00:51

128 5 0
                                    

Maagang nagising si Wonwoo, maaga din kasi siyang nakatulog kagabi dahil natapos na niya yung librong binabasa niya. Tiningnan niya ang orasan, exactly 6am.

Bumangon siya agad at nag ayos bago bumaba. Nauna siyang nagising kesa sa mama niya kaya wala pang almusal kaya napag desisyonan niyang siya nalang ang mag luto.

Walang pasok ngayon si Seokmin at malamang ay maya maya pa iyon gigising. Hinanda na niya lahat ng pagkain sa lamesa at hinugasan na din ang mga ginamit niya sa pagluluto para mamaya ay konti nalang ang lilinisin.

Ganito lang ang gawain niya sa araw araw, matutulog, gigising, tutulong sa gawaing bahay, tatambay sa park, magbabasa ng libro tapos uuwi, paulit ulit lang.

Nakakasawa na din para kay Wonwoo, pero wala din naman siyang choice. Ayaw kasi ng parents niya na magtrabaho siya dahil sa condition niya. Minsan ay naiisip ni Wonwoo na subukan dahil ayaw naman niyang habang buhay na ganito lang pero natatakot din siya. Hindi siya sanay na may ibang tao siyang nakikilala at nakakasama. Tanging sa parents at si Seokmin lang ang sanay siyang kausap at kasama. Dagdag na din si Jeonghan na nagiging paborito na niya, siya kasi ang mas matanda sa kanila ni Seokmin kaya nang makilala niya si Jeonghan ay natuwa siya dahil parang nagkaron din siya ng kuya.

Nagising na ang mama niya at si Seokmin, pagbaba ni Seokmin ng hagdan ay nakarinig na agad siya ng sermon galing sa mama niya dahil iniwan na naman niyang bukas ang ilaw ng bahay nila buong gabi. Siya kasi ang nakatokang magpatay ng mga ilaw bago matulog, si Wonwoo naman ang nakatoka sa pagsasara ng mga pinto at bintana.

Habang kumakain ay nag uusap si Seokmin at mama nila. Habang nag uusap ay gumagamit din sila ng sign language para maintindihan ni Wonwoo. Lahat sa family nila ay nag aral nito para kay Wonwoo at sobrang naappreciate niya yun.

"Ma, nagpapaalam si Mingyu kung pwede daw ba niya kunin si kuya Wonwoo para sa trabaho?"

Nagulat ang mama nila at tiningnan si Wonwoo. Tumango naman si Wonwoo para sumang ayon.

"Anong trabaho?"

"Wag ka mag alala, ma. Legal na trabaho, muka lang illegal si Mingyu pero matino yun."

"Pasaway. Lagi mong inaaway si Mingyu."

Madalas na magkasama si Seokmin at Mingyu kaya kilala na din siya ng mama nila.

"Model daw si kuya."

"Model?!"

"Oo."

"Seryoso ka ba?"

"Muka lang akong joke, pero ma seryoso ako."

Napaisip ang mama nila. Matagal nang hindi napag uusapan ang pagtatrabaho ni Wonwoo kaya gusto niya pag isipan.

"Eh ikaw ba tingin mo pwede kuya mo dun?"

"Nandun naman si Mingyu. He's safe with him."

"Eh payag ka ba?"

Napabuntong hininga si Seokmin. "Kahit nag woworry ako, tingin ko okay din yun para kay kuya Won."

Tiningnan ng mama nila si Wonwoo. "Kung payag siya, edi payag ako."

Napangiti si Seokmin at kinausap si Wonwoo using signs. "Oh kuya Won pag isipan mo na. Goods na kay mama."

Napangiti si Wonwoo. Gusto din naman niya pero nag dadalawang isip pa siya.

Ngayon ay nasa kanya na ang huling desisyon.

Papayag na ba siya? Or maybe baka pwedeng pahirapan niya muna si Mingyu.

Earphones - MINWONWhere stories live. Discover now