00:35

118 6 0
                                    

Walang gana si Mingyu bumangon ngayong araw, hindi pa din mawala sa isip niya yung about kay Seokmin at dun sa Onewoo.

Hindi niya inakala na magkakilala pala sila. Pero naiisip niya na siguro ay may dahilan kung bakit hindi sinabi ni Seokmin sa kanya.

Hindi naman sa galit na galit siya, oo naiinis siya dahil naglihim sa kanya si Seokmin pero matagal na silang magkaibigan. Kung papapiliin siya kung tropa o crush, mas pipiliin niya magparaya.

Gusto nalang ni Mingyu magmukmok sa kwarto niya buong araw pero hindi niya alam kung bakit parang may nagtutulak sa kanya pumunta ng park.

Kaya ito na siya ngayon, naglalakad papunta sa lugar na gustong gusto niyang pinupuntahan noon, ngayon kasi ay nasasaktan na siya.

Umupo siya sa usual bench na inuupuan niya. Sa di kalayuan ay nakita niyang papalapit yung binata na ayaw niya sanang makita.

Si user Onewoo. Pinanuod niya lang kung paano ito maglakad at umupo na din sa katabi niyang bench.

Ngayon ay wala itong dalang libro. Pero may suot pa din siyang earphones.

Gusto ni Mingyu na lapitan siya. Gusto niyang kausapin siya. Pero gaya ng dati, natatakot siya. Naalala niya din yung nangyari sa bar last time.

Tinitigan niya ang binata, pero hindi tulad ng dati na nakangiti siya, ngayon ay nalulungkot siya na hindi pala sila pwede.

Makita niya lang ang mukha nito ay naaalala niya si Seokmin.

Maya maya pa ay akmang paalis na ang binata. Saglit lang itong tumambay kaya nagtaka si Mingyu, usually ay tumatagal ito ng ilang oras habang nagbabasa ng libro.

Naalala niya yung librong binili niya. Sinilip niya ito sa bag niya at nandun nga ito.

Hindi nagdalawang isip si Mingyu tinawag niya ang binata. Pero hindi ito lumingon.

Ilang ulit niya pang tinawag ito pero wala, ayaw siyang pansinin. Nakakalayo na siya kaya nag give up na si Mingyu. Siguro ay hindi talaga siya marinig nito dahil may suot itong earphones.

O kaya naman ay naririnig siya nito pero ayaw siyang pansinin dahil sa nangyari sa bar.

Hindi na alam ni Mingyu, pero gusto niyang subukan ulit. Maibigay niya lang ang libro at titigil na siya.

————————————————

Naglalakad si Wonwoo papunta sa grocery para bumili ng inutos sa kanya ng mama niya, malapit lang ang grocery sa bahay nila at pag pupunta ka doon ay mapapadaan ka sa park.

Nang malapit na siya sa park ay may natanaw siyang pamilyar na nakaupo sa gilid ng sapa.

Yung lalaki sa bar.

Hindi nagdalawang isip si Wonwoo at pumunta ito sa direksyon niya.

Gusto niya magthank you sa cupcake at magsorry na din sa nangyari sa bar pero hindi niya alam kung paano. Umupo siya sa tabing bench nito.

Nag iisip siya kung paano niya iaapproach ang binata. Ilang minuto na ang nakakalipas at napapansin niyang tinititigan siya ng binata.

Hindi niya alam kung bakit, napapaisip tuloy siya kung galit ba ito dahil sa nangyari sa bar.

Natatakot si Wonwoo na kausapin siya.

Lumipas pa ang ilang minuto, naisip ni Wonwoo ang mama niya. Magtataka ito kung bakit matagal siyang bumalik.

Kaya nag give up na si Wonwoo. Hindi niya talaga kayang iapproach ang binata. Bukod sa baka madisappoint ito sa kanya ay baka galit din ito.

Tumayo siya at inayos ang sarili, naglakad na siya palayo nang hindi lumilingon.

Earphones - MINWONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora