00:39

123 7 0
                                    

Seokmin

Hoy

Di ko siya kasama nasa trabaho ako

Wala pa nga ko sinasabi eh

Alam ko naman siya pakay mo eh Mingyu Kim kilala kita

Wag ka magselos di ko siya aagawin sayo

Pfft

Tanga

Sasama ka ba mamaya sa nomnom

Uu

Ikaw?

May trabaho ako dapat tapusin so baka hindi muna

Seryoso ba yan?

Kelan ka pa humindi sa inuman?

San ako kukuha ng pang ambag kung di ko uunahin trabaho ko

May point

Kawawa naman si kuya Seungcheol kung siya lagi mag babayad

Ikaw na mag sabi sa kanila ha

Oo nga

Trabaho well 😊

Plastic mo

iKAW NA NGA CHINECHEER EH 😠

------------------------------------------------------------

Tiningnan ni Mingyu ang wall clock niya, 11:00pm. Mga ganitong oras panigurado ay nagsisimula nang uminom ang mga kaibigan niya.

Hindi siya sumama dahil madami siyang pending na trabaho na hindi niya nagawa dahil sa pag eemote niya.

May mga natira pa siyang gagawin pero napagdesisyonan niyang tumigil muna para magpahinga.

Kinuha niya ang jacket niya, lalabas muna siya para bumili ng snacks at kape, tutal malapit lang ang condo niya sa convenience store.

Paglabas niya ay kakaonti nalang ang mga tao, tahimik ang paligid, hindi naman nakakatakot dahil maraming bukas na street lights, madami ding tindahan na 24 hours nakabukas.

Pagdating niya ng convenience store ay namili agad siya ng maraming chitchirya at dalawang kape na nasa bote at ready to drink para magising siya habang nagtatrabaho.

Papaalis na sana si Mingyu sa tapat ng fridge para mag bayad, nang pagharap niya ay may lalaking nakatayo sa harap niya.

Nakasuot ito ng sweatpants, jacket at salamin, pero hindi tulad ng dati, wala siyang suot na earphones.

Nakatitig lang sa kanya ang lalaki kaya napatitig din siya dito, sobrang bilis na naman ng tibok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na magkikita sila ni user Onewoo sa ganitong oras ng gabi.

Bumaba ang tingin ng binata sa hawak ni Mingyu na dalawang bote ng kape. Nacurious tuloy siya kung anong iniisip nito.

Naglakad papunta sa kanya ang binata kaya napa atras si Mingyu dahil nag panic siya. Tumitingin ito sa fridge na tila ba may hinahanap.

Pinanuod lang ni Mingyu ang ginagawa niya. Tumitingin tingin siya ng mga kape, pero mukang wala siyang mapili.

Dun napansin ni Mingyu na yung dalawang kape na hawak niya ay last na pala sa mga brand na ganun. Ito kasi ang pinakamasarap kaya ito ang pinili niya.

Marahil ay ito din ang gusto at hinahanap ng binata.

Maya maya pa ay umalis na ito sa tapat ng fridge, may bitbit na siyang ibang brand ng kape, at para kay Mingyu ay masyado itong matapang.

Tumingin tingin ang binata sa mga chitchirya kaya dumiretso na si Mingyu sa cashier at nagbayad.

Bago siya umalis ay lumingon muna siya sa binatang ngayon ay madami nang bitbit na chitchirya. Hindi niya matiis, kapag hinayaan niyang yun ang iinumin na kape ng binata ay parang nagiguilty siya.

Hindi naman siguro magagalit si Seokmin kung iaapproach niya ang binata.

Hindi na nagdalawang isip si Mingyu, lumapit nga siya dito. Matagal siyang nakatayo sa harap niya at nakikita niyang takang taka na din ang binata sa kanya.

Inabot ni Mingyu ang kape. Nagtatakang kinuha ito ng binata mula kay Mingyu.

Hindi na nagsalita pa si Mingyu at nginitian nalang ang binata bago lumabas ng convenience store.

Binilisan talaga ni Mingyu dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya.

Gusto niyang sumigaw at magwala dahil sa mixed emotions niya. Hindi niya alam kung ano ang mangingibabaw, kilig ba dahil napansin din siya ng crush niya or takot.

Takot na baka hindi niya mapigilan lalo ang nararamdaman niya para sa binata.

Earphones - MINWONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon