LESSON 21- Knitted Together

47.5K 1K 258
                                    

"GOT it! Now may fifty points na tayo. Yay!" Tuwang-tuwa na sabi ni Charina ng makuha nito ang kulay black na flag sa gitna ng ilog.

Napasimangot si Bridgette. "I don't think na makakaya ko pang maglakad para maghanap ng mga stupid flags na iyan. My feet hurts as hell! Ilang oras pa ba ang natitira?"

"Hmm. One and a half hours pa. C'mon, parang mas maraming flags sa banda roon!" sabay turo ni Charina sa parte ng gubat na maraming puno.

Para matapos na ay naglakad na lamang si Bridgette papunta sa itinuro ni Charina.

Sa paglalakad nila ay marami nga silang nakuhang mga flags. "Wow! Ang daming flags! Kaya lang puro yellow naman! But that's OK, we should be thank-"

"Shut up!!!" iritadong sigaw ni Bridgette kay Charina. "Pwede ba Charina itigil mo iyang bibig mo? Nakakairita kana! Lahat na lang ng makita at gawin mo may comment ka!"

Tumahimik naman si Charina. Tila napahiya rin ito sa sinabi niya.

NAGKAROON ng malay si Ford na nakatali siya sa isang armchair. Hindi niya alam kung nasaan siya pero mukhang nasa isang lumang bodega siya. Sinubukan niyang magsalita pero walang lumabas sa kanyang bibig.

Namamanhid ang kanyang bibig. Hindi niya iyon maibuka. Ramdam niya ang kirot ng mga sugat sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Ang huli niyang natatandaan ay ng may makita silang nakakatakot na babae tapos tumakbo sila at nahulog sa isang hukay na may matutulis na kawayan.

Napakadilim ng paligid niya. Kulong na kulong ang kaniyang kinaroroonan kaya walang liwanag na pumapasok roon.

Nagulat siya ng biglang bumukas at bumaha ang liwanag sa kinaroroonan niya. Doon niya napagtanto na kaharap lang niya pala si Jacob! Tulad niya ay nakaupo at nakatali rin ito sa armchair. At ang nagpatindig ng kanyang balahibo ay ng makita niyang tinahi gamit ang isang makapal na tali ang bibig nito para hindi ito makasigaw o makapagsalita!

Pilit niyang ibinaba ang kanyang tingin sa kanyang bibig at napapikit siya ng makitang tinahi rin ang kanyang bibig.

"Hmm! Hmm!" Pilit siyang nagsalita upang magising ang kaharap na si Jacob.

Unti-unti ay nagmulat ng mata si Jacob. Nanlaki din ang mga mata nito sa nakita. Tulad niya ay wala rin itong ideya kung bakit sila nandoon, kung bakit ganoon ang ayos nila at kung sino ang may gawa sa kanila noon.

Nag-usap ang kanilang mga mata.

Maya-maya ay biglang nagpatay-sindi ang ilaw. Takot na nagpalinga-linga sina Ford at Jacob. Kasabay noon ay nakadinig sila ng isang malakas na halakhak ng isang babae. Tila nanggagaling iyon sa kailaliman ng lupa. Kulang na lamang ay umulwa ang mga mata nila sa takot ng lumitaw ang duguang si Olivia sa gitna nila. Nakatawa. May poot sa mga mata.

Sa bawat pagsindi ng ilaw ay nakikita nila ang nakakatakot nitong anyo.

Hanggang sa tuluyang namatay ang ilaw.

Kadiliman at katahimikan ang lumukob.

Halos maligo na si Ford sa pawis.Nilakasan niya ang pakiramdam niya dahil mukhang nandoon pa rin si Olivia.

Napapikit siya. Takot na takot. Nagbalik si Olivia. Nagbalik ito upang maghiganti sa kanila.

Naghihiganti ito sa kaapihang pinaranas ng grupo nila ni Bridgette dito.

Napamulat muli ng mata si Ford ng makadinig siya ng mga yabag ng paa na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Bumilis lalo ang tibok ng kanyang puso. Alam niya, kalapit na nila ni Jacob ang nagmamay-ari ng mga yabag na iyon!

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon