LESSON 12- Fooled

52.3K 1.1K 367
                                    

"S-STEVEN...Bak­it dito tayo pupunta?" Labis ang pagtataka ni Olivia sa lugar kung saan tumigil ang sinasakyang kotse nila ni Steven. Student-license­ lang ang meron ito pero malakas ang loob na magdrive sa mga national highways.

Sa harap ng isang motel sila humantong.

"Olivia...Gusto kong patunayan sa iyo kung gaano kita kamahal." Masuyong sagot sa kanya ni Steven.

Mariin siyang umiling. "Hindi tama ito Steven. Kung mahal mo ako irerespeto mo ang kagustuhan ko na ayaw ko nito. May tamang panahon para sa ganitong bagay."

"Pero kung mahal mo ako ibibigay mo ang gusto ko!" giit nito.

Natigilan si Olivia. Minsan na siyang nagtiwala sa isang lalaki. Ibinigay niya ang lahat noon pero sa huli ay siya pa rin ang kawawa.

"Ano? Bumaba na tayo Olivia..." Untag sa kanya ni Steven ng hindi siya nakapagsalita.

Tinignan niya ito sa mata. "Ipangako mo Steven na papanindigan mo anuman ang kahahantungan pagkatapos ng lahat ng ito..."

Mabini siyang hinalikan ni Steven. "Oo Olivia...Pangako. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasama mo dahil mahal na mahal kita!" Tugon nito. Matapos iyon ay magkasabay na silang pumasok sa loob ng motel. At makalipas ang halos tatlong oras ay magkasabay din na lumabas ang dalawa.






PAGKAPASOK ni Olivia kinabukasan ay nagtataka siya kung bakit halos lahat ng estudyante ay hawak ang kani-kanilang cellphones at tila may pinapanood doon. Hindi na niya masyadong pinansin ang mga iyon.

Nang nasa hallway na siya ay natigilan siya ng mapansin niyang tila pinagtitinginan siya at pinagbubulungan.

"Siya iyon diba?" bulong ng isa.

"Oo nga. Kadiri naman niya!"

Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Hindi niya maintindihan!

Binilisan na lamang niya ang paglalakad. Sa pagmamadali niya ay nabangga niya ang isang tao. "Pasensiya na!" Paghingi niya agad ng paumanhin.

"Good morning Olivia!" Si Bridgette pala at ang grupo nito. Nakakainsulto ang mga ngiti nito. Iiwas na sana si Olivia pero mariin siyang hinawakan sa braso ng kaeskwelang bully. "Wait a second! Nagmamadali ka? Hmm, may ibabalita pa ako sa iyo eh. Baka kasi magtampo ka kasi di ka namin ina-update sa latest news sa Wellington Highschool!"

"Ano na naman ba ito Bridgette?" aniya.

"Don't be rude Olivia! Ayaw mo noon? Concern lang ako sa iyo kasi may kumakalat na namang video scandal mo!"

Nangunot ang noo ni Olivia. "V-video scandal? Kung ang tinutukoy mo ay iyong luma kong scandal, please. Sawang-sawa na ako Bridgette!"

"No. This is new!"

"Bago? Umalis ka na sa daraanan ko dahil hindi ko alam ang sinasabi mo!"

"Don't tell me na hindi mo ito alam!" At iniharap ni Brisgette ang screen ng kanyang cellphone sa mukha niya. Kitang-kita niya ang isang malaswang video na nagpe-play roon.

Nanlamig si Olivia at parang gustong sumabog ng ulo niya. Iyon ay kuha sa loob ng motel room na pinuntahan nila ni Steven kahapon!

Palihim na kinunan ni Steven ang ginawa nila roon?

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon