"Sometimes when things are falling apart, they may actually be falling into place."
Chapter 20: Cliff
Hannah
Isang oras lang ang nakalipas at nakarating na din kami sa isang maganda at malaking isla. Sa gitna 'di kalayuan sa pampang nito'y nakatayo ang isang kulay puting bahay na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga puno.
"Woah!" Manghang mangha kami ng mga kaibigan ko dahil sa mala-paraisong isla na nakikita namin ngayon.
Magkakasabay kaming bumaba ng mga kaibigan ko, halos matisod pa ako dahil sa maliit na kahoy na hindi ko napansin dahil sa pagkabighani ko sa buong isla.
Isang grupo ng mga lalakeng nakaputi ang sumalubong sa 'min, nakangiti silang lahat na para bang nang-aanyaya sa lugar.
"Welcome to Isla Paraiso!" Bati ng isang matandang lalake habang nakatingin sa 'min ng nakangiti, matapos sa 'min ay tumingin naman siya kila Storm at muling nagsalita, "Welcome back, Masters! Kami po ay masaya sa inyong muling pag dalaw" Dagdag pa niya. Ngumiti naman ang magkapatid sa matandang lalake.
"Hi, Tito Elton! Kamusta po kayo?" Bati naman ni Cloud.
"Ayos naman ako Master, heto at tumatanda pa lalo." Sagot niya saka tumawa ng malakas.
"Matanda pero matinik pa din sa chicks!" Siniko pa ni Sky ang matandang lalake at kumindat.
"Hay nako, Master, loyal ako kay Misis" Sagot naman niya sabay balik ng kindat sa babaerong si Sky.
Natawa kami lahat dahil sa taglay na kapilyuhan ni Sky, pero mas natawa kami kay Tito Elton dahil sa galing nitong makisama. Siguro'y dahil bata pa lang ay kilala niya na ang mga ito.
Lumakad na kami papunta sa puting bahay. Hindi iyon gano'n kalakihan na kagaya ng mansiyon nila Storm sa Maynila, mga kasing laki siguro ng isang basketball court. Isang apat na palapag na gusali na may infinity pool sa ground floor at may mga balkonahe sa lahat ng floors nito
Nilapag lang namin ang mga bag namin sa lobby dahil nangungulit na si Paola na mag road trip sa buong isla, at dahil nga ang kulit kulit niya wala na kaming nagawa kung 'di ang sundin siya. Nagpunta kami sa parking lot sa may likod ng bahay at sobrang namangha talaga ako ng makita ko ang iba't ibang klase ng sasakyan na mayroon sila Storm.
"Pick whatever you want" Sabi ni Sir Dustin?! Grabe, para siyang nagte-teleport lagi kasi kung nasaan si Storm, nando'n din siya.
So, ang ending lahat kami pumili ng ATV kasi sabi na naman ni Paola mas okay daw kung mag ATV kami dahil malubak daw ang ibang daan. Nakakainis lang talaga! Sige na, siya na ang pamilyar sa lugar! Siya na ang magaling at siya na talaga ang past ni Storm! Hindi ako nagagalit, as in hindi!
"Come" Natigil lang ako sa iniisip ko tungkol kay Pao nang bigla na lang nagsalita si Storm sa harap ko. Do'n ko lang narealize na nakasakay na pala silang lahat at ako na lang ang nakatunganga.
"I'll do it on my own." Narinig kong sabi ni Paola na nakasakay mag-isa sa isang ATV.
Amazing! Siya na din talaga ang marunong mag drive ng ATV. Sarcastically speaking. Ugh!
"Sakay" Utos ni Storm. Yes, utos. Hindi sabi, hindi pakiusap kung 'di utos.
"No, I can-" I was suppose to reject his offer but he pulled me towards him, forcing me to ride.
"Okay! Okay! Sasakay na!" Then, he won. Napasakay niya ako dahil sa pag puwersa niya.
"Tss." Sagot niya saka niya isinuot sa ulo ko 'yung helmet.

YOU ARE READING
Seducing Mr. Pervert 2: Still Into Him
Teen FictionIf you thought you totally got over with him, think twice, because maybe you're still into him. © August 2014 Seducing Mr. Pervert Season 2 G5 Series