LESSON 20- Handcuffed

47.8K 1K 228
                                    

"TWENTY-SEVEN!"­ Iyon ang huling bilang na narinig ni Teacher Noah mula sa kanyang mga estudyante. Tapos na kasi ang tree planting at binibilang na niya ang kanyang mga estudyante.

"Hindi ba't twenty-eight kayong lahat? Sino ang wala?" tanong niya.

Tatlumpo talaga lahat ng orihinal na estudyante ni Teacher Noah pero dahil sa namatay na sina Maika at Olivia ay nabawasan ang mga ito.

"Teacher, wala pa po si Thea," turan sa kanya ni Charina.

"What?! May nakakita ba sa inyo kung saan pumunta si Thea?"

"Ang sabi niya hahanap at kukuha lang daw siya ng tubig then hindi na siya bumalik." si Bridgette ang sumagot.

"OK. Magluto na kayo ng kakainin. Nasa kubo lahat ng kailangan niyo. After our lunch at wala pa si Thea, saka natin siya hahanapin. Mamayang ten o'clock ng gabi ay darating na iyong bus at babyahe na tayo sa Laguna. Pupunta tayo ng Enchanted Kingdom." aniya at nagsimula ng kumilos ang kanyang mga estudyante.






"YEAH right!" Lihim na sabi ni Bridgette matapos magsalita ni Teacher Noah. Umupo muna siya sa isang malaking ugat ng puno at nangalumbaba habang pinapanood ang pagkilos ng kanyang mga classmate. Sa totoo lang ay gusto na niyang umalis sa mabahong lugar na ito.

"Sa tingin mo, nasaan na kaya si Thea?" napatingala si Bridgette sa nagtanong sa kanya. Si Steven pala. "Hindi kaya umalis na siya dito?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Wala akong idea. Bahala siya sa buhay niya." Walang gana na sagot ni Bridgette.

Makalipas lang ang halos kalahating oras ay natapos na ang kanilang pagluluto ng kanin. Pinagtagpi-tagpi lang nila sa lupa ang mga kinuha nilang dahon ng saging at doon inilagay ang lahat ng kanin.

Inilabas ni Teacher Noah ang isang tray ng itlog na maalat. Napangiwi si Bridgette dahil alam niyang iyon ang magiging ulam nila. "After nating kumain ay hahanapin na natin si Thea then mamayang one o'clock we'll proceed to our next activity." Paliwanag ni Teacher Noah.

"Yes Teacher!" Sabay-sabay na turan ng lahat ng naroon.

Nagsipagkainan na sa dahon ng saging ang mga kaklase niya pero nanatili siyang nakatayo lang at nakasimangot na pinapanood lamang ang mga ito. Napansin yata ni Steven ang pagmumukmok niya kaya lumapit ito sa kanya.

"Hey, baby. Whats wrong?" tanong nito sa kanya.

"Nakakainis na talaga! I don't think na makakakain ako with our piggy classmates. Look at them, para silang baboy!"

"Kumain ka na baby, please. Just today. Hayaan mo na." Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakasimangot. "Please..."

Nakita ni Bridgette ang nagmamakaawa na mukha ng kanyang boyfriend kaya naman napangiti na siya. "OK baby. Ngayon lang ha?"

"Yes baby!" At hinalikan siya nito sa labi. Magkahawak-kamay silang lumapit sa mga kaklase nila at nagsimulang kumain.






"THEA! Thea! Thea?!"

"I think umalis na talaga si Thea..." turan ni Charina sabay upo sa nakitang bato sa dinaraanan nila. "Ang daya naman niya, di man lang ako isinama!"

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon