21: Regret

3.3K 111 27
                                    

"In the end, we only regret the chances we didn't take, the relationships we were too afraid to have and the decisions we waited too long to make."

Chapter 21: Regret

HANNAH

"STORM, anong gagawin natin?" Kanina pa ako paikot ikot habang siya naman kanina pa nakaupo. Mag-iisang oras na kaming stranded dito sa gitna ng dagat pero wala pa ring dumadating na tulong.

"Freak, can you please stop roaming around?" He said, so I stopped.

"Natatakot na ako, paano kung bigla na lang tayong lapitan ng mga Pirata dito? Paano kung bigla nila tayong patayin? Paano na ako? Paano na ang pamilya ko? Paano na si Chester, Kevin at si Papa? Paano na ang mga kaibigan natin? Paano ka na? Paano na ang pamilya mo? Paano ka na Storm? Paano na tayo—?

Oh, shoot. Did I just mention the word tayo accidentally? Jeez.

A small smile formed in his lips, ". . .don't worry, the situation is under my control. I won't let anyone hurt you, mark my word. . . I won't."

Storm, thank you. . . I hate to admit it but, I still thank you for coming into my life.

Hindi na ako nakasagot dahil biglang tumunog 'yung radio na parehong nagpagulat sa 'min ni Storm. Napatakip ako sa tenga dahil sa sirang tunog nito.

"Mayday! Mayday! Mayday!" Sigaw ni Storm pero walang sumasagot sa kabilang linya at tanging sirang tunog lang mula sa radio ang naririnig namin.

"Ugh! Storm ibaba mo na muna 'yan! Ang sakit sa tenga!" Pabagsak niyang ibinaba ang hawak niya saka umupo.

Naalala ko ang phone ko kaya naman agad ko iyong kinuha at dinial ang number ni Green. "Hello!"

"Aray, bakla! Bakit ka naninigaw?!"

"Green! Help us! Stranded kami dito sa gitna ng dagat! Walang signal yung radio! Help us!"

"Ha? Okay, sige! Sasabihan ko sila, babalikan kita, Hannah! Kumalma ka okay? Mag-ingat kayo. . . Bye."

"Sige, hihintayin ko tawag mo ha? Bye." Pinatay ko na ang tawag ngunit sa pagpatay ko ay siya namang pagkawala ng signal ng phone ko. "Shit!!!" Napayuko na lang ako dahil sa mga pangyayari.

Agad na lumapit sa 'kin si Storm saka ako inakay palabas ng Control Room, dinala niya ako sa labas at doon, gumaan ang bigat na nararamdaman ko.

"Feeling better now?" He asks.

"Yes. . ." Ang sarap ng simoy ng hangin at ang ganda ng tanawin. Para bang nawala ang lahat ng pangamba ko dahil sa ganda ng nakikita ko.

I'm seeing the horizon as beautiful as I thought it would be.

"Beautiful. . ." I said in amazement.

"Sobra. . ." Sagot niya habang nakatitig sa mukha ko.

Stop! Don't think of anything else, Hannah! Hindi siya nagagandahan sa 'yo. It's the scenery that made him totally astonished.

". . .ng dagat?" Nakangiting tanong ko ngunit umiling siya.

"Ang ganda mo. . ." He answered and that made my heart stopped. "Ang ganda ganda mo, freak girl. . ."

I hate it. I hate the fact that I like it.

"Para kang baliw!" Hindi ko na napigilan ang mga ngiti ko dahil kusa na silang lumabas, kahit siya man din ay napangiti na rin. Kinikilig ako! Bihira lang siyang magsabi ng gano'n kaya siguro ganito ang epekto sa 'kin.

"Ang galing 'no?" Napatingin siya dahil sa muli kong pagsasalita, ". . .na pwede palang magtagpo ang langit at lupa sa pamamagitan ng horizon." Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-move on sa ganda ng tanawin.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now