01:61

198 10 6
                                    

"Akin na bagahe mo." Mingyu reached out for Wonwoo's baggage na hawak niya. Tutulungan niya si Wonwoo mag ayos ng mga gamit nito.

Roommate ni Wonwoo si Minghao at si Mingyu at Junhui naman ang magkasama. Two persons each room ang naging arrangement nila since dalawa ang kama per rooms, naiba lang kay Dino, solo siya sa kwarto at ang pinakamagandang room pa ang napunta sa kanya. Perks of being kuya Cheol's favorite.

"Labas muna kami ah, bahala muna kayo jan." Sabi ni Junhui habang hawak na ang kamay ni Minghao. Obviously tapos na silang magayos ng mga gamit. Both Mingyu and Wonwoo nodded. "Sige, tawagin niyo kami kapag kakain na." Dagdag ni Mingyu.

Wonwoo tapped Mingyu's shoulder.

Di ka mag aayos ng gamit mo?

Ngumiti si Mingyu.

"Mamaya na. Konti lang naman dinala ko so madali lang."

Napakunot ng noo si Wonwoo pero tumango nalang din.

Maya maya pa ay natapos sila.

Umupo si Mingyu sa kama ni Wonwoo at gumaya ito sa kanya.

Mingyu will take this chance para maibigay kay Wonwoo yung matagal na niyang gusto ibigay.

Kinuha niya yung paperbag sa tabi at binigay kay Wonwoo.

Tiningnan lang siya ni Wonwoo nang nagtataka bago buksan ang paper bag. There he saw a book.

Yung libro na binili ni Mingyu nung hindi pa sila nag kakakilala ni Wonwoo. Yung libro na binili niya sa bookstore nung araw na nahuli niya na magkasama si Wonwoo at Seokmin.

Librong pinakatago tago niya. Matagal nang naghahanap ng timing si Mingyu na maibigay ito sa kanya pero hindi niya magawa.

And Mingyu thinks na ngayon ang perfect timing.

"Happy birthday."

Mingyu said while smiling widely kay Wonwoo. He smiled back before hugging Mingyu. The hug lasted nang ilang segundo bago bumitaw si Wonwoo. He stared at the book na hawak niya.

"Open mo page 17."

After sabihin yun ni Mingyu ay tumayo siya. Nagtataka lang siyang tinitigan ni Wonwoo.

Hinalikan ni Mingyu ang noo ni Wonwoo bago ito lumabas ng kwarto, naiwan si Wonwoo nang nakatitig sa libro.

Hinanap niya ang page 17 na sinabi ni Mingyu. At sa page 17 ay may drawing ng dalawang tao, magkatabi at nakasandal sa isa't isa.

Wonwoo smiled. It's like them.

Sa bandang baba ay may note.

Nagulat si Wonwoo sa nabasa niya. Napansin niya din na hindi ito part ng book, it's hand written.

I like you, I really do, WW.

At kilala niya kung kaninong sulat yon. Sulat ni Mingyu.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Earphones - MINWONWhere stories live. Discover now