LESSON 23- Caught!

43.4K 1K 317
                                    

"TAPOS ka na?" Napatingala mula sa pagkakayuko si Bridgette ng marinig niya ang tanong na iyon ni Steven. Nasa ilog siya noon at hinuhugasan ang kamay na puno ng dugo dahil sa ginawa niya kanina kina Ford at Jacob.

Tinapos na ni Bridgette ang paghuhugas sa kanyang kamay. Tumayo na siya at ipinunas ang basang kamay sa gilid ng kanyang suot na school uniform. "Steven, hindi kaya si Olivia ang may kagagawan nito? Totoo kaya iyong sinabi niya bago siya mamatay na babalikan niya tayo at iisa-isahin?"

"Iyan din ang hula ko noong una pero naisip mo ba? Walang multo na kayang gumamit ng baril! Walang multo na kayang gumawa ng ganoong ka-brutal na pagpatay!"

Natigilan si Bridgette sa sinabing iyon ni Steven. Nag-isip siya. "Do you mean that hindi si Olivia ang pumatay kina Thea?"

"Oo. Tao. Tao ang may gawa noon kina Thea. Siguro, gumaganti siya para kay Olivia." Halos pabulong na ang pagsasalita ni Steven.

"P-pero bakit? Anong purpose niya at gumaganti siya sa ating lahat?"

"That's a stupid question Bridgette! Aminin na natin, ang grupo natin ang nagtulak kay Olivia para magsuicide! Ang section natin ang nagsabi kay Olivia na tumalon siya sa rooftop! Alam ko, may kasama tayo dito na may malaking koneksiyon kay Olivia."

"At ang taong iyon ang pumatay sa mga kaklase natin? Pero sino?"

Tumingin sa malayo si Steven. "Hindi ko alam pero kailangan mas lakasan natin ang pakiramdam natin. Kailangan nating malaman kung sino ang taong tumutulong kay Olivia. Limang oras pa bago dumating iyong bus na magliligtas sa atin. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng limang oras. Mag-iingat na lang tayo, OK?"

Tumango na lang si Bridgette.






NAKAMASID lang sa kawalan ang multo ni Olivia. Nasa katabi lang niya si Ruvina. Napangiti siya ng maalala niya ang mukha ng mga kaklase niya habang isa-isang tumutumba ang mga ito.

Takot na takot sila.

Minsan na niyang naramdaman ang takot na iyon at gusto niyang iparamdam ang ganoong pakiramdam sa mga ito lalo na kay Bridgette.

"Kikilos ka na ba Olivia?" untag sa kanya ni Ruvina.

Isang misteryosong ngiti lang ang isinagot niya. Naglakad siya palayo at naglaho sa dilim.

Iiling-iling na lang na sinundan siya ni Ruvina sa kanyang pupuntahan.






"CHARINA, nakita mo ba si Steven? Kanina ko pa siya hinahanap eh."

"Hmm. Hindi eh. Pati nga si Emma nawawala eh. Bridgette, may itatanong ako. Lahat ng nangyayaring ito...Hindi kaya..."

"What? Si Olivia?! She is bullshit!" galit na sabi ni Bridgette. "Kung totoo ngang nagbalik siya to get revenge...Well, i am not afraid of her! Ibabalik ko siya sa impyernong pinanggalingan niya!"

Pagkasabi niya noon ay iniwan na niya si Charina para hanapin si Steven. Papunta na sana si Bridgette sa kakahuyan ng tawagin siya ni Teacher Noah. "Bridgette! Saan ka pupunta?"

"Do you even care? Wala ka ngang nagawa ng pagbabarilin ang mga estudyante mo!" Tatalikod na sana siya pero humarang sa daraanan niya si Teacher Noah. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Out of my way!"

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon