LESSON 3- Remember: Teachers Are Not Perfect!

108K 1.7K 426
                                    

"OLIVIA! Huwag Olivia!"

Nagmamadaling pinigilan ni Teacher Noah ang akmang pagsaksak ni Olivia ng kutsilyo sa kaklase nitong si Bridgette. Nahawakan niya agad sa braso si Olivia. Hinigpitan niya. At kinuha niya ang hawak nitong patalim sabay hagis noon sa ibabaw ng lamesa. Inilayo niya si Olivia at tinulungang makatayo si Bridgette. "Anong nangyari dito? Bakit mo sasaksakin si Bridgette, Olivia?!" Mataas ang boses niya.

Lumapit sa kanya si Bridgette at kumapit pa sa kanyang braso. "Teacher Noah, hindi ko pa alam kay Olivia pero bigla na lang niya akong sasaksakin kanina. I think Olivia is losing her mind! Huhuhu!" At maarteng umiyak pa sa tabi niya ang kanyang estudyante.

"Nagsisinungaling po siya Teacher Noah!" Depensa ni Maika. "Ang grupo po ni Bridgette ang nag-umpisa ng lahat. Nananahimik po kami ni Olivia dito tapos nanggugulo ang mga iyan!"

Alam ni Teacher Noah na nagsasabi ng totoo si Maika. Mahilig talaga sa gulo ang grupo nina Bridgette. Ilang estudyante na ba dito ang napag-tripan ng mga ito at nagtransfer ng school dahil sa mga ito? Marami na. Marami nang estudyante ang nabully ng mga ito. Useless kung papagalitan niya sina Bridgette. Mas masisiyahan pa nga ang mga ito. Ganun naman talaga ang mga bullies. Natutuwa kapag nakasakit. Nasisiyahan kapag napansin.

Labis ang awang lumukob sa kanya ng makita niya ang hitsura ni Olivia. Basang-basa ang buhok nito. May mantsa pa ng sauce ng spaghetti sa puti nitong blouse. "Olivia, maari ka munang umuwi. Just fix your self, OK?"

"Salamat sir..." Nakayuko nitong sabi.

Sinundan niya ng tingin si Olivia. Kaawa-awa talaga. Siya na ang bagong laruan nina Bridgette. Kung may magagawa lang sana siya. Pero wala. Wala talaga."Kayo naman, magsibalik na kayo sa mga classrooms niyo!" May awtoridad na utos ni Teacher Noah.







MARAHANG binuksan ni Olivia ang pinto ng kanyang kwarto. Sumalubong sa kanya ang malamig at tahimik na loob ng kanyang kwarto. Madilim. Hindi pa rin siya nakakapaglinis. Nakadikit pa rin sa kanya ang malagkit na sauce. Natuyo na ang mga iyon.

Umupo siya sa gilid ng kanyang kama. Nakatukod sa magkabilang side niya ang kanyang kamay habang blanko ang isip na nakatingin sa sahig. Hanggang sa makarinig siya ng yabag ng mga paa. Iniangat niya ang ulo. Nakita niyang papalapit sa kanya si Yoseif na galing sa madilim na sulok ng kanyang silid. Walang ekspresiyon ang mukha nito.

"Kailangan mo ba ng tulong ko?" tanong sa kanya ni Yoseif.

Umiling siya.

"Ang hirap naman kasi sa iyo Olivia. Alam mo naman ang sulosyon sa problema mo pero hindi mo ginagawa. Heto. Kunin mo..." Inabot sa kanya ni Yoseif ang isang blade.

Umiling siya. "Ayoko na. Tama na Yoseif..." Pagsamo niya.

Ngumisi si Yoseif. "Tss. Hayaan mong ako ang gumawa sa iyo nito." Pagkasabi noon ni Yoseif ay inililis nito ang kanyang palda. Hanggang sa nakalantad na ang kanyang maputing hita. Ipinakita nito sa kanya ang hawak nitong blade. Sa unang tingin pa lang niya ay alam niyang napakatalim na noon. Nakakapunit. Nakakahiwa. Nakakasugat.

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Naramdaman na lang niya ang pagdampi ng blade sa hita niya. Mababaw lang pero ramdam niya ang hapdi. Isa. Dalawa. Hindi na niya mabilang ang nilikhang hiwa ni Yoseif sa kanyang hita. Umaagos na ang dugo doon.

Hihiwain pa sana ulit ni Yoseif ang hita niya ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. "Diyos ko! Olivia!" Hiyaw ng kanyang ina na kitang-kita ang paglalaslas niya sa kanyang sariling hita. Tumakbo ito palapit sa kanya at mabilis na inagaw sa kanya ang hawak niyang blade. "Akina na iyan! Ano na namang ginagawa mo sa sarili mo?!" Umiiyak na tanong ng kanyang ina sa kanya.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon