19: Threat

3K 106 13
                                    

"Every woman deserves a man that can make her heart forget that it was ever broken."


Chapter 19: Threat

Hannah

Hindi ako makatingin kay Storm dahil sa nangyari kanina, pakiramdam ko nalulunod ako ng alaala ng mga pangyayari. Naiinis ako sa kaniya pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil ako pa 'yung nakakaramdam ng awkwardness sa 'ming dalawa.

Pervert. Ugh!

Nasa dining area kami ng mansyon nila Storm at kasalukuyang kumakain ng almusal ng bigla na lang bumanat si Cloud.

"Grabe ka malasing Hannah" Sabi niya. Kaya naman namuo sa utak ko ang isang malaking tanong, bakit ano bang ginawa ko?

"Tinamaan ka siguro talaga ng mga ininom mo." Dagdag pa niya.

Dahil na din sa curiosity ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko't tinanong ko na si Lourie ng pabulong. Kasalukuyan siyang kumakain sa tabi ko.

"Chebs," Bulong ko, "Ano ba sinasabi ni Cloud?"

"You were out of yourself. Kung ano anong sinabi mo kay Storm..."

"Like?"

"Like..." She was searching for words.

"Like...?"

"Tanungin mo na lang siya, nakalimutan ko na kasi Hannah" Sagot niyang nakangiti.

"Hindi mo ba talaga maalala?" Tanong ni Green na kasalukuyan namang nasa kabilang side ko.

"Nawalan ka ng malay after mong awayin si Storm. Binuhat ka niya paakyat sa kwarto mo pero bigla kang kumapit sa kaniya na parang baby, hindi mo siya binitiwan hangga't hindi ka niya dinadala sa kwarto niya. Sabi mo pa, don't leave me perv. I'm yours tonight. Ayun lang narinig ko kasi nung papunta na kayo sa kwarto ni Storm sinabi mo na 'wag na kami sumunod kasi may gagawin pa kayo. Psh. Baklang 'to!"

Nalaglag ang hotdog na isusubo ko sana dahil sa mga sinabi ni Green. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa mga narinig ko at pakiramdam ko anytime kakainin na ako ng lupa.

"S—Seryoso?" Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Green. Tumango naman siya at pati na din si Lourie ay naki-sangayon na rin.

Nakakahiya! Bakit ko 'yon sinabi? Bakit?

Nakatingin si Storm sa 'kin ngayon habang umiinom ng tubig, nasa harap ko siya at sa magkabilang gilid niya nama'y sina Heaven at Cloud. Pakiramdam ko nalulusaw ako ng mga titig niya, at pakiramdam ko anytime magku-collapse na ako sa sobrang kahihiyan.

Bigla ko namang naramdaman ang phone ko na nagvibrate, hindi ko na sana papansinin ngunit sunod sunod ang mga text na pumasok kaya naman binasa ko na.

"You're dead!" Mama! May death threat na naman sa 'kin si Storm!

Puro 'yon lang ang text niya, limang text na magkakasunod na iisa lang ang sinasabi. You're dead!

Am I? Oh, Lord! Bakit ba hindi ko maalala? Itatago ko na sana 'yung phone ko kaya lang bigla na namang nagvibrate.

"Don't you remember what you did last night?"

Napaangat ang ulo ko mula sa phone ko at nakita kong nakayuko si Storm habang ang dalawang kamay niya ay nasa ilalim ng table. Ilang saglit pa'y nagtext na naman siya.

"You tried to seduce me last night" Text niya kaya naman mas lalo akong nanliit. Jusko! Tama na Storm! Hindi ko talaga maalala!

Hindi ko na sana papansinin 'yung text niya kaya lang bigla na naman siyang nagtext.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now