01:25

154 6 2
                                    

"Uy, Mingyu! "

"Hi, Doc!" Bati ni Mingyu kay Changkyun.

"Sunduin mo si Won?" Kasalukuyang nakatayo si Mingyu sa tabi ni Wonwoo habang nakaupo ito. Kakatapos lang kumain nila Wonwoo at nakatambay sila dito sa Holiday.

"Oo. Okay lang ba?" Nahihiyang sabi ni Mingyu. Kanina ay nagagalit siya pero ngayon ay kalmado na, ayaw niyang magsungit dahil doctor pa din ni Wonwoo ang kausap niya.

"Oo naman. Nagpaalam na si Won." Nakangiting sagot ni Changkyun.

Tumungo si Mingyu para magkalevel na sila ni Wonwoo at tiningnan siya nito. Ngumiti si Wonwoo ng konti pero sapat na yun para kay Mingyu.

"Tara na." Inalalayan ni Mingyu si Wonwoo tumayo at kinuha na din niya ang bag nito. Nakangiting pinapanuod lang sila ni Changkyun.

Paalis na ang dalawa at nagpaalam na sila kay Changkyun pero biglang may binulong ito kay Mingyu.

"Manunuod sana kami ng movie pero sabi mo daw susunduin mo siya. Sayang gustong gusto pa naman niya manuod."

Hindi alam ni Mingyu kung ano ang sasabihin niya, sabi ni Wonwoo ay nagbibiro lang siya na manunuod sila ni Changkyun ng movie yun pala ay totoo ito. At cinancel lang ni Wonwoo dahil susunduin niya ito.

"Ako na bahala, thanks, Doc." Sabi ni Mingyu habang nakatingin kay Wonwoo na inaayos ang damit niya na nagusot dahil sa pagkakaupo.

Umalis ang dalawa at naiwan si Changkyun sa Holiday.

Habang naglalakad sila Mingyu at Wonwoo ay hindi mawala sa isip ni Mingyu na sinacrifice ni Wonwoo ang panunuod para sa kanya.

Hindi niya tuloy alam kung kikiligin ba siya or magiguilty.

"Teka, Won." Hinawakan ni Mingyu si Wonwoo sa braso para huminto ito, nasa tapat sila ng cinema ngayon.

Nakangiting tinuro ni Mingyu ang movie poster signaling Wonwoo na mamili.

Nagtataka si Wonwoo pero nagets niya din agad ang ibig sabihin ni Mingyu.

Niyayaya siya ni Mingyu manuod ng sine.

Hindi naman nagdalawang isip si Wonwoo at tinuro ang isang romance movie.

Hindi makapaniwala si Mingyu sa pinili niya pero pumayag nalang siya.

Bumili sila ng ticket, popcorn at maiinom at pumasok na sa loob ng sinehan.

Pangalawang beses na nilang manuod magkasama pero iba ngayon dahil sila lang dalawa.

Umupo sila sa bandang sulok kung saan wala masiadong tao.

Nang magsimula na ang movie ay tutok na tutok si Wonwoo. Hawak nia ang popcorn habang tuloy tuloy ang subo nito. Si Mingyu naman ang may hawak ng inumin. Isang large drink lang ang binili nila dahil ayaw ni Mingyu.

Maya maya ay biglang may tumapik sa kanya, si Wonwoo. Tinuro ni Wonwoo ang hawak na baso ni Mingyu to tell him na gusto niyang uminom.

Inabot ni Mingyu sa kanya ang baso pero nagulat si Mingyu nang hindi ito kinuha ng binata at diretso uminom na habang hawak ni Mingyu ang baso.

Natatawa si Mingyu dahil nacucutan siya kay Wonwoo. Para itong bata.

Pakiramdam tuloy ni Mingyu ay nagdedate sila. Which is obvious naman.

Napaisip tuloy si Mingyu, hindi siya nagkamaling sunduin si Wonwoo dahil hindi niya kakayanin kapag ganito kasweet si Wonwoo sa iba.

Hindi mapigilan ni Mingyu ang mapangiti at hindi niya napansin na nakatingin na pala sa kanya si Wonwoo, siniko siya nito ng konti at itinuro ang screen. Natawa naman si Mingyu kaya ibinaling nalang niya ang atensyon niya sa panunuod, sayang lang at hindi niya nakita, ngumiti din si Wonwoo.



————————————————



Hello, people. Thank you sa comments and votes. Appreciated 💜

Earphones - MINWONWhere stories live. Discover now