12: The Boss (1)

22.1K 667 279
                                    

Ho to Allea! Happy birthday to youuu! Sorry super late na, kiss na lang kitaaaa. I hart you! :*

*

"Every girl wants a guy who make her feel safe in his arms, hold her tight and remind her everyday that she's the only girl in his world."

Chapter 12: The Boss
Hannah's POV

Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang mabilis na pinapaandar ni Storm ang sasakyan niya, paminsan minsan ay tinitignan ko sya at saka ibabalik na naman ang tingin sa labas ng bintana.

"Stop staring at me." Then, I realized, nakatingin pala ako sa kanya. Yes, tingin lang, hindi titig. Masyado lang po talagang OA si Storm, pinalalala nya yung tingin ko.

"EXCUSE ME?!" I replied. Nakataas pa yung kilay ko para mas maramdaman nya yung sinabi ko.

"You're staring at me."

"Staring?! Hindi kaya!" Sagot ko sabay iwas ng tingin.

"Your breathing increases, halatang kinakabahan ka." Napayakap pa ako lalo sa bag ko dahil sa sinabi nya.

"Hindi. Hindi ako kinakabahan." Nasa passenger's seat ako, kaya kitang kita ni Storm ang bawat galaw ko. Gusto ko na talagang bumaba sa kotse nya, feeling ko kasi anytime maghihingalo na ako dahil sa matinding kaba.

He just smiled. A wicked smile.

"Saan mo ba kasi talaga ako dadalhin, ha?"

"I told you already, very impatient freak girl."

Shoot. Hindi ko alam pero mas lalong tumaas ang level ng kaba ko dahil sa sinabi nya. Para bang nawawalan na ako ng oxygen at konti na lang ikamamatay ko na. Lord, bakit mo ba ako pinapahirapan? Bakit mo ba itinabi sa 'kin ang napakaguwapo at nakakakabang nilalang na ito?

"Three hours na tayong bumibiyahe, sa tingin mo uupo lang ako at mananahimik dito habang hinihintay na ihinto mo ang sasakyan mo? Storm ano ba? Malapit na akong matakot sa 'yo ah!"

"Are you suggesting na rape-in kita? Wait lang kasi, makakarating din tayo freak girl ko, huwag masyadong atat, okay?"

The eff. That 'freak girl ko' endearment. Haaay.

"Sasapakin na ba kita o sasapakin na kita?" Yung mukha ko hindi ko na maintindihan. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako dahil sa pagtawag nya sa 'kin ng 'freak girl ko' o mabubuwisit dahil sa kapervertan nya eh. Uupakan ko na talaga 'to! Pigilan nyo ako please?

"Sige sapakin mo ako, hahalikan naman kita!" Psh. Ano akala nya matatakot nya ako? Utut. Hannah 'to, hindi madaling matakot.

"Eh 'di halikan mo!" I said and I was like...wait! What the crap?! Did I really say that?

Nanlaki na lang ang mata ko nang biglang itinigil ni Storm ang sasakyan nya at sa paghinto niyon ay siya namang unti unting paglapit ng mukha nya sa mukha ko.

"Teka! Storm! Ano na namang binabalak mo?!" Kabadong tanong ko pero instead na sumagot, inilapit nya lang lalo ang mukha nya sa mukha ko. Siguro dala na din ng pagkabigla, hindi na ako nakapagsalita pa at tanging katahimikan na lang ang naiganti ko.

"Don't dare me, 'cause I can kiss you now, I can kiss you anytime and anywhere, keep that in your mind, slow crazy freak girl"

I exhaled deeply when he releases me. Woah! That was so damn intense! And he was so damn crazy!

Ang awkward, sobrang awkward sa pakiramdam kaya naman hindi na ako sumagot o nagreact pa. Hinayaan ko na lang na tumahimik ang environment kaysa gawin nya ulit 'yun sa 'kin. Oy hindi ako takot ah! Ano lang, ayoko lang yung gano'ng pakiramdam. Yeah!

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now