16: Jerk

2.7K 85 9
                                    

"Love doesn't make the world go round. Love is what makes the ride worthwhile."

Chapter 16: Jerk

Hannah's POV

Nabigla ako nang marinig ko ang isang boses mula sa kanan kung saan ako naroroon. Isang boses na ayaw ko na sanang marinig dahil sa halo halong emosiyon.

Napalingon ako sa kinaroroonan niya at do'n ko lang naalala na nasa kabilang kwarto nga lang pala siya.

Nasa balkonahe siya sa may gawing kanan, nakaharap siya sa 'kin habang nakapasok ang parehong kamay sa magkabilang bulsa. Seryoso ang mga tingin niya na animo'y ako pa ang may kasalanan sa kanya.

Naiinis ako sa mundo, sa oras, sa bagay, sa kanilang dalawa, at higit sa lahat naiinis ako sa kanya.

"You really hate me that much?" Inulit niyang muli ang tanong niya.

"No" I lied. The truth is, I hate him so much.

"Then, why?" He asked again.

"Why, why?" I replied, giving him a sarcastic smile.

"You know what, if you want to say something, say it." Seryoso ang mukha niya habang sinasabi niya ang mga iyon.

Then, can I tell you that I am hurt?

Pwede ko bang sabihin sa 'yo na nasaktan ako kanina? Na sumikip ang dibdib ko nung nakita ko kayong masaya? Pwede ko bang sabihin sa 'yo na ang sakit ng ginawa mong pagtabi sa kanya? Pwede ko bang sabihin na naiinis ako sa 'yo? Pwede ba?

"Ang ganda niya 'no? Bago mo?" I am referring to Paola.

Saglit siyang natahimik, parang naghahanap ng mga salitang bibigkasin niya para hindi siguro ako masaktan–o siguro, para saktan ako?

"Actually, I and Paola are–"

"Hannah!" Napalingon kami pareho ni Storm nang marinig namin ang tinig na nagmumula sa loob ng kwarto ko. Si Ck nandito.

"Anong gjnagawa mo dito? Tara sa beach, maglalaro tayo" nasa loob siya ng kwarto kaya naman hindi niya nakikita si Storm.

"Sure, sunod ako" Sabi ko.

Tumalikod naman si Ck at naglakad na palabas. Nagkatinginan lang kami ni Storm, may sasabihin pa sana siya ngunit nagpaalam na ako.

Sabay kami ni Ck na naglakad at ilang saglit pa'y narating na din namin ang beach. Sa likod kasi ng mansiyon nila'y may natatagong beach na tanaw ang South China Sea. Well, that is according to Storm.

Napakalamig ng simoy ng hangin at napakaganda ng bonfire na ginawa nila. Kasabay ng kinang ng maliwanag na buwan ang pagkinang ng mga bituin sa langit.

"O! Ayan na pala sila eh" Wika ni Cloud na nakaupo sa tapat ng malaking bonfire.

"Anong giangawa niyo dito?" Tanong ko.

"We'll have a game!" Sabi ni Paola–and yes, nandito pa siya. "...ang pikon, talo!"

"Okay" Napaupo na lang ako sa tabi ni Lourie dahil na din sa pag higit niya sa kamay ko.

"Storm, come on! Choose a sit and we will have a game!" Nakangiting sabi ni Pao.

Sige, Storm. Subukan mong tumabi sa kanya. Subukan mo lang talaga! My subconscious mind warned him.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umupo siya sa tabi ni Heaven at Cloud, kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Nakapalibot kami ngayon sa bonfire. Ako at sa bandang kanan ko naman paikot ay sina Lourie, Wind, Jd, Sky, Cloud, Storm, Heaven, Ck, Green, Paola at si Jc. So, basically, sa bandang left ko si Jc then si Paola na. Mabuti na lang at hindi ko siya katabi at mas mabuti na lang dahil hindi niya katabi si Storm.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon