LESSON 22- One By One

43.7K 1K 323
                                    

TATAKBO sana palayo si Bridgette ng marinig niya ang nagmamakaawang pag-ungol ni Ford at Jacob kaya naman natigilan siya sa kanyang paghakbang. Inisip niya ang kalunos-lunos na anyo ng dalawa niyang kaibigan.

Humarap siya sa mga ito. "S-sino may gawa niyan sa inyo?" Isang tangang tanong, naisip niya. Paano nga pala makakapagsalita­ sina Jacob kung tinahi ang mga bibig nito

Nanginginig ang buo niyang katawan ng lapitan niya ang mga ito. Hindi niya maisip na may taong makakagawa ng ganitong kabrutal na bagay, kung tao nga ba ang may kagagawan noon.

Mukhang kailangan niyang tanggalin ang pagkakatahi ng bibig nina Ford at Jacob para makapagsalita ang mga ito.

"OK. Tatanggalin ko ang tahi sa inyong mouth. All you have to do is endure the pain, OK?" aniya.

Mahihinang tango lang ang isinagot ng dalawa. Muntik na siyang masuka ng makita niya ang nakalaylay na mata ni Jacob. Pisak na pisak iyon at nilalangan na ang litid o ugat na nag-uugnay doon. Lumunok siya. Kailangan niyang tibayan ang kanyang sikmura! Nanginginig ang kanyang mga kamay habang papalapit ito sa bibig ni Ford. Si Ford ang inuna niya dahil mukhang nanghihina na ito.

Una ay tinanggal niya ang pagkakabuhol sa dulo ng taling ginamit sa pagtahi sa bibig ng mga ito. Nang matanggal na niya ay dahan-dahan niyang hinila iyon.

"Hmmmp!!!" Nanlalaki ang mga mata ni Ford sa sakit.

"Sorry!" sabi na lang niya.

Hinilang muli ni Bridgette ang tali palabas ng butas. Medyo sumasabit na ang tali kasi dumikit na iyon sa laman ni Ford. Manaka-naka ay may mga dugo na lumalabas doon.

"Shit!" sabay layo ni Bridgette. "I don't think I can do this!"

Nagmamadali siyang pumunta sa kubo na naroon. Kailangan niyang maghanap ng gunting o kutsilyo o kahit anong bagay na maaari niyang ipangputol sa tali. Naghalungkat siya at swerte naman dahil nakakita siya ng gunting. Paglabas niya ng kubo ay agad siyang lumapit kina Ford at Jacob.

"Nakakita na ako ng scissor!" Pilit ang ngiti na turan niya.

Gugupitin na sana niya ang tali sa bibig ni Ford ng matigilan siya. "Mas OK siguro kung itong tahi niyo sa katawan niyo ang tatanggalin ko para magkahiwalay na kayo." suhestiyon niya.

Umiling-iling sina Ford at Jacob sa sinabi niya. "Hmm! Hmm! Hmm!" Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ng dalawa.

"Don't worry. I'll be gentle..." ani Bridgette.

Patuloy sa pag-iling sina Ford at Jacob.

Kumilos na si Bridgette. Mas lumapit pa siya sa nakatayo na sina Ford. Ginupit niya isa-isa ang pagkakatahi sa balat ng dalawa niyang kaibigan. Hindi niya alam pero tila bukal na umaagos ang dugo sa pinagtahian. Patuloy siya sa paggupit hanggang sa lahat ay magupit na niya.

Si Bridgette na mismo ang naghiwalay sa dalawa at labis siyang nagimbal ng malamang tinanggal ang buong balat nina Ford at Jacob sa dibdib hanggang tiyan ng mga ito. Tapos ay tinahi ang gilid ng balat upang maging magkadikit ang dalawa.

Tuluyan ng sumuka si Bridgette ng makita ang ribs at iba't-ibang lamang loob ng dalawa. Dahil sa wala ng sumusuporta ay naglaglagan sa lupa ang bituka nina Ford at Jacob kasama na ang pugot at basag na ulo ni Thea na pinagsiksikan sa bandang tiyan ng dalawa!

"Ugh!" Halos sabay na napaluhod sa lupa sina Ford. Namumuti na ang mga mata nito.

"Oh my God! Oh my God! Somebody help uuuusssss!!!" Nagpapanic na sigaw ni Bridgette. Taranta na nilapitan ni Bridgette sina Ford at Jacob. Hindi na niya alam ang gagawin kaya napaiyak na siya sa sobrang takot. "Sorry..." Pilit niyang dinampot ang mga bituka nina Ford at ibinalik iyon sa butas na tiyan ng mga ito pero nalalaglag lang ang mga ito.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon