Chapter 43

23 1 0
                                    

Bawat paghinga kaakibat ang kaba, simula pa nong una hinding hindi nawala at nilubuyan sila ng kaba, ngunit may kaba man mas lumalamang pa din ang tapang dahil naniniwala silang hindi ka matapang kung hindi ka makakaramdam ng kaba.

"Sino kaba talaga?"- mahinang tanong ni Eyaa kay Kriza ng mabigyan sila ng pagkakataong makapag usap ng solo, nilingon ito ni Kriza at malimit na ngumiti

"Pati ba ikaw walang tiwala sa akin?"

Umiling si Eyaa "Hindi sa walang tiwala ramdam mo naman siguro na simula pa lang malaki na ang tiwala ko sayo, gusto ko lang malaman"

Inilagay ni Kriza ang kanyang kamay sa braso ni Eyaa "Sasabihin ko sayo sa tamang panahon, ito lamang ang tanging paraan para maligtas tayo, hindi kelangang malaman kung ano ako"

"Sobrang sikreto ba talaga ang iyong pagkatao?"

Humakbang paunahan si Kriza at humalukipkip "Hindi naman sadyang binibigyan ko ng limitasyon ang bawat detalye"

Napalingon ang dalaga sa kanya at tila napaisip ng malalim, hindi alintana ang maraming katanungan na bumubuo sa kanyang isipan kung kaya't alam nito sa sarili niya na dapat lamang pagkatiwalaan ang babaeng nasa harapan niya, hindi batid kung ano ang dahilan ngunit ang sinisigaw ng puso ay pagkatiwalaan ito. Kabaliktaran ng puso at isipan ngunit mananaig ang puso sa isipan.

Ngumiti ng mahinhin si Eyaa saka hinawakan ang kamay ni Kriza "Alam kong hindi masama ang iyong balak, alam ko at dama ko na mabuti kang tao kaya malaki ang tiwala ko sa iyo, hindi lang bilang kaibigan kundi bilang kapatid na din"

Hinawakan din ni Kriza ang kamay nitong nakawahak sa kanya "Salamat sa tiwala"

"Hindi ko batid kung bakit nagtitiwala din ako sayo"-biglaang sulpot ni Laiza na agad nilingon ng dalawa "Ngunit ramdam ko na ikaw ang magiging daan ng kapayapaan"

Umiling si Kriza "Nagkakamali ka, hindi lamang ako, kundi tayo. Hindi mabubuo ang Plano, hindi magtatagumpay ang plano, at mas lalong hindi makakamit ang kapayapaan  kung walang kayo. Hindi ako mabubuo kung walang kayo dahil sa atin nakasalalay ang tagumpay"

"Ano naman ang ambag namin? Paanong naging kasama kami sa tagumpay eh halos nga pang comedy ang kilos namin"

Natawa ng mahina si Kriza bago ito sinagot "Kung sa tingin nyo wala ngunit sa mata ng taong bayan marami"- bumitaw si Kriza sa pagkakahawak kay Eyaa at tuluyang humarap kay Laiza "You have the strength, the power too"

"Pero di yon sapat para maging kasama kami sa tagumpay"

Mapait na ngumiti si Eyaa "Sa tingin ko tama si Kriza Laiza, kasi isipin mo tayo yong ipinadala dito, simula una pa lamang hindi tayo lahat magkakilala at kung iisipin natin may rason kung bakit tayo ang napili ng tadhana"

"Because we're the choosen one to save everyone"

"Naniniwala naman ako na Isa tayo sa magiging daan ng tagumpay"-bigla namang sabat ni Tina na kakarating lamang na agad nilingon ng tatlong seryosong nag uusap

"Kanina kapa diyan?"-usisa ni Laiza

Umiling ito "Hindi, kakarating lamang ngunit narinig ko na ang mga pinag usapan ninyo hindi man buo ngunit gets ko" lumingon si Tina kay Kriza "Sigurado ka bang matatagumpayan natin ito?"

May bahid mang pagdududa sa isipan ay tumango na lamang ang dalaga "Mapagtatagumpayan natin kung magpupursigi tayo at kung hindi, ipipilit padin natin, para saan na't andito na tayo"

"I don't think naman na we'll fail"- sabat na naman ni Yanna na kakarating lang din, para tuloy silang mga Kabuti na sumusulpot kung saan-saan.

Ngumiti si Kriza "We won't, I promise"

"You don't need to promise Kriza, Because we will do it, Together."- dagdag naman ni Janna na nakasunod pala kay Yanna

Tumango silang anim, kasabay ng pagtango ay ang tuluyang pagkaisa ng mga mithiin at saluobin ng mga dalaga. Magkaiba man ng pinanggalingan ngunit iisa ang puso at isipan na makamtan ang tagumpay na kapayapaan sa kanilang lugar.

Mabilis na dumilim ang paligid at tila ingay ng gabi at apoy ang naririnig sa kapaligiran, nakatitig ang anim na dalaga sa apoy at  malalim ang mga iniisip hindi alintana ang pagod at gutom ngunit mas nangunguna ang pangamba para sa mga susunod na mangyayari. Ngayong sumalakay na ang Region maaaring duguan na nga ang mga susunod na mangyayari nito, malimit man sa kilos ang Prowler ngunit nakakasiguro sila na may pag asang matalo ang Region ngunit mas mataas ang pag-asa ng mga Region sapagkat bawat detalye ay alam at napakaloob sa kanilang plano kumbaga planado na talaga ang lahat.

"Sa tingin mo ba, mapagkakatiwalaan na tayo ng mga Prowler?"

Napalingon silang lahat kay Tina

"Sa tingin ko naman oo, pero possible din na hindi"-sagot ni Yanna na hindi lumilingon dito

Lumiit ang mata ni Tina "Kaya nga nagtatanong ako kung oo ba o hindi. Di ko naman kelangan ng sagot na dalawa"-mataray nitong aniya

Nilingon ito ni Yanna "Do you think there's an exact answer to your question? No Tina, no."

"Paano mo naman masasabi na wala? Saksi kaba? Kasali kaba sa plano nila, diba hindi?"

"Ask yourself Tina, mapagkakatiwalaan kana ba ng mga Prowler? Sapat naba ang pagsagip sa kanilang Heneral upang tayo ay mapagkatiwalaan? Sapat na ba ang ginawa natin para maging isa tayong Prowler?"

Umikot ang mga mata ni Tina "Binabaliktad mo ba ang tanong ko Yanna?"

"Tinatanong ko ang sarili mo, kung ano ang masasagot mo yan din ang sagot sa katanungan mo"

"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko para ako din ang tanungin mo, hindi ko nga masagot ang sarili kong tanong yan pa kayang sa iyo. Tila ika'y nakakalimot na Yanna na hindi ko ugaling sumagot sa sarili kong tanong"

"Ano naman ngayon kong Hindi mo masagot atleast nagtanong ako sayo"

"Tama na nga, ang ingay ingay nyo. Nakakawala ng concentration dfuta" sabay silang natahimik ng magsalita si Janna naiirita na ito sa kaingayan nito, hindi batid kong uunahin ang iniisip o makikisali sa pakikibungangaan.

"Kesa sa magbungangaan kayo diyan mag isip na lang kayo ng plano na makakabuti para sa atin"

"Anong plano naman?"-tanong ni Yanna kay Eyaa

"Plano para sa tagumpay"

"Tagumpay? Nakakasiguro kabang magtatagumpay tayo?"

Muling napaikot ng mata si Tina at pilit pinipigilan na huwag dumampot ng bato at itapon sa ulo ni Yanna sapagkat gustong gusto na nitong batuhin ang dalaga dahil sa pakikipagsali na wala naman ambag.

"Pwede bang tumahimik ka dyan Yanna, nakakairita yang bunganga mong wala namang saysay"

Napangisi si Yanna "Hindi din naman ikaw ang kinakausap ko at bakit ka naiirita riyan"

"Hindi sa sinasabihan kitang bobo ah pero sadyang bobo ka lang kung maaari tumahimik ka"

Napairap si Yanna "Mas bobo ka din nagtatanong lang ako, Hindi ka marunong umintindi"

"Mas hindi ka marunong umintindi sapagkat nag paplano pa lamang tayo nagtatanong kana ng tagumpay"

"Aanhin ang plano kung hindi mo makakamtan ang tagumpay?" Seryosong tanong ni Yanna

"Aanhin ang gawa kung Wala kang tiwala?" Humalikipkip si Tina na tila nagaabang ng away ng isang dragon

"Magtitiwala kaba kung alam mo mismo na wala kang kasiguraduhan?"

Napangisi si Tina "Paano ka makakasiguro kung hindi ka magtitiwala?"

"Tama na please lang, tangina mag aaway na lang ba tayo dito?"- taray na saad ni Janna

Minsan ay hindi talaga mapaglapit silang anim sapagkat nakakagawa sila ng mga bagay na hindi nila mapagkakaunawaan ngunit sa kabila ng mga di pagkakaunawaan andon pa din ang pagkakaisa mananaig pa din ang pagkakaisa.

A:n I'm back peopleeeeee. Welcome me back, a survivor of typhoon Odette.

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now