Chapter 5

59 25 3
                                    

'Jizney Eyy (Eyaa) POV'

"Last practice would be today so please wag niyong pasakitin ang ulo ko dahil nakakagigil na yang katigasan ng ulo ninyong anim"

"Kasali talaga ako? Eh Ni hindi nga ako sumagot sagot sayo Heneral"-matabang na saad ni Tina, tila kinukuha ang loob ng Heneral.

"Kasalanan ng isa kasalanan ng lahat kaya wag kang magmalinis Ms. Magdaong"-agad napatikom ang kanyang bunganga sa sinabi ni Heneral.

Ang nangyari kahapon ay pinalampas na lamang ni Heneral, nadatnan niya Kasi kami sa Lamesa na kumakain imbis na nakatali doon at ninanamnam ang parusa ngunit andon kami sa hapagkainan ninanamnam ang mga pagkain, galit na galit Kay Laiza ang lalaki na sinakal niya kahapon Yong kinuhanan niya ng Susi dahil hindi daw biro ang ginawa ni Laiza sa kanya nakatamasa siya ng mga galos at sugat, galit na galit gustong manakit ng lalaki Kay Laiza ngunit binantaan naman naming Lima na subukan niya Lang na galawin si Laiza at kami ang makakalaban niya, hindi namin pwedeng hayaan si Laiza dahil malaki ang naiambag niya sa Groupo namin.

"Dzuh Whatever"-inirapan pa Ni Tina ang Heneral na ikinailing na lang nito.

"Ansasama talaga ng mga ugali niyong mga babae, kaya nga madalas lalaki ang manlalaban dahil walang arte di tulad niyong madalas magreklamo"

Tuhimik lamang kami at hindi siya sinagot, natatakot na muling itali at muling parusahan.

"Remember, this is the last time you will have a practice dahil bukas na bukas simula na ng labanan, ihanda ang sarili at tanggapin ng maaga na may mawawala sa inyo at may makakasurvive"

Sabay sabay kaming napabuntong hininga, hindi matanggap ang mga narinig.

"Walang mawawala samin kapag magtutulungan kami"-seryosong aniya Ni Kriza.

"Ofcourse Kung walang tatraydor sa inyo, now focus to the training I'll be right back"-yon Lang at tinalikuran na kami ng Heneral.

Ayos na ayos ang training ni Heneral dahil kami lang ang bahala sa pag ensayo kahit isang instruction man lang Kung paano gamitin ay Wala siyang sinabi at ibinahagi sa amin, kami itong kusang inaalam Kung paano gamitin paano paputukin at paano maging matuto. Wala kaming kamuwang muwang sa mga bagay ja ganito o siguro ako at si Laiza lamang ang walang kamuwang muwang dahil sa hindi namin Gawain ang ganitong mga bagay.

Sabay sabay muli kaming napatitig sa mga pana, Paano Naman ako matututo nito Ni hindi ko nga naranasang humawak ng Pana, palihim akong napailing dahil sa pagkakadismaya sa sarili. Unang pumulot ng Pana si Tina agad siyang dumampot ng arrow atsaka itinutok sa puno na target, huminga muna siya ng malalim at saka buong lakas na Hinila ang busog at ng pinakawala na niya ito ay mabilis na Lumipad ang Pana papunta sa Gitna ng puno, Napanganga ako ng makitang tumama talaga ang Pana sa Gitna.

"You're good at bow and arrow Tina?"-tanong ni Janna.

"Yeah, Ace told me how to use it"

"Nice"-nakangising aniya ni Janna.

"Me too watch me"-singit ni Laiza at dumampot din ng Busog at Pana, agad siyang pumwesto at Hinila ang busog ng buong lakas binitawan niya agad ang busog na siyang ikinalipad ng Pana papunta sa Target area.

Sabay sabay din kaming humanga sa kanyang angking galing,

"Kelan ka pa natutong gumamit ng Pana Laiza?"-namamanghang tanong ko sa kanya.

"Nakikisabay Kasi ako kay Kuya sa panghuhuli ng usa upang humanap ng makain namin, kaya natuto na akong gumamit ng pana"

"Ganon ba, ako lang yata ang hindi marunong ng Pana"

"Ako din di marunong Eyaa"-sambat ni Kriza "But I know how to use swords"

"Talaga? I know how to use swords also"-sambat ni Janna "Eh ikaw Yanna anong Hindi mo Alam?"

"Tsss, ako?"-turo niya sa sarili niya "Walang alam, eh nag-eensayo ako araw araw samin"

Sabay sabay kaming napa 'Oh' sa sinabi niya, Tama naman kasi siya, sumasang-ayon ako na lahat alam niya, at walang bagay na hindi niya alam, Ang ama niya ay lieutenant kaya hindi impossibleng lahat ng kagamitan pangdigma ay alam na alam talaga niya.

Buong araw kaming nag ensayo gamit ang Pana, Baril at espada. Kakaiba Kasi ang labanan na mangyayari dahil kelangan na gumamit ng Pana at baril sapagkat madami daw na patibong ang mga Prowler.

Kasalukuyan kaming nakadungaw sa malaking buwan ngayon habang kumakain ng hapunan, naisipan naming kumain dito sa Labas at sa ilalim ng puno habang nakadungaw sa malaking buwan.

"Penge ako niyan Janna"-saad ni Tina na tinawanan lamang ni Janna.

"Makahingi ka eh ang dami pang pagkain diyan sa Plato mo bruha ka talaga"

"Hindi kaya ako bruha, si Yanna kaya yon"-turo niya Kay Yanna na nananahimik lamang sa gilid ni Kriza.

"Dzuh, wag niyo nga akong isingit sa walang kwenta niyong usapan , kitang nanahimik itong tao dito"-masama ang tingin ni Yanna Sa dalawa.

"Sorry na Po Yanna, di ka talaga mabiro kahit kelan tsk"-dismayadong aniya ni Tina.

"Biro ba yon? Well di ko ma-gets eh, dapat kasi sa biro tatawa ka samantalang ang biro niyo hindi ko maintindihan"

"Paano mo maintindihan kong Wala Kang intindi?"-taas kilay na saad ni Janna.

"Paano ko nga maintindihan kung ang biro niyo pang low class na tulad niyo"-agad na natikom ang bibig ng dalawa na siyang ikinahalakhak ni Kriza.

"Sege pa mangbiro pa Kasi kayo ng sa magkasakitan pa kayo"-aniya Kriza.

Hindi ko mapigilang sumabat sa kanila "Tama na nga Yan, wag niyo na dagdagan pa dahil baka San pa mapunta ang pagbibiruan niyo"

"We're not joking Eyaa"-saad ni Yanna at Inirapan pa ako nito kaya itinikom ko na Lang ang bibig ko.

"Handa na ba talaga kayo sa bakbakan bukas?"-pag-iibang saad Ni Laiza lahat kami napalingon sa kanya at Sabay sabay na napabuntong hininga.

"Im not ready I guess"-aniya Janna

"Me too I'm not"-Tina

"Me neither"-sabat ko.

"I'm ready anytime"-saad ni Yanna saka tumayo na at tinalikuran kami. Inantay namin ang sagot ni Kriza, tumayo na rin ito dahil tapos ng kumain.

"I'm ready too"-tumalikod na ito samin ngunit hindi pa nagsimulang humakbang.

"Even if you aren't ready you have to, so please be ready because we need to win this battle remember our family are waiting for us"

To Be Continue

War Of Love And Death- On HoldWhere stories live. Discover now