3: The start.

22.4K 615 126
  • Dedicated to Regilyn Domingo Nicasio
                                    

This chapter is dedicated to ate Reg. Hi ate! Happy birthday! Sabi ko idededic ko sayo ang first chapter but then nakalimutan ko. Sorry pooo! Again, Happy birthday! Hart hart! :*

*

Move on. It is just a chapter in the past, but don't close the book, just turn the page.

Chapter 3: The start.

Kent Hannah Forbes — is feeling dead.

I-po-post ko sana 'yan sa facebook dahil nga patay talaga ako nito kay Sir. Montenegro kaso biglang nawalan ng wifi. Peste sakto talaga eh 'no? Minsan na nga lang magstatus sa facebook at minsan na nga lang makigamit ng wifi sa school tapos palppak pa!

"At nakuha mo pa talagang magfacebook ano po?"

Naalis ang mata ko sa cellphone na hawak ko nang may biglang nagsalita. Oh well papel, si Lourie lang naman. Agad ko siyang dinamba na akala mo nakakita ako ng sagot sa assignment ko, which is totoo naman.

"Chebs! Akin na dali!"

"Ha? Ang alin?"

"Yung assignment mo!" Kinakalkal ko na 'yung bag nya pero ang bruha nakatitig lang!

"Ui nasaan na chebs? Pakopya na dali!"

"Wala kasi d'yan. Heto oh"

Agad kong inabot 'yung hawak nya, umayos ako ng upo at saka ako kumopya. Spell garapal? Ako na talaga 'yun. Huhuhu. Peste, Storm! It's all your fault!

5 minutes na lang! 5 minutes na lang at dadating na si Mr. Montenegro! Oh fudge! Naiiyak na ako!

"Hannah dalian mo na!" Sabi ni Lourie habang tinutulungan akong mangopya.

Agad namang dumating si Green at Ck. Takang taka pa sila sa mga nangyayari, bakit daw ako nangongopya at nasaan daw ang assignment ko. Haaay kung alam lang nila! Mamaya ko na ikukwento kapag natapos ko na 'to.

Matatapos ko 'to! Kahit maka number 5 lang ako sa 10 problems okay na ako! Err. Bakit kasi ang haba ng solution eh? Huhuhu. Pero basta! Kaya ko 'to! Kayang kayang kaya ko 'to!

"Ms. Forbes!"

OH EM GEE.

Nabitawan ko bigla ang ballpen dahil sa malaking boses na narinig ko. At wala na, patay na talaga ako nito.

"Sabihin mo nawala 'yung assignment mo" Green.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now