00:24

119 8 1
                                    

Kinuha ni Wonwoo ang jacket niya at isinuot ito. Nagtext na kasi si Seokmin sa kanya na sunduin niya ito.

Nagbook lang siya ng Grab dahil hindi naman siya pwede magdrive. May kotse sila pero ang nakakagamit lang non ay si Seokmin, pero ngayon ay di siya pinayagan na gamitin ito dahil nga mag iinuman sila.

Lumipas ang ilang minuto, medyo malapit lang ang bar sa bahay nila kaya hindi nagtagal ang byahe niya at nakarating agad siya.

Naghintay lang si Wonwoo sa labas dahil ayaw niyang pumasok sa loob kasi madaming tao. Ayaw niya din ng amoy ng alak at sigarilyo kaya hihintayin nalang niya si Seokmin na lumabas.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay walang lumalabas na Seokmin. Ilang ulit na niya itong tinetext pero hindi ito nagrereply. Sinubukan niya na din itong tawagan pero walang sumasagot. Marahil ay nakasilent ang phone nito.

Hindi na nakapagpigil si Wonwoo kaya pumasok na siya sa loob. Nag aalala na siya kay Seokmin.

Pagpasok niya ay tumambad sa kanya ang maraming tao na nagsasayawan. May mga umiinom sa mga table at naninigarilyo. Tinakpan ni Wonwoo ang ilong niya dahil ayaw na ayaw niya talaga ng mga amoy na ito.

Hindi naman ito ang unang beses na pumunta siya dito, nung nakaraan ay sinundo niya din si Seokmin pero hindi dito sa parte na to, kundi sa tuktok. Ang building kasi na ito ay bar sa baba at restaurant na sa taas. Doon natutuwang pumunta si Wonwoo dahil mula sa tuktok ay tanaw ang city sa baba.

Nagpatuloy lang siyang maglakad papasok sa bar, pilit niyang iniiwasan ang mga tao sa paligid niya. Ilang minuto pa siyang nagpaikot ikot sa loob ngunit medyo malaki ang lugar kaya hindi niya mahanap si Seokmin. Sinubukan niya din ulit contact-in ito pero hindi na niya mareach.

Maya maya pa ay may lumapit sa kanya na isang babae. Maganda ito at medyo matangkad, mestisa at bilugan ang mga mata. Kinausap nito si Wonwoo ngunit hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng babae kaya sumenyas nalang siya na ayaw niya at aalis na sana siya nang hawakan siya nito. May inaabot sa kanyang baso na may laman na pulang inumin. Agad na tumanggi si Wonwoo, una ay dahil hindi siya umiinom at pangalawa ay hindi naman niya kilala ang dalaga.

Pilit si Wonwoo na tumatanggi pero mapilit din ang babae. Nagsimula nang magpanic si Wonwoo, hindi na niya alam ang gagawin dahil ito ang unang beses na nangyari ito sa kanya.

Nagulat nalang siya nang may biglang humila sa kanya palayo sa babae. Walang nagawa ang dalaga at nabitawan na niya si Wonwoo. Ngayon ay may nakatayong binata sa harapan nila, hinaharangan niya ang babae para hindi na makalapit kay Wonwoo.

Pilit na kinikilala ni Wonwoo kung sino ang lalaking nasa harapan niya, nakatalikod ito pero parang pamilyar na naman sa kanya.

Kinausap ng binata ang dalaga pagkatapos ay tuluyan nang umalis ito. Pinanuod ni Wonwoo kung pano naglakad palayo ang dalaga, mukang iiyak na ito. Hindi alam ni Wonwoo kung anong sinabi ng binata sa babae pero sigurado siyang nasaktan ang babae.

Nang humarap na sa kanya ang binata ay nagulat siya, siya yung lalaking nag bigay ng chocolate cupcake. Hindi makakibo si Wonwoo dahil nakatingin lang ang lalaki sa kanya nang seryoso. Mukang iritable ito. 

Naisip ni Wonwoo na baka girlfriend niya ang babae at baka nagalit ito sa kanya. Nagbow si Wonwoo at akmang aalis na ng hawakan siya ng lalaki sa braso. Nabigla si Wonwoo dahil sa ginawa ng lalaki kaya tinulak niya ito palayo, nagulat din ang binata dahil hindi niya inakalang itutulak siya ni Wonwoo. Pagkabitaw ng lalaki sa kanya ay tumakbo na si Wonwoo palayo

Habang tumatakbo siya ay may nabangga siyang lalaki, si Seokmin. Agad niyang hinila si Seokmin palabas ng bar.

Ngayon lang nag sisink in sa kanya lahat ng nangyari. Ngayon nga lang siya nakapunta sa ganitong lugar ay ganun pa ang nangyari sa kanya.

Ayaw na niyang bumalik. Lalo na at pumapasok sa isip niya kung paano siya tingnan ng lalaking humatak sa kanya. Parang ayaw na niyang magkita sila ulit.

Earphones - MINWONWhere stories live. Discover now