Last Author's Note

42.4K 871 114
                                    

LAST AUTHOR'S NOTE






Hello mga Schoolmates!

Hiniwalay ko talaga ang author's note para naman mabasa niyo. Don't worry bukas ko iuupdate ang last chapter. Gusto ko lang ishare sa inyo ang nararamdaman ko ngayon.

Alam niyo iyon, sobrang saya ko kasi another "achievement" na naman ito para sa akin kasi nakatapos na naman ako ng isang story. After more or less three months matatawag ko ng finished story ang School Trip.

Nakakatuwa lang kasi seriously nag-doubt ako noong una kung itutuloy ko siya kasi baka mapaghambing siya sa Class 3-C Has A Secret ni Ate Cha (naki-ate?! Haha). Kasi same siya na about sa mga students. Pero luckily, di naman nangyari iyon. Gusto ko sanang idedicate kay Cha iyong last chapter ng ST kaya lang i remember na ideddedicate ko nga pala siya dun sa winner sa pa-contest ko sa FB, so ito na lang na A.N.

Dedicated kay charotera101 kasi gusto kong mag-sorry kasi di matuloy-tuloy ang collaboration namin kasi kasalanan ko. Sorry Cha. Matutuloy din yan, sana kasi its an honor talaga na maka-collab kita.

Back to School Trip...

Ang School Trip ay talagang record-breaking sa lahat ng Wattpad stories ko dahil ito na ang pinakamahaba kong nagawang kwento tapos natapos ko lang siya ng more or less 3 months lang.

Sobrang thankful din ako kasi never akong binigo ng mga readers sa votes lalo na sa comments. Salamat sa inyo lalo na sa mga nobelang mag-comment. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako napapasaya. Kayo ang nagsisilbing gasolina ko para patuloy na umusad at magtype ng updates.

SALAMAT SA INYO MGA SCHOOLMATES!





Hindi ko kayang iexpress yung tuwa at saya na nararamdaman ko sa suportang ibinigay niyo. Mahahalikan ko kayo isa-isa eh! Haha!

Nakakalungkot din siyempre kasi mamamaalam na ako or tayo kina Olivia, Bridgette, Teacher Noah, Steven, Emma, Charina, Jacob, Ford, Thea, Matthew, Aling Olga, Yoseif, Ruvina, Tiyang Magda at kay Ysabelle.

Kahit sa maikling panahon ay nakasama natin sila.

Ayun, sana eh may natutunan kayong LESSON sa School Trip kahit puro patayan at kamalditahan ni Bridgette ang nabasa niyo dito. Hehe...

About naman sa nagtatanong sa next horror story ko: as of now, talagang WALA pa akong upcoming horror story. Na-drained yata talaga ang utak ko kasi after Dara Kara eh sumabak agad ako sa School Trip. Kailangan ko munang mag-unwind to refresh my mind and ideas. At saka by June and July eh magiging inactive muna ako sa Wattpad kasi magtatrabaho na ulet ako. Sa ngayon ay pagtiyagaan niyo muna ang dalawang ongoing stories ko na Battlefield of Love at Patayin sa Kilig si Barbara!

Ayan, hala. Masyado ng mahaba baka nakatulog na kayo.

Ibaba na ang telon at sabay-sabay nating tunghayan ang pagtatapos ng SCHOOL TRIP!




-Soju

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon