00:23

111 10 2
                                    

"Ang tagal mo! Nagpapogi ka pa wala naman epekto." Bungad ni Mingyu kay Seokmin na kararating lang.

"Pakainggetero mo, palibahasa di ka crush ng crush mo." Sagot nito sa kanya.

"Hoy foul!" Bulyaw ni Mingyu kaya nagtawanan sila.

Tulad lang ng isang normal na gabi para sa kanila, nagorder sila ng mga maiinom at pulutan. Medyo madami silang inorder dahil gusto daw makalimot ni Mingyu sa pagkabroken niya.

"Tangina kahit pala hindi naging jowa nahaheart broken din." - Seungcheol

"Lakas mo mag emote di ka naman kilala nun." - Junhui

"Imbis na inaaway niyo ko sana dinadamayan niyo ko di ba." - Mingyu

"Kala ko ba may nanghingi ng number mo? Kamusta na?" - Soonyoung

Tumingin si Seokmin kay Mingyu at naghintay ng sagot nito.

"Hindi nga ako interesado." Seryosong sagot ni Mingyu sabay uminom sa baso niya.

"Himala ah." - Junhui

"Bakit ba tingin niyo sakin napakababaero ko. Parang ang sama sama ko tuloy." - Mingyu

"Knowing you kasi malamang dapat nag eenjoy ka na kasama yung model na katrabaho mo." - Seokmin

"Uulitin ko. Di nga ako interesado." Huminto si Mingyu sa pagsasalita at parang nag isip saglit. "Lakas ng tama ko sa kanya."

Pagkasabi nun ni Mingyu ay natahimik silang lahat. Naramdaman nila na seryoso talaga siya.

"Ano ba nakita mo sa kanya?" Curious na tanong ni Seokmin. Gusto niyang malaman kung talaga bang worth it si Mingyu para sa kapatid niya.

Ayaw naman talaga niyang magtago kay Mingyu. Pero ayaw din niyang uuwing luhaan si Wonwoo sa huli.

"Hindi ko din alam.. There's something in him. Una I found him pretty interesting lang talaga. Pero nung natitigan ko na sa park, iba talaga. Lalo na nang lagi ko na siyang nakikita."

Nakinig lang sila kay Mingyu dahil pati sila ay hindi makapaniwala na nang gagaling ito lahat sa kanya.

"Tapos pag naman hindi ko siya mahanap, nafu-frustrate ako. I may sound creepy, pero gusto ko siyang laging nakikita."

"Tangina mukang talagang malakas nga tama mo. Isang bookworm na malabo ang mata lang pala makakapagpaganyan sayo." - Seungcheol

Tahimik lang si Seokmin at nag iisip. Pano nga kung tama si Jeonghan?

Ngayon ay napag iisip isip na niya. Kaibigan niya si Mingyu. And maybe he should trust him.

Earphones - MINWONOù les histoires vivent. Découvrez maintenant