01:30

139 6 2
                                    

"Kasama ka?" Gulat na tanong ni Mingyu nang makita niya si Seokmin na bitbit ang gamit ni Wonwoo. Sabay lumabas ng bahay ang magkapatid, ngayon kasi ang araw ng simula ng photoshoot nila Mingyu.

"Oo bakit may angal ka?" Nakataas ang kilay na tanong ni Seokmin.

"Wala- Pero di mo naman kasi agad sinabi."

"Need ko ba magpaalam sayo? Isipin mo nalang PA ako ni kuya Won."

"Sabi ko nga."

Walang nagawa si Mingyu kundi pumayag nalang. First time nilang magsasamang tatlo na sila lang. Di alam ni Mingyu kung magiging maayos to dahil panigurado magbabangayan lang sila ni Seokmin at walang aawat sa kanila.

Binuksan ni Mingyu ang pinto ng passenger seat niya para makapasok si Wonwoo pero nagulat siya nang si Seokmin ang umupo at sa likod nagbukas ng pinto si Wonwoo.

"Bakit jan ka?"

"May angal ka?"

"Mag isa si Wonwoo sa likod mahiya ka naman sa kuya mo."

"Pinag usapan na namin to. Hindi mo siya malalapitan hanggat kasama niyo ko."

"Ano na namang trip mo?"

Iritang sumakay ng sasakyan si Mingyu. From time to time ay tinitingnan niya si Wonwoo. Nakikita niya lang itong patingin tingin sa labas ng bintana. Kung hindi naman ay nagsecellphone.

"Okay lang ba siya?" Tanong ni Mingyu kay Seokmin. "Kumportable naman ba siya?"

"Ayoko mang sabihin sayo to kasi baka lumaki ulo mo pero sabi niya kumportable siya hanggat nanjan ka."

Napasmirk si Mingyu sa narinig niya at oo kinikilig siya. Hindi niya akalaing yun ang nararamdaman ni Wonwoo.

"Ngiti ngiti ka jan."

"Bitter mo. Nag away kayo ni kuya Josh?"

"Oh bakit naman nasali si kuya Josh dito?"

"Wala lang. Sungit mo kasi."

Mga nasa 30 minutes lang ay nakarating na sila sa studio. Agad na bumaba si Mingyu para pagbuksan si Wonwoo ng pinto.

Pumasok din sila agad sa studio para makapag ayos si Wonwoo. Si Mingyu naman ay dumiretso na sa mga gagamitin niya sa shoot.

Habang inaayusan si Wonwoo ay nasa tabi niya lang si Seokmin.

Maya't maya din ay tumitingin si Mingyu kay Wonwoo. Kapag naman nagtatama ang tingin nila ni Seokmin ay iniirapan nila ang isa't isa.

Pagkatapos mag set up ni Mingyu ay ilang minuto lang natapos na din si Wonwoo sa pag aayos.

"Ready na si Wonwoo." Sabi ng isang staff. Napalingon si Mingyu sa direksyon ni Wonwoo at sakto naman na naglakad na ito papunta sa harap niya.

Napatulala si Mingyu. Hindi niya napansin na tiningnan niya pala si Wonwoo mula ulo hanggang paa. Nakita ito ni Seokmin kaya siniko niya si Mingyu.

"Matunaw naman yung kuya ko, Mingyu Kim."

Natawa nalang si Mingyu, sino bang hindi mapapatitig kay Wonwoo sa itsura niya ngayon. Nakamake up siya which made him look more attractive, plus he's wearing a white thin shirt partnered with shorts kaya nakaexpose ang binti niya which is first time nakita ni Mingyu.

You look beautiful.

Mingyu told Wonwoo. Nagulat si Wonwoo sa sinabi ni Mingyu at napayuko nalang sa hiya.

Earphones - MINWONWhere stories live. Discover now