LESSON 19- Go With The Flow

49.1K 1.1K 348
                                    

"BRIDGETTE. Bridgette? Gising na."

Agad na nagmulat si Bridgette ng kanyang mga mata at nagpalinga-ling­a. Nasa loob pa rin siya ng bus at nakita niyang nagbababaan na ang ilan niyang classmates sa bus. "Huh? Panaginip lang? Its just a dream! Thank God!"

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nakakunot ang noo na usisa sa kanya ni Emma.

"Ah wala. Where are we?"

"Unfortunately, andito na tayo sa Quezon. Tree planting daw. Yuck! Anyway, tinatawag na tayo ni Teacher Noah sa labas ng bus."

Napatayo siyang bigla. "Buhay si Teacher Noah?"

"Oo naman. Ano bang pinagsasabi mo ha? Are you sick?" Natatawang tanong sa kanya ni Emma.

Umiling siya. "W-wal. Don't mind me."

"OK. By the way, sumunod ka na lang sa ibaba. Nandoon na rin ang iba eh," at nauna ng bumaba ng bus si Emma.

Pagkaalis ni Emma ay napasandal si Bridgette sa upuan ng bus. Huminga siya ng malalim sabay pikit. Parang totoo lahat ng napanaginipan niya. Iyong sumabog na bus at noong makita niyang patay na si Teacher Noah. Pati na rin ang pagtraydor sa kanya ng mga kabarkada niya.

Pagmulat niya ng mata ay nanlaki ang mata niya ng makita niyang nasa harapan niya ang mukha ni Charina. "Natutulog ka ba?" tanong ni Charina.

"Go away!" singhal niya.

"Pinapatawag ka na kaya ni Teacher Noah."

"OK!" At tumayo na siya at lumabas na ng bus.






PAGKALABAS ng lahat ng estudyante sa bus ay saka lang lumitaw sa loob noon sina Olivia at Ruvina.

"Olivia! Olivia! Papatayin mo na ba silang lahat?" tanong sa kanya ni Ruvina.

"Hindi ako nagmamadali Ruvina. Dadahan-dahanin ko ang lahat. Isa-isa...Gusto iyong sila na mismo ang magmamakaawa para sa kamatayan nila!"

"Mukhang maganda iyang naiisip mo."

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Olivia sa mga estudyanteng nasa labas ng bus.






MATAPOS bilangin ni Teacher Noah ang kanyang estudyante at macheck na kumpleto ang mga ito ay agad niyang hinarap ang mga ito. "OK class. Bago tayo magsimula ng tree planting ay isang bagay ang dapat niyong malaman. Napansin niyo siguro na ang section lang natin ang nagfield trip ngayon. Dahil iyan sa hindi lang ito basta-basta school tour...Isa rin itong retreat!" umugong ang bulung-bulungan.

"Teka lang, akala ba namin school tour ito?" mabilis na apela ni Bridgette. "Retreat? Nagbayad kami for this para mag-enjoy! Like, duh! Niloloko mo ba kami?"

"Masyado ng nakakaalarma ang behavior niyo kaya mismong ang principal na ang nag-utos sa akin!" Agad na sagot ni Teacher Noah. "One day lang naman ang retreat kahit kung pwede nga lang ay isang linggo."

"Ano pa nga bang magagawa namin? You already fooled us!" Parang hindi teacher ang kausap na sagot ni Emma.

Hindi na lang pinansin ni Teacher Noah ang pagsagot na iyon ni Emma. "After our tree planting ay kakain na tayo. Lahat ng kakainin natin ay paghihirapan nating lahat. Tulong-tulong. Sama-sama. About naman sa mga baon niyo na dinala niyo? Habang nag-uusap-usap tayo dito ay may mga kumuha na ng mga ito."

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon