LESSON 25- Unveiled

43.7K 1.1K 626
                                    

"ANONG klase kayong demonyo para gawin niyo sa anak ko ang ganun?! Anong naging kasalanan niya sa inyo?!"

Nanlaki ang mga mata ni Bridgette ng makita niyang unti-unting lumalapit si Steven kay Aling Olga mula sa likuran nito. Hindi nila namalayan na umikot sa likod ng bus ang lalaki papunta kay Aling Olga. Mabilis ang naging pagkilos ni Steven. Sinunggaban agad nito ang kamay ni Aling Olga na may hawak na palakol.

Nagpambuno ang dalawa. Nagpagulong-gulong...

Hanggang sa maagaw na ni Steven ang palakol. Makikipag-agawan pa sana si Aling Olga pero agad na hinataw ni Steven ng palakol ang daliri ng kawawang ginang.

"Aaaahhhhh!!!" sigaw ni Aling Olga sa labi na sakit habang tinitignan ang nagkaputol-putol na daliri.

"Tulungan niyo ako! Bilis!" turan naman ni Steven.

Agad naman na naglapitan ang mga kaklase nila kay Aling Olga. May sumuntok, sumipa at tumadyak.

Alam ni Bridgette, lahat sila ay iisa ang nasa isip at iyon ay ang makaganti sa taong pumatay sa kanyang mga kaklase.

Bugbog-sarado na si Aling Olga sa kanila. Putok na ang bibig nito at lamog na ang katawan. Hirapan itong gumapang. Kinuha ni Steven iyong palakol at itinihaya ang gumagapang na si Aling Olga.

"Para sa mga kaklase kong pinatay mo!!!" sigaw ni Steven at malakas nitong pinalakol ang leeg ng nanay ni Olivia. Pumulandit ang dugo sa leeg nito. Nagkikisay pa na parang manok na ginilitan ng leeg. Nakadilat ang mga mata na binawian ito ng buhay!

"N-nanay...Nanay!!!" isang malakas na sigaw ang narinig nila mula kay Teacher Noah. Umiiyak na hinawi sila ni Teacher Noah at agad na niyakap ang patay na si Aling Olga. "Nanay!!! Bakit niyo pinatay ang nanay kooo?!" umiiyak na turan ng guro nila. May galit sa mga mata nito.

Napaatras si Bridgette...

Nanay din ni Teacher Noah ang nanay ni Olivia?

Ibig sabihin...

Si Olivia ang kapatid ni Teacher Noah na girlfriend nito!






NANGINIG ang buong kalamnan ni Teacher Noah ng makita niyang palakulin ni Steven si Aling Olga sa leeg. Oo, nanay niya si Aling Olga. Bata pa lamang siya ng iwanan siya nito para sa lalaki nito.

Ilang taon na ang lumipas ay nagkita muli sila. Isa na siyang guro sa sekondarya. Tuwang-tuwa ito sa naabot niya pero nasa puso pa rin niya ang galit dahil iniwan siya nito.

Nakilala rin niya si Olivia. Binihag siya ng kainosentehan nito. Minahal niya ito sa kabila ng eskandalong nakakabit sa pangalan nito.

"Ipapakilala kita sa nanay ko," minsan ay sabi sa kanya ni Olivia.

"Sige ba. Matagal ko na ring gustong makilala siya..." sagot niya.

Kaya naman ganoon na lang ang pagkagulat ni Noah ng makilala niya ang nanay ni Olivia na si Aling Olga.

Iisa sila ng nanay ng kanyang nobya!

"Layuan mo siya Noah! Layuan mo si Olivia!" minsan ay sabi sa kanya ni Aling Olga ng magkita sila sa MRT station.

"Ayoko! Mahal ko siya!"

"Pero Noah, kapatid mo siya. Hindi kayo pwede!"

Siya rin ang dahilan kung bakit nag-aral sa Wellington Highschool si Olivia.

School TripWhere stories live. Discover now