"You fell in love with a storm. Did you really think you would get out unscathed?"
Chapter 14: Storm
Hannah’s POV
Nagulat ako nang biglang may sumigaw mula sa likuran ko, agad kaming napalingon ni Storm at hindi ko inaasahan na makikita ko sila dito. Yes, sila nga. Ang G5 at ang mga kaibigan ko.
“What did we missed?” Masayang tanong ni Sky habang nakaakbay kay Storm.
“Take your filthy hands off me” Sagot ni Storm na bakas sa mukha ang pagkairita.
“Mukhang naistorbo natin sila! Sorry na! Hahaha!” Dagdag pa ni Cloud. Mas lalo tuloy sumama ang mukha ni Storm.
Agad namang lumapit sa ‘kin si Lourie at siniko ako sa tagiliran, “Anong meron? May dapat ba kaming malaman?” Nakangising sabi niya.
“Wala, baliw ‘to!” Sagot ko kasabay ng pag-iling ko sa mga kakaibang ngiti nila.
“Kamusta naman ang biyahe niyo Hannah? Hindi ka naman ba binully ni Storm?” Tanong ni Cloud.
“Maayos naman…” Wala akong maisagot dahil hindi ko din alam ang isasagot ko. Lahat kasi sila'y nakatingin sa ‘min ni Storm na para bang naghihintay ng isang magandang balita.
“Tsk. Ano ba kasi ang ginagawa niyo rito?” Tanong ni Storm.
“Itanong mo sa kapatid mo” Sagot ni JC habang nakangiti. Sumangayon na lang ang lahat at tanging ngiti lang ang naiganti ni Wind.
"Nakalimutan mo yatang matagal na nating plano 'to, Storm" Sabi ni Cloud habang kinukulit niya si Storm. Tuluyan na ngang walang nagawa si Storm, napailing na lang siya habang natatawa ang mga kaibigan namin.
Ilang saglit pa'y nagkayayaan na ang lahat na pumasok sa loob, nauna na sila Green habang nahuhuli naman ako sa paglalakad.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng balkonahe'y muli ko na namang narinig na nagsalita si Storm, "We're not done yet, freak girl" Aniya sabay lakad palabas ng balkonahe.
Sasagot pa sana ako ngunit tuluyan na akong naiwan sa labas, mabilis na naglakad si Storm papunta sa mga kaibigan niya kaya't hindi ko na siya nakausap pa.
Paano, Storm? Paano ko sasagutin ang sinabi mo? Ayun lang ang tumatakbo asa utak ko.
"O, ano pang tinatayo tayo mo diyan? Halika na, Hannah' Yaya ni Jd. Agad naman akong lumapit sa kaniya at mabilis kaming nagtungo kung saan sila naroroon.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Mamamasiyal tayo sa Puerto Princesa City Proper" Si Green ang sumagot.
Excited kaming lahat, bukod kasi sa angking ganda ng Palawan ay masasarap pa daw ang mga pagkain dito.
Magkakasama kaming naglalakad, kami at ang G5. Nasa unahan si Wind, kasabay niyang maglakad si Storm. Si Jd nama'y katabi si Sky, Heaven at Cloud habang katabi ko naman si Lourie at nasa likuran naman si Green, CK at Jc.
Tahimik lang si Storm na naglalakad. Wari'y may iniisip base sa ekspresiyon ng mukha niya.
"Masters," Wika ni Sir Dustin. Kung nasaan si Storm, naroon din siya.
"Lead the way" Sabi ni Wind habang nakasukbit ang dalawang kamay sa bulsa ng maong na pantalon niya.
Agad namang naglakad si Sir Dustin palabas hanggang sa marating namin ang entrada ng mansiyon nila kung saan kami pumasok kanina. Isang kulay puting van at anim na lalakeng naka itim ang naghihintay sa amin.

YOU ARE READING
Seducing Mr. Pervert 2: Still Into Him
Teen FictionIf you thought you totally got over with him, think twice, because maybe you're still into him. © August 2014 Seducing Mr. Pervert Season 2 G5 Series