LESSON 10- Hell Again

59.5K 1.1K 227
                                    

"MALIGAYANG pagbabalik Olivia!" Nakangiting bati ni Ruvina sa kanya ng papasok na siya sa gate. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita." Hindi pinansin ni Olivia ang babae. Alam niyang isa itong multo at tanging siya lamang ang nakakakita rito. Magiging sentro na naman siya ng panunukso kung kakausapin pa niya si Ruvina. Iisipin n naman ng iba na nababaliw na siyang talaga."Olivia? Bakit hindi mo ako pinapansin? Magsalita ka naman!" Pangungulit pa sa kanya ni Ruvina.

Nagtungo si Olivia sa gilid ng isang classroom kung saan walang masyadong estudyante ang nagpupunta. Doon niya kakausapin si Ruvina. "Ruvina, hindi na kita pwedeng kausapin. Inaakala nilang baliw na ako dahil kinakausap ko ang isang tao na hindi nila nakikita. Magkaiba ang mundo nating dalawa Ruvina...Patay ka na!"

Ngumiti lang si Ruvina. "Pero ang sabi mo kaibigan na kita at sagrado ang kasunduan na iyon..."

"Bakit ka ba andito? Bakit hindi ka pa umaalis sa lupa?"

"Hindi ko alam. Siguro, sa lugar na ito ako namatay. Napatunayan ko rin na walang langit. Walang impyerno! Kung meron man, bakit hanggang ngayon andito pa rin ako?!"

"Dito ka namatay?"

"Oo!" Mabilis na sagot ni Ruvina. "Halos limang taon na rin ang nakakaraan. Tulad mo, biktima rin ako ni Sir Gomez. Ang pinagkaiba nga lang natin, nilabanan mo siya. Pinatay mo siya, hindi ba?"

Nahihintakutan na napaatras si Olivia. "H-hindi ko ginawa iyon. Si Y-yoseif!"

Biglang tumawa si Ruvina. "Nakita ko ang lahat Olivia. Ako iyong duguang babaeng nakita mo ng gahasain ka ni Sir Gomez. At Yoseif, alam ko din na ikaw at siya ay iisa lamang, hindi ba?"

Pinagpapawisan na nilisan ni Olivia ng lugar na iyon. Nakayuko ang kanyang ulo at nagmamadaling tinahak ang daan patungo sa kanilang classroom. Dahil sa pagmamadali at hindi naka-pokus sa dinadaanan ay nakabangga siya ng isang estudyante. Nagkatinginan silang dalawa ng nabangga niya. Si Maika!

"S-sorry..." aniya at akmang aalis na sana siya pero tinawag siya ni Maika.

"Olivia..." Natigilan siya. Hindi siya makapaniwalang papansinin pa siya ng dating kaibigan na itinakwil siya. "Ako ang dapat humingi ng paumanhin sa iyo..."

"M-maika..." Naluluha niyang sabi.

"Gusto kong ipagtapat sa iyo ang lahat Olivia. Mag-usap tayo, pero wag dito. Sumunod ka sa akin..." Sinundan lang ni Olivia si Maika hanggang sa makarating sila sa rooftop ng isang building sa eskwelahan na iyon.

"Mas OK na mag-usap tayo dito. Walang masyadong makakakita sa atin..." turan sa kanya ni Maika.

Nagtatakang nagtanong si Olivia. "Ha? Bakit kailangang dito pa natin mag-usap?"

"Dahil kina Bridgette!" Sabay hawak ni Maika sa dalawa kong kamay. "Olivia, sorry. Ang totoo niyan tinakot lang nila ako. Ang sabi nila, ibubully rin nila ako kapag kinaibigan pa kita. Sorry Olivia! Hindi ako naging mabuting kaibigan sa iyo!" At niyakap siya ni Maika.

Napaluha si Olivia. "Dapat sinabi mo na agad ng nalaman ko. Hindi sana kung anu-ano ang iniisip ko...Ang akala ko kasi katulad ka rin nina Bridgette na hinusgahan agad ang pagkatao ko dahil sa scandal video ko. Kahit pala kailan,hindi ako nawalan ng kaibigan. Salamat Maika!"

"P-pero natatakot ako Olivia..." sabay kalas nito ng yakap. "Papaano kung malaman nina Bridgette na nagkaayos na tayo?"

"Hmm...Oo nga ano. Alam ko na. Pwede naman nating ilihim sa kanila ang lahat! Pwede naman tayong maging secret friends!" Masigla niyang turan.

"Secret friends?! At talagang pinaglilihiman niyo pa ako!" Isang galit na boses ng babae ang narinig ni Olivia. Pagtingin ni Olivia sa bandang kanan niya ay nakita niyang nakaupo sa railings si Ruvina. Tumatawa ito. "Ayos ba ang panggagaya ko kay Bridgette?" Patuloy ito sa pagtawa.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon