11: Love-Hate.

20.3K 569 74
                                    

"As long as that special person makes you happy, it shouldn't matter what other people say."

Chapter 11: LoveHate.

Hannah's POV

Dub dub dub dub. Parang tambol ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kaya lang hindi ko pa din magawa. Nasa harap ko ngayon ang lalakeng dahilan ng bawat pagkaba ko, at sa totoo lang, wala akong ibang maisip.

"Hahalikan kita, at kapag pumayag ka, tayo na ulit."

Ano ba ang isasagot ko sa sinabi nya? Pero teka, dapat nga ba akong sumagot? Hindi naman kasi iyon isang tanong para sagutin ko. Ewan, hindi ko na talaga alam. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Sasabihin ko bang OO kahit hindi nya naman ako tinatanong kung pwedeng kami na lang ulit? O hahayaan ko syang ituloy ang binabalak nya? Mag-isip ka Hannah, this time, kahit ngayon lang gamitin mo naman ang utak mo.

What to do?

A. Pumayag na magpahalik kay Storm.

B. Letter A

C. Letter B

Napalunok na lang ako nang mapansin kong unti unti nang lumalapit ang labi nya, sa sobrang dami kong naisip ni isa do'n ay wala akong naalala. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil bigla na lang akong napapikit nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi nya sa mga labi ko.

Para akong tanga, at sa totoo lang hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Gusto ko syang iwasan, pero gusto ko syang balikan, pero gusto ko syang iwasan, pero gusto ko syang balikan. Nyeta, hindi ko na alam. Napamulat ako dahil unti unti ko ng nare-realize ang mga nagaganap. Oo, hinalikan ako ni Storm, at oo, nagpahalik ako sa kanya. Pero hindi kami. Lecheng 'yan.

Ilang saglit pa ang nakalipas at ilang minuto pa akong nakatulala nang dahan dahan nang inalis ni Storm ang mga labi nya sa mga labi ko, wala pa din akong imik at bakas sa mukha ko ang pagkabigla. Idinikit nya ang noo nya sa noo ko at saka ngumiti. Isang napakagandang ngiti.

"You and I are officially in a relationship, and there's no turning back."

I was stuck in the moment. I and Storm, are officially in a relationship? Is that true? This can't be happening. Hindi pwede.

"Officially in a relationship mo mukha mo!" Sabi ko sabay tulak sa dibdib nya ng bahagya. Napalayo sya ng kaunti pero inilapit nya ulit ang mukha at katawan nya sa akin, kasabay niyon ang pagkuha nya ng kanang kamay ko at pagngiti ng napakaganda.

I miss those perfect teeth exposing when he smiles. I miss those cute and sweet gestures of him. I miss him. I badly missed him.

"That was sealed with a kiss, kaya huwag kang madaya." Natulala na lang ako nang ngumiti ulit sya. Wala eh, lakas ng impact sa 'kin ng mga ngiti nya.

"Anong sealed with a kiss ka d'yan! Kiskisin ko mukha mo eh!" Itutulak ko pa sana sya ulit kaso...watdafak?!

Biglang bumukas ang pinto kaya natulak kaming dalawa ni Storm. Bumagsak sya sa sahig at oh well, bumagsak lang naman ako sa kanya. Unexpected 'di ba? Sa sobrang unexpected, alam kong hindi nyo din 'yun in-expect. Seriously, I mean, sarcastically. -____-

But, way back to the fall portion. So ayun, nadaganan ko si Storm, ang sakit pa nga ng kanang kamay ko dahil naipit 'yun nung bumagsak ako sa kanya. Badtrip naman kasi yung tumulak ng pinto eh! Hindi man lang kumatok! Pero teka, sino nga ba yung siraulong tumulak ng pinto nang hindi man lang kumakatok—uh oh.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now