LESSON 2- Knowing Yoseif's Real Identity in A Glimpse

142K 2.2K 628
                                    

NANG MAKALAPIT na si Yoseif kay Sir Gomez ay malakas nitong hinampas sa ulo gamit ang baseball bat ang guro. Napaupo ang guro habang sapo ang ulo na may sumisirit na dugo. Hahampasin pa sana ni Yoseif si Sir Gomez pero mabilis na hinawakan ni Olivia ang braso nito.

"Tama na Yoseif!" pigil niya. Tumingin sa kanya si Yoseif. Wala na namang ekspresiyon ang gwapo nitong mukha.

"Dapat lang sa kanya ang mamatay Olivia. Matapos ang ginawa niya sa iyo? Hayaan mong ako ang maningil sa hayop na ito..."

"Pero..."

"Manood ka na lang Olivia..." muling hinarap ni Yoseif si Sir Gomez na hilo pa rin sa tinanggap na palo sa ulo. Tatayo pa sana si Sir Gomez pero malakas na hinampas agad ito ni Yoseif sa likod.

Isa, dalawa, tatlo...Hanggang sa sumuka na ng dugo ito. Nanatitiling nakatayo lang si Olivia. Nakatulala habang unti-unting pinapatay si Sir Gomez ni Yoseif. Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon niya ng mga oras na iyon.

"Patay na ito..." Napatingin si Olivia sa katawan ni Sir Gomez.Halos hindi mo na ito makikilala. Durog ang ulo at mukha nito. Kalat-kalat din ang utak nito at naliligo na ito sa sarili nitong dugo. Puno na rin ng dugo ang damit ni Yoseif.

"Umalis na tayo bago pa may makakita sa atin," sabay lahad ng kamay ni Yoseif. Inabot niya ang kamay niya dito at lumakad na sila palayo.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya dito habang naglalakad sila palabas ng school.

"Dahil masama siyang tao Olivia."

"Hindi iyon. Ang ibig kong sabihin ay bakit kailangang ikaw ang gumanti para sa akin?"

Tumigil sa paglalakad si Yoseif. Itinapon nito sa malayo ang hawak na baseball bat. "Dahil ako ang protector mo!"

"Protector?" naguguluhan niyang tanong.

"Oo Olivia. Andito ako para protektahan ka. Para ipagtanggol ka sa lahat! Magtiwala ka lang sa akin..."

"Pero...Pinatay mo si Sir Gomez," sagot niya.

Malakas na humalakhak si Yoseif. Tawa na nakakapangilabot. "Hindi ako ang pumatay kay Sir Gomez. IKAW. Ikaw ang pumatay sa kanya!"

Tila umikot ang paligid ni Olivia sa sinabing iyon ni Yoseif. Napatingala siya sabay lingon sa kanyang likuran at pagharap niya wala na si Yoseif. Nanghihina na napaupo si Olivia ng makita niyang puno ng dugo ang kanyang kamay at katawan!

"Hindi...H-hindiiii!!!" Sigaw niya. Napahagulhol na rin siya sa gitna ng gabi.

Tama si Yoseif. Walang ibang pumatay kay Sir Gomez kundi siya...Walang Yoseif! Gawa-gawa lang ito ng kanyang malikot na imahinasyon. Lumalabas si Yoseif sa tuwing pakiramdam niya ay kailangan niya ito. Noong nasa rooftop at library siya, wala siyang kausap noon kundi ang kanyang sarili lamang. Ang totoo kasi ay namental hospital na siya dahil sa trauma at kakahiyang sinapit niya dahil sa sex video na iyon. Ang mga peklat sa kanyang pulso ang patunay na ilang beses na niyang pinagtangkaan ang sariling buhay...






PAGDATING sa bahay ay agad na nilunod ni Olivia ang sarili sa shower. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi na niya. Kinuha ni Sir Gomez ang puri niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at dumaloy sa kanyang isipan ang napakabrutal na pagpatay niya sa guro. Napangiti siya. Marahil ay tama lang ang ginawa niya. Dapat lang sa tulad ni Sir Gomez ang mamatay!

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon