I'll look forward to that day na suot mo na." hindi pa naman ako nakakapag pasalamat nang umalis na ito.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon