6: Probability.

21.2K 621 101
                                    

“Just because something good ended doesn’t mean something better won’t begin.”

Chapter 6: Probability.

“Storm, Storm, go away, come again another day, poor Hannah wants to play.”

“Storm, Storm, go away, come again another day, poor Hannah wants to play.”

“Storm, Storm, go away, come again another day, poor Hannah wants to pl—AY BAKLA!!!”

Napasigaw ako ng napakalakas ng bigla na lang akong sinigawan ni Storm sa tainga. Opo. Sinigawan niya talaga ako sa tainga, ang bait bait niya talaga hindi ba? Psh.

“Let’s start”

“Anong let’s start?”

“Let’s do it” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya at halos kulang na lang eh lumuwa na dahil sa kalokohan niya.

“Anong sabi mo?! Anong let’s do it?! Ang manyak manyak mo talagang Storm kaaa!” Sa sobrang gulat ko nahampas ko siya, pero napaiwas naman agad siya sa panghahampas ko.

“ Hey! Wait! What the—?! What’s with your brain?!” Sabi nya sabay layo sa ‘kin. Yung mukha nya parang gulat na gulat na akala mo walang masama sa sinabi nya. Insensitive ka talagang Storm ka!

“What’s with my brain?! TSE! Ikaw?! What’s with your brain?! Pervert!” Tumaas na ‘yung kaliwang kilay nya, nagpameywang pa na akala mo ako ‘yung mali. Tsk. Kapal talaga!

“Ang sabi ko, let’s do your take home problem. Napaka-green minded.” Napapailing pa siya habang sinasabi nya ‘yun.

Pero SHET! Nakakahiyaaa! Ayun pala ang ibig nyang sabihin! Letse naman kasi eh, ayaw nyang linawin. Malamang kasi ‘yun talaga ang iisipin ko, ikaw ba naman ‘tong kaladkarin papunta sa condo ng pinakasikat na lalake sa buong campus eh.

Pero dahil nga mataas ang pride ko, hindi ako sumang-ayon sa gusto nya. “Ayaw ko! Kaya kong gawin ‘to ‘no!” Sabi ko kahit ang totoo n’yan, hindi ko na talaga alam kung saang lupalop ko hahanapin ang sagot sa punyetang take home problem na ‘yun.

“Okay” Ay letseng Storm talaga ‘to! Hindi man lang ako pinilit!

“At saka, ano, mahirap na! Baka mamaya kung ano pa ang gawin mo sa ‘kin eh!”

“Okay” Argh! Wala na ba siyang ibang sasabihin kung ‘di OKAY?! Nakakainis na ah!

“I hate you Storm! Nakakainis ka na talaga!!!”

“Tss. You’re such an idiot kid having tantrums” Walang ganang sabi nya. Pero teka! Ako?! Parang bata na nagtatantrums?! At idiot pa?! Abaaa, nakakahiya naman sa ka-pervertan nya ‘di ba?

“Hoy para sabihin ko sa ‘yo, mas idiot ka! At—! At—!” Hindi ko maituloy ang gusto ko sanang sabihin dahil wala akong maisip. Out of words na naman. Haaay.

“And what?”

“Sige!”

“Anong sige?”

“Sige! Turuan mo na ako!” Sabi ko sabay talikod pra hindi nya makitang nahihiya ako. Well, ayaw ko naman talagang turuan nya ako eh, I just don’t have an option, seriously.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now