LESSON 18- Big Bang Bus

48.5K 1.1K 264
                                    

HALOS alas-dose na ng gabi noon at tulog na rin ang mga estudyante na lulan ng bus na papuntang Plaridel, Quezon Province. Tahimik ang gabi at maayos naman ang takbo nila. Naalimpungatan si Bridgette dahil sa lamig na hatid ng hangin na panggabi. Tinanggal niya ang takip niya sa mata at tumingin sa bintana. At namangha siya sa nakita. Sa Lumang Zigzag pala sila naroon. Pababa ang bus sa Quezon kaya kahit na gabi ay kitang-kita niya ang magandang tanawin sa ibaba. Nakakatuwa ding tignan ang daan na talagang pa-zigzag.

Natigilan lang siya ng may mapansin siya sa unahan ng bus. Parang may umuusok doon. Mabilis siyang tumayo para puntahan ang driver.

"Eeeeehhhh!!!" Malakas na sigaw ni Bridgette ng makita niyang may saksak ng kutsilyo sa leeg iyong driver at tila patay na ito. Nagising ang mga nasa bus sa sigaw na iyon ni Bridgette.

Si Teacher Noah ang agad niyang nilapitan. "Teacher Noah! I-iyong driver ng bus...P-patay na po!" aniya.

Pupuntahan na sana ni Teacher Noah iyong driver ng biglang gumewang ang bus at may malakas na sumabog sa unahan.

Kadiliman...






HIRAPAN na iminulat ni Bridgette ang kanyang mga mata at sumalubong sa kanya ang kadiliman ng paligid. Nakarinig siya ng mga ungol at humihingi ng tulong. Ang huli niyang naalala ay iyong may sumabog sa unahan ng bus at pagkatapos ay nagpagulong-gulong ang bus pababa ng bangin.

"T-tulong..." sinubukan niyang sumigaw pero kulang sa lakas ang kanyang boses. Gumapang siya. Doon lang niya naramdaman ang pananakit ng kanyang ulo.

Hinawakan niya ang kanyang ulo at may nakapa siya doong malagkit at parang basa na bagay. Dugo! Napapikit siya dahil tila hihimatayin siya sa realisasyong may sugat siya.

"Uughh..." May narinig siyang tila boses ng babae na umuungol.

Kahit nahihirapan ay tumayo siya. Tumingin siya sa labas at saktong lumabas na ang bilog na buwan mula sa pinagtataguan nitong ulap. Nagkaroon ng liwanag sa loob ng bus at malakas na napasigaw si Bridgette ng makita niya ang mga kaklase niya na duguan at sugatan. May mga bali ang iba't-ibang parte ng katawan. May basag ang bungo at naipit sa mga nayuping mga upuan at bakal.

"T-tulong..." Iyon na naman ang boses!

Hanggang sa makita niya ang pinagmumulan ng boses na iyon. Ang kaklase niya pala na si Airra. Gumagapang ito papalapit sa kanya...

"A-airra?" Lalapitan na sana niya ito ng matigilan siya.

"T-tu...L-long...B-bridgette...Ugh..." Papalapit ito ng papalapit sa kanya.

"Lumayo ka...Layo!" sigaw niya.

Papalapit pa rin si Airra sa kanya. Gumagapang...

Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng pagiging putol ng katawan ni Airra ay nakakagapang pa rin ito. Napaatras siya at bigla siyang natumba ng may matapakan siyang tao. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino ang kanyang natapakan.

"T-teacher Noah?" bulalas niya.

Puro dugo ang katawan nito at tila hindi na gumagalaw. Nilapitan niya ito. Hinawakan at niyugyog ng bahagya. "Teacher?" Hindi pa rin ito sumasagot. Patay na yata ito.

Tumayo na siya. Hindi niya alam kung papaano makakalabas ng naturang bus. Nagpalinga-linga siya at sumigaw. "Help! Somebody help me!"

Hanggang sa makarinig siya ng tila tunog ng ingit ng pintuan na binubuksan. Paglingon niya sa unahan ay may nakita siyang isang babae na nakatayo at nakasuot ng uniform na katulad ng sa kanya. Nakayuko ito kaya natatakpan ng buhok nito ang mukha nito.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon