10: Silenced.

20.7K 564 113
                                    

Hello 2015!!!

"Be mindful of what you toss away, be careful of who you push away and think hard before you walk away."

Chapter 10: Silenced.

Hannah's POV

Pakawalan niyo sabi ako dito eh, humanda kayong tatlo sa kin! Ill kill you all makalabas lang ako dito!!!

 

Ikaw ang humanda sa kin. Youre dead, stupid, flat chested, ignorant, freak girl.

Oh no.

Hindi ko na nagawang gumalaw pa, ni ang magsalita ay hindi ko na din nagawa dahil sa biglang pagbuhos sa 'kin ng matinding kaba. Para bang isa akong tubig na bigla na lang nagyelo na anumang oras ay pwedeng matunaw dahil sa taong nasa likod ko.

"Patay ka sa 'kin" Patay talaga ako nito.

Doon lang ako parang natauhan, agad akong napahawak sa door knob at saka ko muling pinilit na buksan. Hindi na ako nag-abalang tignan pa sya dahil alam ko naman kung sino sya.

"Lourie! Green! Ck! Buksan nyo sabi ang pinto!!!" I'm starting to hate every door. Hindi ko alam kung bakit ba palagi na lang kaming natatrap ni Storm sa iisang kwarto.

Ilang saglit pa'y naramdaman ko na lang ang matinding paghawak nya sa braso ko saka pwersahan nya akong ipinaharap sa kanya. "Shut up!"

"No! You, shut up!"

"Fuck! Are you yelling at me?!"

"Hindi! Ikaw ang naunang sumigaw!"

"Dahil ang ingay ingay mo!"

"Sa tingin mo tatahimik lang ako kung nangyaring ikinulong ako ng mga kaibigan ko sa Chem. Lab. kasama ng taong iniiwasan ko?" Which happens to be my ex?

"So, are you saying na iniiwasan mo ako?" Oh shit! Bakit ko ba sinabi 'yun?! Pahamak ka talagang dila ka!

"Hindi." Nagiwas ako ng tingin pero siraulo po talaga si Storm. Ang sarap nyang yakapin este sakalin! Paano ba naman, bigla na lang syang lumapit sa 'kin.

"No. You said it." Bumaba na ang boses nya at hindi na sya nakasigaw ngayon.

"Hindi nga sabi eh."

"Bakit mo ako iniiwasan?"

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now