5: Hate you!

20.6K 627 102
                                    

I dedicate this chapter to Khei. Hi bata! Sorry hindi ko nadedicate sa mismong birthday mo! Hehe. Ang cute mooo! Again, belated HAPPY BIRTHDAY!!!

*

Life is about learning from the past, trusting your intuition going forward, taking chances, finding moments of happiness, and realizing everything is simply a lesson that happens for a reason.

Chapter 5: Hate you!

"Storm ano ba?! Ibaba mo nga ako!!! Letse talaga! Ibaba mo na sabi ako eh!!!"

Kanina pa ako nagwawala, pero letse talaga si Storm! Nakakamatay ng brain cells! Paano ba naman kasi, bigla na lang akong kinarga at parang sako ng bigas lang na kinarga sa balikat nya. Gago 'di ba?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, o mabubuwisit o kikiligin o mababanas eh. Para kasing baliw! Ilang beses nya na bang ginawa sa 'kin 'to? Once? Twice? Thrice? Para akong tuta lang na sinampay nya sa balikat nya. Ugh! Nakakainis talaga!

"Sinabi ng ibaba mo ako eh! Ano ba?!"

Nakakahiya na talaga, kahit kasi nakatiwarik ako dito kitang kita ko pa rin na madaming nakatingin sa 'min, emeged!

"G—Good morning Master" Narinig kong bati ng isang babae. Hindi ko alam kung na saang lupalop kami ng Pilipinas, basta ang alam ko lang, bawat madaanan namin binabati at tinatawag siyang Master.

"Hindi mo ako ibaba o sisigaw ako ng RAPE dito?!" In-emphasize ko talaga 'yung word na rape para ma-threaten siya.

"Go on" Kaso oo nga pala, Storm 'yan eh. Walang nakaka-threaten sa kanya. =____=

"STORM PUNYETA SINABING IBABA MO NA AKO EH!!!"

Pagkasabi ko no'n, ibinaba nya na ako, isinara nya ang pinto saka niya ni-lock 'yung door knob. Napa what the fuuuudge na lang ako. Yung totoo, bakit parang nasa condo kami?

TEKA! Nasa condo kami?! Oh my gee!!!

"Hoy Storm binabalaan na kita! Kung ano man ang binabalak mong gawin itigil mo na dahil hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka!"

May pa action action pa akong nalalaman, feeling ko tuloy iniisip ni Storm na nag-aadik ako.

"Green minded” Sabi nya sabay upo do’n sa couch. Nagdekwatro pa ang loko habang tinititigan ako ng napakalagkit.

 

“Wow ah! Nakakahiya naman sa ‘yo.”

“Tss. Green minded ka talaga.”

 

“Ano ba? Hindi nga sabi ako green minded eh! Pervert ka lang talaga!” Pagkasabi ko no’n, agad siyang tumayo, lumapit sa ‘kin at saka ako nginigihan na akala mo may gagawing hindi maganda.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon