01:28

125 4 0
                                    

Mingyu

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Mingyu

Hello

Goodmorning!

Hi

Ready ka na ba today?

Sure ka ba ngayon na start?

Well hindi pa naman talaga start. Pero gusto ka muna mameet ng boss ko 😅

Kinakabahan ako.

It's normal!

Nakakakaba talaga pag first time mo gagawin ang isang bagay.

But I am here.

I will help you!

Mingyu.

Hmm?

Pano kung ayaw pala nila sakin?

Okay lang gusto naman kita.

What-

Ay sorry wrong send.

Wrong send?

HALA GAGO

Minumura mo ko?

HINDI

SORRY MALI

Wrong send pala ah.

SORRY NA HUHU WAIT MO KO SUNDUIN KITA

WONWOO 😭😭😭

----------------------

Pagkababa ng sasakyan ni Mingyu ay bumungad sa kanya si Wonwoo, nakatayo siya sa harap ng bahay nila at nakatitig ng masama kay Mingyu.

Hindi naman makapagsalita si Mingyu dahil parang umuurong ang dila niya sa takot. Ngayon niya lang nakita na ganito si Wonwoo. Parang galit na galit at mangangain ng buo dahil sa sama ng tingin sa kanya.

Nagaalangan na lumapit si Mingyu kay Wonwoo, kinuha niya ang gamit nito mula sa kamay niya at hindi naman nagreklamo si Wonwoo. Agad itong pumasok sa loob ng sasakyan ni Mingyu at hindi siya hinintay, padabog nitong isinara ang pinto.

Nagulat si Mingyu. Pero wala naman siyang magagawa, natatakot siya kay Wonwoo.

Pagpasok ni Mingyu ng sasakyan ay hindi manlang siya tinitingnan ni Wonwoo na nasa passenger seat niya. Hawak nito ang cellphone niya at may kachat.

Hinayaan nalang ni Mingyu, baka mamaya ay humupa din ang galit nito.

Bago pumunta ng office ay nagdrive thru muna sila, umorder si Mingyu ng coffee at brownies para sa kanilang dalawa.

Nakasmile na inabot niya kay Wonwoo ang para sa kanya at tinanggap naman nito pero wala pa din emosyon ang binata.

Napapout nalang si Mingyu. Ang hirap niyang suyuin.

Nakarating sila ng office after ng mga ilang minuto, pagkapark ni Mingyu ay agad siyang bumaba para pagbuksan ng pinto si Wonwoo pero nahuli pa din siya dahil kusa na itong bumaba ng sasakyan.

Napabuntong hininga nalang siya. Mukang malakas talaga toyo niya today, isip ni Mingyu. Pero hindi naman siya makapalag kasi siya naman may kasalanan. Ang tabil kasi ng dila niya.

Naglakad na sila papasok sa office. Medyo nauuna si Mingyu at nasa likuran niya si Wonwoo dahil nahihiya ito.

Nang nasa loob na sila ay pinagtitinginan sila ng mga tao, sanay naman si Mingyu na pinagtitinginan siya pero this time, wala sa kanya ang atensyon, dahil lahat sila ay nakatingin pala kay Wonwoo.

Nang makapasok sila sa elevator ay may mga nakasabay silang mga babae.

"Siya pala yung kinuhang model daw para sa next issue."

"Hala ang pogi."

Naginit naman ang ulo ni Mingyu ng marinig niya ang mga bulungan ng mga babae.

Tiningnan niya si Wonwoo na walang idea na pinag uusapan na pala siya.

Naiwan silang dalawa sa elevator dahil lahat ay nakababa na. Dulong floor kasi ang office ng boss nila.

Napansin ni Mingyu na biglang hinawakan ni Wonwoo ang damit niya mula sa likod. Mahigpit ang pagkakahawak nito kaya napatingin siya.

Nakatitig si Wonwoo sa kanya na para bang kinakabahan.

Napangiti si Mingyu. Kanina lang ay ang sungit nito pero ngayon ay nakahawak na sa kanya.

Inabot ni Mingyu ang kamay ni Wonwoo at hinawakan nang mahigpit.

Kaya mo yan. Kasama mo ko. Di kita papabayaan.

Sign language ni Mingyu.

Napanuntong hininga si Wonwoo pero tumango naman siya. May tiwala siya kay Mingyu.

Pagkalabas nila ng elevator ay pinagtitinginan na naman sila ng mga tao.

Lalo na ang kamay nila na magkahawak.

Sabay silang naglalakad habang magkahawak ang kamay, pilit naman pinipigil ni Mingyu na ngumiti dahil ayaw niyang ipahalatang kinikilig siya.

At isa pa. Kaylangan niyang ipakita na off limit si Wonwoo. Madami pa namang magagandang model ang nagkalat na baka lumapit kay Wonwoo.

Nang makarating na sila sa office ng boss ay nandun na pala siya at hinihintay lang sila Mingyu. Tumagal ang meeting ng isang oras. Diniscuss lang nila ang ilang bagay. Mingyu's boss hired a professional translator para kay Wonwoo at sobrang naappreciate niya ito. Mabait ang boss nila at mukang hindi naman magkakaproblema si Wonwoo.

Next week sila mag istart, may ilang araw pa si Wonwoo para magprepare. Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya, takot, kaba at saya. Pero kahit ganon ay alam niyang kakayanin niya dahil may tiwala siya kay Mingyu. Hindi siya papabayaan nito.

Earphones - MINWONМесто, где живут истории. Откройте их для себя