24: Stunned

2K 60 97
                                    

Chapter 24: Stunned

HANNAH

"Sino siya?" Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Nakatayo sila sa gilid ng sasakyan ni Storm at tila ba seryoso ang pinag-uusapan, habang ako naman ay nagtatago sa likod ng isang malaking pader.

Pakiramdam ko ay pinupunit ang puso ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko maiwasang isipin lahat ng mga nangyari sa amin ni Storm bago kami maghiwalay.

Tumulo ang luha ko at sa pagkakataong iyon, hindi ko na iyon napigilan. Hinayaan ko na lang na maging malaya ang mga luha ko sa pagpatak.

Ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari, dahil mula sa likod ko'y ma'y nagtakip ng mga mata ko.

"Huwag mong iyakan ang mga bagay na hinayaan mong mangyari." Tinig ni DJ ang narinig ko ngunit hindi ako nakasagot dahil sa mga luha. Tanging mahinang hikbi lang ang naiganti ko.

"I know you have your reasons, but this is not the time to regret it. However, if it is extremely painful, please feel free to use my shoulder."

I was in pain, but listening to his words and hearing his voice comforted me.

"Thank you, DJ" That was the last thing I said before he drew me in and hugged me behind my back.

"Don't thank me, Hannah. I should be the one thanking you."

Magsasalita pa sana ako ngunit hindi ko na iyon natuloy dahil sa isang iglap lang ay biglang nawala si Storm at ang babaeng kausap niya.

Agad akong kumawala sa pagkakayap ni DJ, hinanap ko ko si Storm ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko siya makita, maging ang sasakyan niya ay wala na rin.

Lalo akong nakaramdam ng sakit at pakiramdam ko ay anumang oras ay guguho na ako.

"They've already left, Hannah." DJ said, and I felt a sudden pain in my heart.

"It's okay," Kahit ang totoo niyan ay hindi naman talaga.

"Alam kong hindi" Aniya kasabay ng punas sa mga luha na hindi ko na namalayang tumulo na naman pala.

"I know, this is not the right time to bother you, but if you'd allow me, I can make you forget these things," He paused for a moment  seemingly attempting to lighten the mood.

"Hindi madaling makalimot, DJ. . ."

"Yes, I know. What I mean is, ngayon. Tutulungan kitang makalimot kahit ngayon lang, kahit saglit lang, para mawala 'yang bigat ng nararamdaman mo."

I was confused and curious at the same time.

"Ano ang nasa isip mo?" Tanong ko ngunit tanong lang din ang naisagot niya.

"Do you trust me?"

I shook my head, "No." That made him chuckle.

"Then you have to," said DJ. He then grabbed my hand.

Hindi na ako nagreklamo pa, hinayaan ko na lang siyang alisin ako sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit nagtiwala ako sa kaniya, siguro'y dahil sinabi niyang magtiwala ako sakaniya, o 'di kaya'y dahil gaya ng sabi niya, gusto kong makalimot kahit saglit lang.

"You know what, Hannah, you only live once."

*

Tahimik lang ako buong biyahe, hindi ako nagsasalita dahil hanggang ngayon ay lumulutang pa din ang utak ko sa alaala ni Storm at ng babaeng kasama niya kanina. Kanina pa nagsasalita si DJ habang nagda-drive pero ni isa sa mga sinabi niya ay wala akong naintindihan.

Hindi ko alam kung ano ang plano ni DJ, kahit kung saan kami pupunta ay hindi ko rin alam. Nakatingin lang ako sa daan habang pinagmamasdan ang mga nadaraanan namin.

"Sorry, inabot tayo ng one hour sa biyahe. Ang traffic kasi talaga, past six na pala" That was the time na bumalik ako sa wisyo.

Natulala na lang ako ng huminto ang sasakyan. Hindi ako makapagsalita dahil sa matinding kaba na bigla kong naramdaman.

"Too stunned to speak?"

"Yes, I am." Sagot ko habang nakatulala sa lugar kung saan ako dinala ni DJ.

Sobrang dilim ng pigid at tanging ilaw lang na nagmumula sa signage ang makikita.

"Tara?" Yaya niya ngunit hindi ako makagalaw, nakatitig lang ako sa lugar na kinaroroonan namin ngayon.

"Huwag kang matakot, Hannah. Ako ang bahala sayo."

Hindi ako nakapagsalita dahil parang mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni DJ. Biglang nawala ang tiwala na binigay ko sakaniya kanina, kasabay niyon ang tila ba pag-alis ng hangin sa katawan ko.

"Two hours lang tayo dito, pero kung mabilis tayo matatapos, much better." Aniya habang nakangiti na animo'y batikan na sa lugar.

"Or if you want, pwede naman tayo mag-extend kung gusto mo pa. Either way, I know, sobrang mag-eenjoy tayo dito."

"Bakit dito?" Tanong ko.

"Sabi ko sayo 'di ba, gusto kitang tulungan na makalimot kahit saglit lang"

"Pero natatakot ako, DJ. . . Hindi ako ready, hindi ko yata kaya ''to. . ."

"Bakit, Hannah? First time mo ba?"

***


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon