01:50

120 5 0
                                    

minggie 🐶 @kmggyu • 1m

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

minggie 🐶 @kmggyu • 1m

@cartier ✨🌃

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

————————————————

Cartier @cartier

@kmggyu and @songkang at tonight's event!

@kmggyu and @songkang at tonight's event!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

————————————————

jjeong @yoonhan • 1m

need pa ba yun ipost 🙄 @/cartier. charot

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

————————————————

the♾️ @thehao8  • 1m

super close yern. 👀

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

————————————————

jiji @urijihoon  • 1m

may naamoy akong selosan mamaya. hehe

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

————————————————

boo @booskwan • 1m

sabi niya magbabagong buhay na siya 🤦‍♂️

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

————————————————

won @onewoo  • 1m

🤷‍♂️

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

🗨️ 536 🔃 643 ♥️ 973

————————————————

"Kuya Won." Sinilip ni Seokmin ang muka ng kuya niya na nasa tabi niya ngayon. Andito sila sa restau at kakagaling lang nila ng check up.

"Uyyy." Pangungulit ni Seokmin. Kinalabit pa niya ito ng paulit ulit.

Tiningnan lang siya ni Wonwoo.

"Wag mo sabihing nagseselos ka dun sa picture ni Mingyu!!!"

Umiling lang si Wonwoo at bumalik sa pagsecellphone. Nawalan siya bigla ng gana. Hindi niya maintindihan kung bakit pero nang makita niya yung previews ni Mingyu may konting kirot siyang naramdaman.

Patuloy lang sa pag scroll si Wonwoo sa twitter. Karamihan ng nakikita niya ay mga picture ni Mingyu na nakamention siya or nakatag. Madalas ay solo pictures lang ni Mingyu at ang iba naman ay may mga kasama siya.

Narealize lang ni Wonwoo, ang dami palang nakakakilala kay Mingyu. Noon ay hindi niya nahahalata pero ngayon, sikat pala talaga siya. Karamihan pa ng mga kaibigan niya mga sikat din. Pakiramdam tuloy ni Wonwoo magkaibang magkaiba ang mundo nila.

Si Mingyu yung tipo ng tao na outgoing, masaya siya kasama, madami siyang kaibigan at sanay na pumupunta sa mga ganitong event. Habang si Wonwoo, umiikot lang ang mundo niya sa apat na sulok ng bahay nila. Tho ngayon ay may trabaho na siya, pero kahit ganoon ay ayaw pa din niya na masiadong makihalubilo sa iba.

Masiado nang malalim ang iniisip ni Wonwoo at nagulat siya nang biglang nagvibrate ang cellphone niya. Si Mingyu.

Madami na pala itong chat sa kanya pero hindi niya pinapansin kaya siguro pinaring na nito ang cellphone niya.

At muli, hindi niya sinagot si Mingyu.

Tiningnan siya ni Seokmin nang nagtataka. "Bakit di mo sagutin?"

Umiling lang ulit si Wonwoo at humigop ng ice coffee niya.

Maya maya pa nagring ang cellphone ni Seokmin at sinagot niya ito agad.

Mukang alam na ni Wonwoo kung sino ang tumawag dahil tinitingnan siya ni Seokmin kaya Wonwoo signaled him na sabihing wala siya. Nagtataka si Seokmin kung bakit pero ginawa naman niya. Wonwoo even told Seokmin na sabihing kasama niya si Changkyun, gusto niya lang asarin si Mingyu.

Nang ibaba ni Seokmin ang cellphone ay napailing nalang siya. Confirmed nga. Nagseselos si Wonwoo.

Earphones - MINWONWhere stories live. Discover now