00:25

128 9 1
                                    

"Oh gawin mong unan." Inabot ni Mingyu kay Seokmin ang bag niya at kinuha naman agad ito ni Seokmin, sumubsob na siya sa lamesa habang nakapatong ang ulo sa bag ni Mingyu. Mababa kasi ang alcohol tolerance niya kaya sa kanilang lahat ay siya ang pinakamabilis malasing at ngayon ay tuluyan na siyang nakatulog.

"Sabi na kasi dahan dahan lang eh." Mahinang binatukan ni Seungcheol si Seokmin.

"Tara Junhui makipaglaro tayo beerpong sa kabila." Tinuro ni Soonyoung ang kabilang table.

"Walang sumbungan sa jowa ah." Sagot naman ni Junhui at lumipat na nga sa kabilang table ang dalawa.

Si Mingyu at Seungcheol naman ay naiwan sa table nila kasama ang natutulog na si Seokmin, katabi lang naman nila ang table na pinuntahan nila Soonyoung kaya pinanuod nila ang mga ito makipaglaro.

Habang umiinom si Mingyu ay may napansin siya sa hindi kalayuan. Isang pamilyar na tao. Nanlaki ang mga mata niya nang narealize niya kung sino ito.

"Tangina anong ginagawa na naman niya dito." Sabi ni Mingyu habang pinapanuod ang binata na tila ba may hinahanap.

"Sino?" Takang tanong ni Seungcheol at sinundan kung saan nakatingin si Mingyu. At nakita niya nga din ang tinutukoy niya. "Uy si bookworm."

Tinitigan lang nila pareho ang binata, maya maya pa ay nakita nilang may lumapit na babae dito. Biglang umigting ang panga ni Mingyu sa inis. Halatang may binabalak ang babae dahil nakita niyang may hawak itong baso ng alak.

Aalis na sana ang binata pero bigla siyang hinawakan ng babae para pigilan. Dun na hindi napigilan ni Mingyu ang sarili niya kaya tumayo na sila bigla at hindi na nag isip pa at tuluyan nang naglakad papalapit sa dalawa.

"Hoy Mingyu Kim wag ka makikipag away ha lagot ako kay Jeonghan!" Sigaw sa kanya ni Seungcheol pero hindi na ito pinansin ni Mingyu dahil wala na siyang ibang nasa isip ngayon kundi ang pag hawak ng babae sa binata.

Tangina ako nga di ko yan malapitan eh tapos hahawakan niya lang nang ganun.

Huminga muna ng malalim si Mingyu.

Nang makalapit si Mingyu sa dalawa ay hinila niya agad palayo ang binata sa babae kaya nabitawan niya ito.

"Sorry I don't want to be rude pero hindi mo ba nagegets? Ayaw niya." Nagulat ang babae sa sinabi ni Mingyu, yun palang ay halos maiyak na siya, dagdag pa na nakatitig sa kanya si Mingyu ng masama.

"Please leave."

Seryosong sabi ni Mingyu. Wala nang nagawa ang babae at tuluyan nang umalis ito at mangiyak ngiyak.

Lumingon siya sa binata at nakita niya itong nakatitig sa kanya, halatang nagulat ito at nagbow sa kanya na parang nagsosorry at aalis na sana, hindi naman napigilan ni Mingyu ang sarili niya at hinawakan ang binata para pigilan, pero iba ang naging reaksyon ng binata, tinulak siya nito palayo.

Hindi na nakapagsalita si Mingyu at pinanuod nalang kung paano nawala sa paningin niya ang binata.

Marahil ay natakot ito sa kanya. Hindi niya lang naman napigilan ang sarili niya dahil naiinis talaga siya sa babae na lumapit dito.

Napahilamos ng muka si Mingyu dahil sa pag sisisi sa inasal niya. Dapat ay pinigilan niya ang galit niya.

Ngayon ay hindi na niya alam kung paano pa siya haharap sa binata.

Earphones - MINWONKde žijí příběhy. Začni objevovat