00:11

124 8 3
                                    

Seokmin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Seokmin

Kuya Won

Bakit?

Pumunta ka na naman sa park?

Oo. Nakakabagot sa bahay eh

Sabi ko naman wag ka na pupunta dun 😭

Bakit?

Malapit lang naman

Pero 😭😭😭

Okay lang ako

Di naman kaylangan lagi mag alala

Ikaw lang naman iniisip ko.

I know and thank you.

Pero, Seoks

I'm okay hahaha

Next time magpasama ka sakin ah, sasamahan naman kita eh

Gusto ko matuto mag isa hmm?

I'm not saying na I don't need you pero

Ever since lagi mo na ko inaalalayan, ayoko na maging pabigat

I don't mind naman 🥺

aND YOU'RE NOT PABIGAT HNGG 😠

Seoks.

Don't worry na, okay?

Fine! Basta never talk to strangers pag lalabas ka. Alam mo naman panahon ngayon!

I know, I know

Siaka wala naman kumakausap sakin kasi nakasuot ako lagi ng earphones

They won't dare

Malay mo may biglang kumausap sayo!

Kahit naman kausapin nila ko di ko naman sila papansinin

Promise?

Oo nga.

I'm just protecting you 🥺

Kaya favorite kitang kapatid!

Ako lang naman kapatid mo 😠😠

Oo nga. Kasi wala akong choice.

Kuya Won 😠😠

----------------

Late na ng magising si Wonwoo kaya dumiretso agad siya sa banyo para maligo at pagkatapos ay bumaba na siya para kumain, sumalubong sa kanya ang mama niya at Seokmin na nakangiti. They didn't say a word pero they signaled him na umupo na at kumain.

It's been a week since umuwi si Wonwoo sa bahay nila Seokmin. Dun kasi siya nakatira sa papa niya noon. Seokmin and him are half brothers. Magkapatid lang sila sa mama nila. And since his father went to States para sa trabaho, naiwan na si Wonwoo sa mama niya.

Bata palang sila Wonwoo at Seokmin alam na nila ang lahat tungkol sa pamilya nila, first love ng mama nila ang papa ni Wonwoo pero hindi siya ang pinakasalan, ganun pa man ay nabuo si Wonwoo. Kahit na pinagbubuntis na ng mama nila si Wonwoo ay pinakasalan pa din siya ng papa ni Seokmin at sumunod na nga na nabuo si Seokmin.

Lumaki si Wonwoo sa papa niya kasama ang stepmother niya pero madalas ay dumadalaw sila Seokmin sa kanya kaya sila nagkilala noon.

Kahit dati pa man ay overprotective na si Seokmin sa kanya dahil nga sa kondisyon niya. Hindi siya hinahayaan ni Seokmin na mag isa lumabas, kaylangan din alam ni Seokmin ang mga pinupuntahan niya.

Sadyang mahal na mahal siya ni Seokmin, at ganun din naman siya sa kanya dahil nga dalawa lang naman silang magkapatid.

"Kuya Won samahan kita bumili ng bagong books?" Sabi ni Seokmin, habang nagsasalita si Seokmin ay nag sasign language din siya so Wonwoo can understand him fully.

Umiling naman si Wonwoo at ngumiti.

"Mama oh ayaw na ko kasama ni kuya Won!" Pagmamaktol ni Seokmin, hindi man yon narinig ni Wonwoo pero nagets niya na nagsusumbong na naman ang kapatid niya.

"Hayaan mo na kuya mo. He's old enough. And he wants to be independent. Hmm?" Malambing na sabi ng mama nila at hinawakan pa nito ang pisngi ni Wonwoo habang nakangiti para iparamdam na okay lang sa kanya ang kagustuhan nito.

Punong puno ng pagmamahal ang bahay nila. Ayaw nila Seokmin na makaramdam si Wonwoo ng stress at kung ano pa man na negativity dahil nga sa kondisyon niya.

Nag give up naman na si Seokmin at pumayag nalang sa kagustuhan ni Wonwoo. Tumingin siya dito nakita niya na masaya ito. At gagawin ni Seokmin ang lahat para sa kapatid niya, he will protect that happiness no matter what.

Earphones - MINWONWhere stories live. Discover now