LESSON 13- Jump! Jump! Jump!

52K 1.1K 556
                                    

NANGINGILID na ang luha ni Olivia pero hindi niya hahayaang pumatak iyon. Tinanggal niya ang kanyang backpack sa kanyang likuran at binuksan niya iyon. Inilabas niya roon ang isang matibay na lubid. Tinignan niya ang mga estudyante sa ibaba. Walang nakakapansin sa kanya. Itinali niya sa railings ang isang dulo ng lubid. Siniguro niyang napakahigpit noon.

"Aaaaahhh!!!" Sumigaw siya upang makuha ang atensiyon ng lahat ng nasa ibaba. Hindi naman siya nabigo dahil sa isa-isang tumingala ang lahat upang makita siya. Ang gusto ni Olivia ay makita ng lahat kung ano ang magiging resulta ng pang-aapi nito sa kanya.






"BRIDGETTE! You got to see this!" Halos di maintindihan na sabi ni Thea dahil sa sobrang hinihingal ito.

Natigilan sa ginagawang paghahalikan sa loob ng classroom sina Bridgette at Steven. "What tha eff Thea?! You're disturbing us!" bulyaw dito ni Bridgette.

"You have to see this! Magpapakamatay si Olivia!"

"What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Bridgette.

Napatayo silang dalawa ni Steven at sumunod sila kay Thea hanggang sa makarating sila sa tapat ng lumang building. Pagtingala ni Bridgette ay nakita niyang nasa gilid nga si Olivia at mukhang tatalon nga ito.

"Tawagin niyo si Teacher Noah! Bilis!" sigaw ng ilan nilang kaklase.

Sari-sari ang reaksyon ng mga naroroon.

May natatakot, may naaamaze at may mga ilan na pinagtatawanan si Olivia.

Ilang sandali lang ay dumating na si Teacher Noah. "Olivia! Bumaba ka diyan!" Sigaw nito.

Nakita nila na umiling si Olivia. "Ngayon, matutuwa na kayo dahil mawawala na ako!" Narinig nilang sigaw ni Olivia.

"This is gonna be fun!" Turan ni Matthew at inilabas ang iPhone nito upang kunan ng video si Olivia.

"Tss. Ang drama talaga ng scandal girl na ito!" Nakairap na bulong ni Bridgette at sumilay ang isang pilyang ngiti sa kanyang mga labi.

"Kausapin niyo si Olivia, okey?" Nagpapanic na sabi ni Teacher Noah. "Aakyatin ko lang siya. Basta wag niyo siyang hahayaang tumalon.






"NGAYON, matutuwa na kayo dahil mawawala na ako!" Malakas na sigaw ni Olivia.

Nang mga sandaling iyon ay blangko na ang utak ni Olivia. Meron palang laman iyon...Isang bagay lang at iyon ay ang wakasan na ang kanyang paghihirap!

"Bakit hindi ka pa tumalon?!" Narinig ni Olivia na sigaw ng isang estudyante. Tumingin siya sa ibaba. Si Bridgette!

Nanlilisik ang mga mata na tinignan niya si Bridgette. Si Bridgette ang dahilan ng lahat. Si Bridgette, Thea, Emma, Charina, Ford, Matthew, Jacob at si Steven.

Sinagot niya si Bridgette. "Hindi dito natatapos ang lahat! Babalikan ko kayong lahat. Iisa-isahin ko kayo! Wala akong ititira! Babalikan ko kayooo! Isinusumpa ko! Babalikan ko kayong lahat!" Malakas na sigaw ni Olivia. Punung-puno ng poot.

"Tumalon ka na!" Sigaw ng grupo ni Bridgette.

"Jump! Jump! Jump!" Sigaw ni Bridgette habang sinasabayan pa nito ng pagpalakpak.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon