00:26

111 7 0
                                    

Seokmin

Kuya Won...

Galit ka ba?

Kuya Won 😭😭😭

Katatapos ko lang maligo bakit ba di ka pumunta dito sa kwarto

Ayoko baka galit ka 🥺

Hindi ako galit

Weh?

Oo nga. Just don't do it again

Eh kasi nakatulog ako sa paghihintay sayo kaya di kita nareplyan sorry na 🥺

Oo na nga.

Promise di na ko iinom ng ganun kadami 🥺

Dapat lang. Alam mo naman mabilis ka malasing

Bati na tayo? 🥺

Oo nga. Isa pa. Magagalit na talaga ko.

Kain tayo sa labas 🥺

May pagkain naman sa ref?

Ayoko dito sesermunan lang ako ni mama 😭

Sige na bihis ka na

Okay libre mo ahhh

Sige galit nalang talaga tayo.

kUYA WON 😠

————————————————

Magtatanghali na pero ayaw pa din bumangon ni Wonwoo. Kanina pa siya gising pero naaalala niya ang nangyari kagabi.

Hindi niya makalimutan ang binata.

Iba yung tingin niya kagabi. Parang nakakatakot. Iba sa kung paano niya tinitigan si Wonwoo sa park.

Maya maya pa ay bumangon na din siya. Kinukulit na naman kasi siya ng kapatid niya na kumain sa labas. Pagbaba niya ay nadatnan niya si Seokmin na halatang pinapagalitan ng mama nila. Nakatungo ito at parang paiyak na.

Napansin si Wonwoo ng mama niya kaya tumigil na ito. Ayaw kasi ni Wonwoo na pinapagalitan si Seokmin.

Bumalik kayo agad.

Nagsign language ang mama ni Wonwoo sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot at niyaya na si Seokmin na lumabas.

Habang naglalakad sila ay may nakita si Seokmin sa hindi kalayuan, si Mingyu. Makakasalubong nila ito.

Medyo nagpanic si Seokmin. Hindi pa siya handang makita sila ni Mingyu na magkasama ng kuya niya. Hindi niya pa din alam kung paano mageexplain kay Mingyu.

Agad niyang hinatak si Wonwoo papasok ng isang bookstore. Nagulat naman si Wonwoo dahil hindi naman ito ang dahilan kung bakit sila lumabas. Kakain sila at hindi bibili ng libro.

Bili ka ng maraming books muna!

Sabi ni Seokmin sa kuya niya. Nagtataka man sa nangyayari ay sumunod nalang si Wonwoo at namili na ng mga libro.

Si Seokmin naman ay nakampante na. Sigurado kasi siya na hindi na talaga sila makikita ni Mingyu dahil never naman itong papasok sa isang bookstore.

Not until nang lumingon siya sa pumasok sa pinto, si Mingyu. Si Mingyu na never pang pumasok sa isang bookstore dahil hindi naman siya mahilig magbasa.

Nakita siya nito at automatic na pumunta sa direksyon niya. "Hoy ginagawa mo dito?" Tanong ni Mingyu sa kanya.

Nagpanic na naman si Seokmin, agad niyang hinanap si Wonwoo, nakita niya itong namimili pa din ng libro sa hindi kalayuan. Busy ito kaya hindi napansin si Mingyu.

"Ikaw dapat tinatanong ko niyan!" Nauutal na sabi ni Seokmin.  Muka lang siyang kalmado pero natawag na niya lahat ng santo para ipagdasal na sana wag muna lumapit sa kanya si Wonwoo dahil kung mangyari man yon, dalawa sila ni Mingyu magpapanic.

"May bibilhin ako." Seryosong sagot ni Mingyu habang tumitingin tingin sa mga libro.

"Ano bang alam mo sa libro? Panigurado nandito ka lang para maghanap ng chix."

"Hoy gago hindi. May pagbibigyan ako."

Napaisip naman si Seokmin. Sino naman kaya yung pag bibigyan niya, siguro ay napakaimportante nito.

Napansin ni Seokmin na nagbabayad na si Wonwoo sa counter kaya nag isip na siya kung paano siya sisibat nang hindi naghihinala si Mingyu at hindi makikita si Wonwoo.

"Sige na alis na ko! Inutusan lang ako ni mama." Akmang aalis na si Seokmin pero pinigilan siya ni Mingyu.

"Hoy teka mag suggest ka muna anong magandang libro pwede ko panregalo!"

"Wala ako alam sa libro!" Pagmamaktol ni Seokmin. Malapit na kasi matapos si Wonwoo sa counter kaya kaylangan na niya makatakas kay Mingyu.

Hindi naman siya titigilan ni Mingyu sa pangungulit kaya nag isip nalang siya, base sa mga nakikita niyang libro sa kwarto ng kuya niya, karamihan ay about mystery ang mga libro nito.

"Mystery! May kilala ko mahilig don so baka maganda yon?"

"Seryoso ka ba?"

"Oo nga! Ayaw pa maniwala di kita lolokohin!"

"Sige." Nagsimula nang mamili si Mingyu sa mga mystery books na malapit sa kanila. Patuloy lang siyang nagsasalita at kinakausap si Seokmin. Maya maya pa ay nahalata niyang walang Seokmin na sumasagot sa kanya. Paglingon niya ay wala na ito sa tabi niya.

"Tangina talaga nang iwan amp."

Earphones - MINWONWhere stories live. Discover now