8: Meet me.

20.3K 547 56
  • Dedicated to Rhodalee Posadas-Lau
                                    

“If a person wants to be with you, they will find a way.”

Chapter 8: Meet me.

Hannah's POV

T.R.O. T.R.O. T.R.O. Ano ba kasi 'yung T.R.O. na 'yun? Gaano ba 'yon ka-big deal para magalit si Storm sa 'kin? Kakainis talaga! Hays. Anong problema nya sa 'kin? Hindi ko talaga maintindihan ang point nya.

Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko at pakiramdam ko iniisip na nilang baliw ako. Nandito kasi ako ngayon sa quadrangle, magisa lang habang nagsasalita. Na saan nga ba ang mga kaibigan ko? Ang sabi ni Ck malapit na daw siya, halos nakaka isang oras na akong naghihintay pero wala pa din. Si Lourie naman nagtext kasama daw nya si Wind, habang si Green naman malelate daw ng 10 minutes.

 

"Haaay" Napangalumbaba na lang ako dahil sa mga pangyayari.

"Hi!" Napatingin ako bigla sa isang babae na kumalabit sa 'kin, agad siyang umupo sa harap ko at saka siya ngumiti. Siya 'yung babae kahapon, 'yung transferree, at 'yung cute.

"Hi!" Ulit nya. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makapagsalita.

"Hi two times!" Doon lang ako parang natauhan. Ewan putek, gusto kong matawa. Yung totoo, hi two times? Hahahaha!

"Ayyy" Sabi nya na parang natutuwa, please take note, may rhyme pa talaga ang pagkakasabi nya niyan.

"Eh?"

 

"Ang cute mooo!" Sabi nya sa 'kin na parang ang saya saya nya pa.

"Eh?"

 

"Ang cute mo talaga!" Ulit nyang muli. Wala akong masabi, natulala na lang kasi ako sa kanya.

"Hi three times!"

 

"Hi?"

 

"Yown! Nagsalita din! Hahaha!" Seryoso, adik ba siya?

"Ang cute cute mo!"

 

"Hala, hindi kaya!" Sabi ko habang natatawa sa kanya. Ang kulit nya po kasi, para siyang ewan, kinukulit nya po ako.

"Kamusta ka? Bakit para kang baliw na nagsasalita magisa dito?"

 

"Ha? Eh, ako pa lang kasi magisa eh. Ang tagal dumating ng mga kaibigan ko."

 

"Sino? Yung kasama mo kahapon?"

 

"Oo."

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now